Chapter 4 *After 3 years*

3K 58 17
                                    


~Martyra' POV~





After 3 years?





Ano na nga ba ako?








"HOY! May balak ka pa bang umuwi?" my mom's rants again. Oo si mama ang kausap ko, at kinakausap niya ako thru skype, nagagalit na siya kasi 3 years na akong di umuuwi sa pilipinas. Yes, tama kayo wala  ako sa pilipinas since 3 years ago mas minabuti kong pumunta na lang ako sa ibat ibang lugar, mag travel mag isa, magpayaman mag isa at maging mag isa kaysa sa may kasama nga ako di naman ako kayang panindigan. Yun hugot uli hahaha.




"Mama, uuwi ako dyan promise!" i raised my hand tapos nagpapacute pa ako kay mama. Si mama, ayun buhay donya na paano ba naman di magbubuhay donya e kada buwan binibigyan ko sila ni papa ng pera, di naman dahil sa suhol or something pero pagbabalik ng tulong at buong buhay nila na inilaan nila sa aming mag kakapatid. Kahit sila ate ay may kaniya kaniya ng buhay, si ate Monay may sarili ng harry potter shop, co-owner ng harry potter amusement park sa japan tapos may sarili na din siyang family with his husband. 



Si ate Bob naman ayun, mukhang walang balak mag asawa gusto lagi happy go lucky lang walang problema sa buhay. Vocalist ng sikat na banda sa japan tapos may sariling recording studio at nagtayo na din siya ng pagawaan ng gitara. 


At ako?



Nasa akin na lahat ng gusto ko. Goals ko. Pinapangarap ko. Buong mundo. 



Imposible ba?



Dito sa story ko walang imposible, lahat pwedeng maging akin. At sinasabi ko sainyo, ako si Martyra ang mas new version ng dating Martyra noon. 



"Siguraduhin mo lang ha! Naku naku! Ang dami mo ng atraso sa amin ng papa mo alam mo namang kami nalang ng papa mo dito at mga ate mo, naku! ewan ko na!" nang gigigil pa si mama e haha paano kasi wala na silang binebaby na anak kaya ganyan.


"Opo, uuwi ako tas dadalaw ako dyan" hayy nakakatuwa silang tignan nakakamiss din si mama kahit napakataray at napakataklesa. Napakaswerte ko pa din dahil may magulang akong kagaya nila. 



"Oh sige, at kami ng papa mo ay may pupuntahan lang na party ng tita mo. Birthday kasi ng anak niya. " nag aayos ng buhok si mama na ready a ready na sa gora niya haha.

The Life of Martyra (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu