Chapter 17 *Maliit*

1.4K 23 0
                                    


~Raiji's POV~

"Martyra?"

"Tol, matagal ka pa ba?" nakarinig ako ng sigaw mula sa likod at napalingon ako bigla.

Pag balik ko ng tingin bigla nalang nawala yung maliit na babaeng nakafitted dress.

Si Martyra ba talaga yun?

"Manong, may kukunin lang." Sabi ko dun sa guard bago pumasok ng GPH.

Habang naglalakad ako papasok ng GPH hindi mawala sa isip ko ang babaeng yun, kilala ko ang malaki at alanganing boses na mababa sa itsura niyang maliit.

Yung hubog ng mukha niya at ang mga mata niyang matalim tumingin pero may kaakibat na kainosentehan. Pero bakit nang tignan ko ang mata niya, wala akong mabasa..

Imposible naman, madaming maliit na babae dito sa mundo baka nagkakamali lang ako.

Madami ding babaeng ganun ang mata at ganun din ang mukha?

Sumakay na ako ng elevator dahil ayokong mag hagdan, papawisan ako.

Pagkapasok ko sa elevator, ako lang mag isa. Kaya namulsa nalang ako para wala porma lang. Feeling cool.

Pagbukas sa 2nd floor, nakasabay ko si Darls.

"Hey, best! Mukhang malalim ata iniisip mo?" sumasayaw sayaw siya habang nakalagay ang isang earbuds sa teinga niya.

"Wala to best!" pag sisinungaling ko.

Tumunog ang elevator at bumukas uli iyon. Pero sa pagbukas nun may pumasok na maliit na babae. Bigla siyang tumalikod kaya di ko naaninag ang mukha niya.

Nakashort ng maong. Leopard na off-shoulder at black sneakers.

Fitted sakaniya yung off shoulder at short na maong, sakto lang yung katawan niya sa height niya, sexy nga siya e.

Teka bakit ko ba binubusisi ang babaeng to? Kelan pa ako naging girl conscious.

"Hey!" siniko ako ni Darls.

Tumingin ako sakaniya na 'what' at nagets naman niya agad yun na tigilan ko ang pagsuri sa babae sa harap ko.

Pero sa babaeng ito unang una kong naisip si Martyra.

Ganito din siya kaliit e pero hindi ganito kasexy at kaputi. Hindi nga chestnut brown ang kulay ng buhok nun e.

Pero sabagay 3 years na ang nakakaraan baka nagbago na yun..

Medyo gumigiling giling din yung babae sa harap, teka Bubble Gum ba yung tugtog niya? Ang lakas kasi ng sounds niya tsk. Miss, ikaw lang ba tao sa elevator?

Nakita kong may hawak hawak siyang phone sa kabilang kamay at gumigiling giling na parang wala siyang kasama sa elevator.

"Stop staring." Awat sa akin ni Darls. Si Darls ang kababata ko na ngayon ay katrabaho ko na dito sa GPH. Company nurse.

Tumango na lang ako at binaling ang sarili sa pagtungo ng mapansin ko ang tabinging katawan nung babae.

Bigla na naman nag sink in sa utak ko si Martyra.

Tsk, bakit ba pumapasok sa isip ko si Martyra?

Out of the blue biglang naalala ko siya.

3 years ago na nang mag hiwalay kami bakit parang ngayon ko lang ata siya madalas uli maalala.

Nag patuloy ang pag bukas sara ng elevator sa bawat floors at ang tangi ko lang napapansin ay ang babae sa harap ko.

The Life of Martyra (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin