Chapter 16 *SMALL WORLD*

1.5K 28 0
                                    


A/N: Yung nasa picture, sila ang 6LORE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Yung nasa picture, sila ang 6LORE.. 

~Martyra's POV~

Bakit nandoon siya?

Paano siya napunta dun?

Kasama kaya niya si...?

HINDI! HINDI PWEDE!

Bakit ba inaalala mo siya Martyra!

Nangingiyak ngiyak akong naglalakad palabas ng Bonifacio Highstreet.

Kailangan kong makalayo sakaniya, hindi pa ako handa!

Nang makakita ako ng isang bench sa tabi, dun ako sumalampak ng upo at hingal na hingal kong binaba ang mga pinamili ko.

Nanlalabo din ang paningin ko at nilulukob ng masamang pakiramdam ang puso ko.

Bakit nararamdaman ko to?

Bakit bumalik yung sakit 3 years ago?

"Umayos ka Martyra" sabi ko sa sarili ko habang ako hingal na hingal at hinahabol ang hininga ko.

Di ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko at nag fflashback na yung nakaraan na..

"Ayoko nang makinig sa mga kasinungalingan mo Martyra! Tama na!"

Ahhhh! Tama na! Wag kang panghinaan Martyra!

Bakit nagpakita siya agad? Bakit niyakap niya ako diba ayaw na niya ako makita?

Mag papakita pa lang ako sayo bakit inunahan mo na ako..

Dahan dahan kong kinakalma ang sarili ko dahil nasa labas ako. Hindi ako pwedeng magpakita ng ganito, mamaya may makakita sa aking kakilala ko.

Nang umayos na ang pakiramdam ko, umalis na ako ng BGC at bumalik na sa Google Ph.

~Kris's POV~

"Tol san ka galing?" tanong ni Raiji sa akin.

"Nanchix yan" banat naman ng asar ni AG.

Kantyawan na naman sila habang ako pinipigilan yung masamang pakiramdam ko simula ng mayakap ko si Martyra.

"Hoy, ok ka lang?" hinawakan ako ni Rick sa balikat at sinilip ang mukha ko.

"Hala, baka nagayuma si Kris!" epal pa ni Jie sa usapan, pinipilit na pasayahin kahit di ko madamang masaya.

Throwback feelings 3 years ago?

Yung panahong nag sisisi ako na di ko pinakinggan yung kaisa isang babaeng nag tiwala sa akin?

"KRIS!" sigaw ni Jino sa akin at dun lang ako napabalik sa huwisyo na nasa mall nga pala ako.

"Nagago ka na dyan, san ka ba galing?" hinampas pa ako ng fliers ni JP habang si Rick inakbayan ako.

The Life of Martyra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon