Chapter 50* Rebus Quiz*

569 15 1
                                    


A/N: hi guys sorry na kung di ko nakapag UD agad nagiging busy lang talaga ako ngayon e pero eto na talaga :) keep reading!

~Third Person's POV~

Natapos ang 1 hour nang wala pa din nakakatapos ng mga sinasagutan nila. Kaya naman pumito na uli si Marytra para bigyang hudyat na pumila na sa kada grupo ang mga ito.

"Now, ipasok niyo sa envelope na ibibigay ko sainyo ang mga cards na may sagot kayo. At panatilihin niyo sa inyong mga kamay ang walang sagot. Time starts now." Tapos nagmamadali na nagsikilos ang mga ito.

"Now, give it to me." Sabi ni Martyra habang nakatyo doon ng matikas. At nakatingin sa likod.

Isa isang lumapit doon ang mga tauhan niya na nanginginig pa at isa na doon ang kapatid ni Kris na si Ivan, lider ito ng isa sa mga grupo sa madaming tao.

"Now. Yang mga hawak niyo. Pakibigay sa mga officers niyo. Let start with this group." Tinuro ni Martyra ang unang grupo na may hawak na anim na cards.

Kinakabahan naman ang una niyang tinuro kaya hindi agad ito nakahuma.

Tapos nagsinunod sunod na sila ng bigay ng mga cards, representative ng kanilang lider. Kampante naman na nanonood si Kris doon habang hinihintay na magbreak ang mga iyon.

At habang tinitignan niya ang dati niyang kaibigan di niya maiwasan na mamangha at humanga sa katangiang pinakikita nito simula ng bumalik dito sa pilipinas. Malaki na talaga ang pinagbago niya buhat ng nakaraan nito sa kanila. Lalo niyang narerealize na mas nakatulong pa ata ang wala talaga sila sa buhay nito. Kahit sa totoo lang pinag sisisihan pa din niya ang araw na tinakwil niya ito bilang kaibigan.

Lumapit si Martyra sa mga officers na may hawak na cards at pinaharap ito sa mga students.

"Kung mapapansin niyo, may mga similiarities ang mga cards na naiwan. " Nagsinghapan naman ang mga tao dahil nakita nilang pare parehas nga iyon.

"Dahil ang lahat ng cards na nakakalat sa buong HQ ay may sampong tanong lang." Hindi naman magawang magbulungan ng mga students niya dahil kasama sa rules ang pagiging tahimik gaya ng isang sundalo.

"Ang sagot sa number five ay... RIGHT SIDE." Tapos nguimiti siya ng nakakaloko dahil nakita niya kung anong itsura ng mga students niya ng malaman ang sagot.

"Bakit Right side, simple lang. Dahil na sa right part ang word na Side kaya naging right side." Tapos nagtanguhan ang mga iyon na parang naliwanagan na sa paliwanag ni Martyra.

Napakunot naman ng noo si Kris dahil naisip niyang... Yun pala yun?

"Ang sagot sa number two ay.... Shut up and Sit Down. Shut up dahil nasa taas ang SHUT habang ang SIT ay nasa baba kaya SHUT UP AND SIT DOWN. Gets?" lumakad lakad naman siya para puntahan ang kabilang card.

Lumipas ang ilang minuto na nagpapaliwanag si Martyra habang si Kris ay nananatiling nakakunot ang noo at di makapaniwala sa narinig niyang paliwanag at sagot. Manghang mangha siya na ang hirap ng tanong at clues pero un lang pala ang sagot?

"Last! Sagot sa number 10.. gusto ko na hulaan niyo muna bago ko sabihin." Tapos ngumiti siya ng matiwasay na tuwang tuwa na paglaruan ang mga tao sa harap niya.

Bglang napaisip naman ang mga tao sa harap niya maging ang mga officer dahil yun lang ang bukug tanging di niya sinabi.

"Ma'am, halos lahat po yun po ang sagot e." Sabat nung isang lalaki na mukhang trese anyos.

"Alam ko. Kung makuha niyo ang tamang sagot dyan, kilalang kilala ako." Tapos lalong nagbulungan ang mga tauhan niya at nakisama na ang mga officers kaya natatawa tawa na siya dahil hirap na hirap ang mga ito sa mga quiz na ibinigay niya.

