Chapter 23*Akala ko*

1K 24 14
                                    


A/N: hi guys UD lang ako ng isa  kasi may nag request sa akin sorry kung medyo mabagal, kasi may sakit ako ngayon e. Hopefully mas dumami yung mga nagbabasa. Iloveyou guys : Arigatou.

~Third Person's POV~

"SU-ICIDE! SU-ICIDE!" malakas na sigawan ng mga tao ang pumuno sa puwang ng racing arena na siyang nagaganap ngayon.

Pero may isang taong hindi natutuwa sa mga nangyayari, si Kris.

"Kababaeng tao nakikipag karerahan? Anong klase!" naiinis itong nagmumurmur sa upuan niya at nag aabang ng mga susunod na mangyayari.

"Matinde pala tong Ex mo, laki ng pinagbago." Biglang sulpot ng sabi ni Jino tapos sumandal sa upuan.

Wala naman umimik sa itinuran ni Jino dahil lahat sila alam nilang ayaw pag usapan ni Raiji ang tungkol kay Martyra. Pero wala silang magagawa dahil inaya sila ni Kris na samahan siya .

"Alam mo Kris, daig mo pang ex ni Martyra" tulak naman ni AG kay Kris na ngayon ay nakatingin na sakaniya at masama ang dala ng paningin.

"Handa ka na ba?" ngising ngisi naman si Martin na tinatanong si Martyra kung handa na ba ito. Nagpalit pa pala ito ng suit kung kaya nagtagal sa pagsisimula ang laban.

"Oo naman. Lagi naman akong handa" ngisi din pabalik ni Martyra sa kalaban bago ngumiti ng napakaganda. PROUD NA PROUD.

Hindi siya nagpalit kagaya ng sa outfit ni Martin na overall suit, kung ano man ang suot niya ng pumunta dun ay siya ding suot niya sa laro.

Tapos lumakad na si Martin pababa ng arena kung kaya naman sumunod na din siya.

Pag dating nila sa racing arena, biglang dumating ang sasakyan ni Martin na siyang gagamitin niya sa pangangarera.

Isang Audi A3 na black ang humarurot sa field at nakapag pa ~wooooaaahhh~ sa mga tao na siyang gagamitin nito para sa kalaban niyang si Martyra, naghiyawan ang mga supporters nito kahit kakaunti, may dalang mga bote na plastik ang mga ito ng makagawa ng ingay.

Naglakad papunta sa sasakyan niya si Martin habang nakataas ang kamay na pinagmamalaking ito ang sasakyan niya, na maangas siya na matatalo niya si Matyra.

Pero laking gulat ng lahat ng biglang humarurot ang Ferrari Italia 458 na silver sa tapat mismo ng Audi A3 ni Martin at pinakain ng alikabok ang mga tao doon. Namangha, nagulat at naghiyawan ang mga tao na nakakita ng eksena ng pagharurot ng isang ferrari car.

Nanlaki ang mata ni Martin sa nakitang klase ng sasakyan at tumingin ng namamangha kay Martyra. Biglang lumabas naman ang nagdala ng sasakyan sa field na si Shigi.

"Tara?" nakataas ang kilay nito habang nakasmirk ang labi niya at nakatitig ng sobrang talas sa kalaban. Nakasandal siya sa sasakyan niya habang hinihintay na sumagot ang kalaban na hindi pa ata nakakaget over sa eksena ng sasakyan niya.

Inaasar niya talaga ito para naman hindi siya mainis.

Nag announce na ng nasabing time ang speaker kung kayat nag ready na ang dalawang kampo na mag lalaban.

Pumasok na sila sa kani-kanilang mga sasakyan at inihanda ang sarili. Pero si Martyra ay parang wala lang sakaniya ang mga nangyayari, normal at kampante lang siya na umupo doon sa driver's seat habang natatamad pa yata.

"Tagal naman" bulong niya sa loob ng sasakyan habang tinitignan ang katabing sasakyan

[In the count of 3, we will begin the incredible racing battle of the day]

Sabi ng announcer sa taas at tumayo sa harap ng madaming tao.

[In 3.. 2.. 1...! Reaaaadyyyyy.... Set. GO!]

The Life of Martyra (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat