Chapter 52 *Time to reveal the past*

656 16 2
                                    



~Third Person's POV~

"Tol, bat nawala ka kanina?" inaantok na sabi ni Jino kay Raiji ng pauwi na sila mula sa farm ng bulaklak.

"Ah-Tol, hinika ako kaya bumalik ako dito para kunin yung inhaler ko." Dahilan nalang niya sa kabarkada para di mabuko na umiyak siya dala ng sobrang bigat ng nararamdaman. Pagkasabi niya noon di na uli nag siyasat si Jino at humikab nalang ng humikab.

Siya naman ay lutang ang utak habang nag ddrive, hindi na nila kasabay si Martyra dahil nandoon na sa Mansion niya sa Batangas, doon sila dinala ni Martyra, sa farm niya ng mga bulaklak sa ibayong kanluran ng kaniyang malaking lote na tinatayuan ng kaniyang mansion.

Iniisip pa din niya kanina ung mga bumalik na ala ala nung nakita niya si Martyra na masayang tinitignan at nilalaro ang mga bulaklak habang papalubog ang araw. Doon palang bigla talaga siyang nagbreakdown, parang lalo niyang naramdaman na kahit napakasuccessful na niya hindi pa din maitatago nito iyon ang masalimuot na pagsisisi at pagkasuklam sa sarili dahil sa ginawa sa dating kasintahan.

Oo, ngayon na niya narerealize ang kagaguhan niyang ginawa noon sa kasintahan na madalas nalang niyang hindi alalahanin noon dahil nadedepress siya at ang lagi nga niyang sinasabi sa sarili na... - wala ka nang NANAY-NANAYAN. ---hindi kana nakakulong sa hawla, malaya kana. ----magagawa mo na mga gusto, isa ka na uling COOL KID.

Madami, madami pa siyang mga palaisipan noon na ibinaon niya sa limot at tinabunan ng pagpapakasaya at naging insensitive sa mga nararamdaman ng iba, lalong lalo na ang Ex niya.

"Puta! Watch out!" nagising sa matinding impact ng pagpreno ang mga kaibigan niya dahil nasagasaan nila ang nakatayong maliit na poste sa gilid ng SLEX na nagsisilbing indicator kapag natapatan ng ilaw sa gabi. At dahil sa mabilis na patakbo kaya nahirapan si Raiji na kontrolin ang sasakyan kaya muntikan na silang sumalampak sa 10 wheeler truck.

Para silang binuhusan ng malamig na tubig pagkatapos makahupa sa muntik ng pagkakadisgrasya.

"TANG INA! KUNG GUSTO MONG MAMATAY IKAW NA LANG!" dahil sa masama ang naging gising ni Kris kaya bigla nalang siyang nag histerical at sinigawan ang natulalang kaibigan.

"Kris, huminahon ka, wala naman may gusto ng nangyari." Awat ng iba kay Kris na nanlilisik ang mata at galit na galit sa kaibigan.

"TANG INA!" Tapos bumaba ng sasakyan dahil nasa tapat siya ng pintuan at pinuntahan si Raiji sa driver's seat.

"Hoy! Lumabas ka dyan! Tang ina, wag kang duwag!" pinupukpok niya ang salamin ng driver's seat kaya napalingon doon si Raiji at tinignan din ng masama ang kaibigan.

"Hoy! Hoy!" nagsilabasan din sila dahil nakita na nilang lumabas na din si Raiji at mukhang magpapang abot sila sa gitna ng SLEX ng sapakan.

"Ano bang problema mo! Sinabi na ngang di sinasadya, di ka ba makaintindi?!" sumigaw na din si Raiji at sinugod si Kris.

Gumitna naman si AG sa dalawan dahil alam na nilang magpapang abot na talaga sila. Nararamdaman din nilang hindi lang dahil sa pagkadisgrasya ang dahilan bakit sila mag papang abot.

"Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo dito sa sasakyan kaya ka nawala?!" nagpupumiglas si Kris sa hawak nila Jino.

"Ano pinag sasabi mo ha!" sabi naman ni Raiji na nagpupumiglas din.

"LUL! Pwede ba, wag mo kong gawing tanga! Kitang kita ko na umiiyak ka habang papasok ka ng MUX!" nagtatagis ang bagang ni Kris na sinabi yun habang pinipilit pa din makapiglas doon.

"Ano di ka makaimik ngayon noh! Bakit di kaba makapaniwala na alam ko?" nag aasar pa ang mukha nito kung kaya nawala ang pagkatameme ni Raiji.

"Anong pruweba mo na umiyak ako dito, gago ka!" tapos aakmang susugudin uli ni Raiji si Kris ng mapigilan naman nila AG ito.

The Life of Martyra (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora