Chapter 2 *reminiscing*

4K 52 7
                                    


~Martyra's POV~





"Martyra! Lalabas ka pa ba?" Boses na naman ni mama yun. Haii kahit kelan wala na akong makuhang kapayapaan dito sa bahay.




"Saglit na lang maaa" napabuntong hininga nalang ako. Alam mo yung ang bigat bigat ng pakiramdam mo tapos dito sa bahay wala kang makuhang suporta?






Tumayo na ako sa kama, sa totoo lang tapos na ako mag ayos. Wala nga ako kaayos ayos e, di ako nag make up gaya ng dati.



Kapag kasi nag mamake up ako, its either kailangan ko magpaganda kay Raiji o gagala ako mag isa.



Pero sa sitwasyon ko ngayon wala akong gusto. Ang gusto ko lang humilata sa kama at bumangla buonga araw at isipin kung bakit ang sakit sakit na iniwan nalang niya ako ng ganun.












Bumaba na ako para sumama kay mama, may kumpisalan kasi sa side ng lola ko e sinabay na ako kasi di ako nakumpilan nung highschool at college days dahil sa sobrang busy.







"Anong itsura yan? Magpulbos ka nga!" Naulinigan ko si mama. Haii lagi na lang siyang nakasigaw. Sigaw dito sigaw doon. God! Nakakabaliw. Para akong mamamamatay. Gusto ko lang umiyak ng umiyak.






"Nagpulbos na naman ako at lip tint kaya ok na yan" matabang ko na sabi, wala talaga ako sa huwisyo na makipag usap. Kahit mamansin wala. Gusto ko lang mag isa, tumulala, humiga, umiyak.







Nababaliw na ako...





Ang sakit sakit...




Yung gusto mong bumalik na siya pero bakit ganito hindi kana balikan kasi ayaw na sayo..




Kahit anong gawin mong pagmamakaawa di kana balikan, umiyak kana. Humagulgol na nga, lumupagi na, nagmakaawa na talaga at kinain na lahat ng pride ko pero wala! Walang nangyari!







Ang sakit lang na ganun nalang niya ako iniwan. Dahil sawa na?



Dahil wala na?



Di na ako mahal?



Aayaw na agad?




Aayusin sarili niya?






Pagkatapos ng apat na taon sasabihin niya yun?




Diba sana noong una palang?



Sinabi ko naman sakaniya un e..


Kung ano ako, kung sino ako. Nangako siya na hindi ako iiwan na di siya mawawala na kami sa huli na kami lahat. Pero alam mo un ang sakit e kasi napako lahat.









"Kumain ka nga, ilang araw ka ng ganyan ha." Bulyaw na naman ni mama sa akin. Nasa bahay na kami nila lola kakatapos lang ng kumpisalan, lutang ako kaya di ko masyado naintindi.




Wala talaga ako sa huwisyo. Buong byahe papunta kina lola nakaearbuds lang ako pinapatugtog ang playlist ko.





Yung masisigla na kanta ha at maiingay. Pero alam niyo parang walang epek e.




Kasi kahit masisigla na ung kanta di pa din ako nagiging masaya...




Hindi ako naeenganyo na maging masaya kahit isang minuto lang..







Araw araw na lang na ginawa ng diyos natatakot ako at umiiyak. Natatakot ako na baka di na talaga sya bumalik. Baka pinalitan na ako..




Di ko kaya.. Parang di ko kaya...




"Ate! Nag update ka na ba sa Wattpad?" singit naman ni KN sakin habang ako nakabangla.


"Ha?" nagulat ako ng mapansin ko na siya.


"Hindi pa be, wala pa ako sa mood" mapait na ngiti lang ang kaya kong ibigay sau ngayon KN.



"Ahh, ayos yun ate di ko pa nababasa yung 2 updates mo nung isang araw " tapos tumawa lang siya at umalis na. Eto ako naiwan dito sa kinauupuan ko at nag titingin ng mga magagandang view dito kay lola's garden.



Kapag titingin ka mula sa loob ng bahay makikita mo yung malawak na lupain o gutaran. Tapos dahil summer ngayon kaya taglagas, pero napakaganda pa din pag masdan kasi nakikita mo yung mga ulap na dahan dahang gumagalw sa kalangitan. Ang aliwalas nilang tignan isa isa na para bang walang darating na masamang bagyo. 




Tas sa kabilang side naman sa harap pa din ng bahay ni lola may maliit na garden dun na punong puno ng mga halaman. Halaman na ibat ibang ang itsura at kulay, may blue, violet, pink, yellow at white. Tapos the rest dahon nalang, pero kahit tumingin ako sa mga yun parang di naman ito nakakatulong sa nararamdaman ko. 




Dun sa puno ng aratilitis, madalas kami tumambay ni Raiji doon kapag mainit. Kukuha kami ng bangko tapos dun kami tatambay tas mag uusap. Nung bday ko doon naman kami sa terrace ng lola, kulay blue siya na amdaming grills tapos may upuang kahoy pero mas prefer namin ang umupo sa semento na pinagpapatungan ng mga paso para mas mataas sa ibang mga nakaupo. 



Ginagawa namin? Mag picture ng magpicture, nahawa na kasi siya sa akin dahil selfie queen ako kaya ayun lagi kaming may selfie dahil gusto ko may memories kami kada amagkikita, maiba naman. Pero ang di ko inaasahan yung mga pictures na yun magiging masakit na paalala sakin na wala na talaga....





PAg dumako naman ako sa kusina namin, doon may moment kami na nakatambay din after kumain ng adobo, adobo was his fave dish. Kaya noon panagaraop ko makapagluto ng adobo kasi gusto ko lutuan siya para lalo niya akong mahalin kaso ayun di ko pa natutupad ung pangarap ko iniwan na niya ako. 



Sa bahay namin madami din kaming memories dun lalo na sa sofa madalas kasi doon kami nakatambay para kita ng parents ko, conservative kasi sila kaya ganoon. Maraming beses ko na ngang tinitignan ang sala namin kaya lalo akong naiiyak paano ba naman kasi halos kapag dadalaw siya sa bahay laging sa sala kami nakatambay. 



Kapag mag dadate naman kami lagi naman sa iisang mall akmi pupunta dun malapit sa kanila para malayo sa amin, dati kasi patago kami nag dadate dahil ayaw ako payagan ng parents ko dahil nga nag aaral pa kami. Pero ngayon na graduate na ako hinahayaan na nila ako, kaya kapag dun kami nila mama sa mall pupunta para ngayon gusto ko ng umurong. Maaalala ko talaga kasi lahat ng kasuluk sulukan ng mall dahil lahat ng un may spot kami. Kahit sa sinehan, lalo na dun kasi dun naganap ang first kiss namin, actually dun pa nga niya ako tinuruan paano humalik.



Ano ba naman kasing alam ko sa mga ganun. Madami dami na din kaming nailagay na memories sa cinema, madami dami na din kaming movies na napanood sa loob ba naman ng apat na taon panonood ng sine ang lagi namin ginagawa. At lahat pa ng mga spots at lugar na may memories kami ay talagang nakakapag paiyak sakin ng bongga, feeling ko ang gulo gulo na ng buhay ko. Ang miserbale ko ang weak ko ang tanga ko as in lahat na! 


The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now