Chapter 53 *Ask yourself*

653 19 3
                                    


A/N: hi Martyras sorry na hindi ako nakapag UD ng ilang araw, nagkasakit kasi ako and naging busy lang last week so talagang na full ang sched ko. But anyhow and then eto na ang UD ko for this day hopefully mabasa niyo and magustuhan niya pakivote and comment ang feedbacks niyo and ofcouse thank you kasi naka 600 READS na ako kung dati huling silip ko 517 ata. i am very thankful sa mga nagsusupport at nagbabasa. Hopefully matapos ko na to. LOVE YOU GUYS. ARIGATOU.






~ Martyra's POV~

"Gamutin mo na siya agad bago pa maimpeksyon ang mukha ng kaibigan mo." Mabigat, mahina, garalgal pero nakakatakot na boses na sabi ko ng maiupo na si Kris sa king size bed. Hanggang ngayon nagpipigil pa din ako sa emotions ko buhat ng sunduin ko ang mga lalaking ito doon sa SLEX dahil tinawagan agad ako ng kawani ng management ng SLEX na mga kasama ko kanina ang nag aaway sa kalagitnaan ng daan?

"wala akong gamit pang gamot--- sakaniya" nag- aalangan ka pa? Doctor ka diba?

"May gamit ako dyan, you can use those tools as your medical instruments. " lumakad ako ng bahagya at tinitigan ang mukha ni Kris.

"Don't worry all of those tools are sterilized and sanitized." Mahinahon pero kakakitaan ako ng galit dahil sa nangyari kanina. Imbis na di ako maging affected ay nagiging affected ako, nakakairita na nang dahil sa away nila nadawit pa ang pangalan ko.

Narinig ko na bumukas na ang Master's Bedroom kaya nakita ko si France na may dala dalang cart na punong puno ng mga tools for medications.

"Andyan na yung mga tools, gawin mo nalang. " Umupo ako sa long table habang itinaas ko ang paa ko na parang walang pake kung nakabukaka ako doon. Badtrip ako kaya nabwbwisit ako sakanila. Nakataas ang paa ako habang ang isa naman ay nakababa. Upong nakain lang.

Sinimulan na ni Jino ang paglilinis ng mga sugat ni Kris sa mukha, sa kabilang banda naaawa ako sa mukha niya dahil punong puno ng pasa pero ang nakakaasar doon bakit ako pa talaga ang tinawagan ?

Ilang minuto din ang lumipas at nag lilinisan pa din sila habang ang mata ko ay napadako sa malaking lalaki na nakayuko at nakapamulsa. Tss, ngayon napakatahimik mo at di maadmit na kasalanan mo?

"Tapos na, Suicide." Umalis si Jino sa harap ni Kris at tinanggal ang gloves na ginamit niya para di madumihan ang sugat ng ginamot niya, at ako naman sumandal nalang sa pader na katabi ng long table at madilim na mukha ang pinakita ko sa mga pagmumukha nilang lahat.

"This is the first time na may tumawag sa akin tungkol sa away ng dalawang lalaki?" seryosong seryoso akong tinitignan sila isa isa at pinanlilisikan ng mata ng dahil sa kagaguhan nila.

"Nang dahil lang sa simpleng away nadawit ang pangalan ko, what the hell.. ---anong pinag awayan niyo?" umayos ako ng upo pero di ko tinatanggal ang paa ko sa table, pake nila. Trip ko to at badtrip ako sakanila.

Pero walang umimik na isa sakanila, magaling! Magaling na walang dila sila sa mga ganitong sitwasyon.

"Kung walang iimik, pag babarilin ko nalang kayo isa isa?!" inilabas ko ang baril na kanina lang ay inihara ko din sakanila para magsitigil sila sa pag aaway nila.

Pero dagli-dagling umimik si Jino ng makita ang baril na hawak ko. Siguro ay naisip niyang wala akong awa kapag hinila ko ang gatilyo nito. Kitang kita ko din naman ang panlalaki ng mata ng mga hinayupak na ito. Gosh,.. nawawala ang poise ko.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now