"SSSSHHHHT! Times up!" tapos pinigil niya na matawa. Kahit si Kris ay napapaisip dun sa sulok habang tinitignan sila. Di niya lubos maisip na ang simple lang nga method pero napakahirap ng sagot.

"Ok, guys! Hulaan niyo na. " tapos may nagtaas ng kamay at hinulaan ang sagot.

"Raffeling?" sabi nung trese anyos kaya naman napatawa si Martyra. Wala naman karapatang tumawa ang iba dahil di din nila alam ang sagot.

"Exercising?" this time natawa na din si Martyra sa sagot ng katabi nung trese anyos. Dahil alam niya ang sagot kaya natatawa siya sa mga epic fail na sagot nila.

"Arresting culprit!" confident na confident naman ang katabi ni Ivan na lalaki kung kaya napahagalpak na sa kakatawa si Martyra at kahit si Kris na nandun sa malayo ay natatawa tawa na din sa kalokohan ng mga students niya.

"Any.. any answers?" mautas utas na sa kakatawa si Martyra dahil sa huling sumagot na bata. Mukhang nag eenjoy siya sa pagpapaikot ng tanong at nakikita niya kung gaano ka epic fail ng mga sagot nila.

"Wala na?" sabi pa ni Martyra kung kaya umayos na uli siya ng tayo at nag ala sundalo uli.

"Dahil sa tingin ko walang nakahula ng tama. Kaya dadagdagan ko ang punishment niyo ng... another 12 hrs of stimulator the next day." Nanlaki ang mga mata ng mga tauhan niya, may mga mukhang nagsisisi na di sumagot, may mga naiiyak na, may mga nakasimangot at may empty face lang.

"Ang tamang sagot sa number ten ay...." tinitigan niya isa isa ang mga students niya at binibilang ang bawat pag pitik ng orasan niya.

Habang ang mga tauhan naman niya ay pinagpapawisan na at nasususpense sa sagot ng number 10.

"Pagkatapos nalang na iannounce ang winner!" tapos ngumiti siya ng nakakaloko kaya ang mga tauhan niya ay napabagsak ng balikat at umangal.

"Ma'aaaam" dismayang dismaya ung tono nilang lahat dahil binibitin pa sila ng lider nila.

"Later." Tapos ngumiti uli siya pero di na nakakaloko.

Diniscuss nila ang mga remaining quiz na nasagutan ng mga tauhan niya na nasa envelope kaya naiba ang atensyon nila lalo na si Kris.

Napapaisip pa din siya sa logic rebus quiz na number 10 dahil nagbigay si Martyra ng clue kanina.

"Kung makuha niyo ang tamang sagot dyan, kilalang kilala ako" yun ang matibay na clue'ng iniisip ni Kris ngayon dahil kapag nakuha daw ang sagot kilala daw siya. Magulo diba?

"Hanging in the thread, Cut of blades, Headshot, Jump the building...." napasapo siya sa mukha dahil ang dami daming clue di niya mahulaan.

"Arrggghhhhh!" napaupo siya sa bench sa may shed at patuloy na iniisip ang number ten quiz.

"Ang dali dali ng sagot, di mo alam?" napalingon siya ng marinig na naman niya ang same voice na narinig niya kanina.

"Ikaw na nman?!" tapos napaayos siya ng upo at tinitigan ng kakaiba si France.

"Hindi mo ata talaga siya kilala e.. Bat di mo alam??" sarcastically he said while he is watching Martyra's gestures while discussing answers.

Hindi siya makaimik dahil di naman talaga niya alam ang sagot, at di din naman niya alam kung anong gagawin niya.

"Unang beses kong narinig yang quiz na yan nasagutan ko agad e. " tapos umiling iling si France kung kaya lalong naging interesado si Kris na alamin talaga kung anong sagot.

"Ayan na oh! Pakinggan mo." Napalingon sila pareho ni France kay Martyra.

"The number ten answer is... " Ngumiti na naman siyang nakakaloko bago..

"SUICIDE. Ok Newbies, the class dismiss! ATTENTION!" tapos kahit alangan na alangan na sumalute ang mga tauhan niya ay sumaludo nalang din sila at nag si alisan na nung nakasaludo na din si Martyra.

FircKdFw#

The Life of Martyra (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu