Chapter 12 *False Alarm*

1.4K 33 3
                                    


~Kris's POV~

"Kris eto pa!"

"Kris sama mo to."

"Kris isa pang ganito"

Tang ina Kris mamatay ka na!

Puro na lang Kris, Kris, Kris, Kris!

Letseng pangalan ko iyan gasgas na gasgas na!

Bwisit naman kasi tong punyetang big investors na ito ngayon pa nakisabay, di ba nila alam na naaabala ako?!

Eto namang Boss ko manager ako eh pero potapete, bakit naging secretary niya ako?!

"Sir, isa isa lang iisa lang naman ako" bugnot na bugnot na ako lintik di na nga ako nakakain ng lunch di pa ba ako makakapagpahinga? Sagad pa ako ngayon?

"Iisa din naman ako kaya wag ka ng umangal" tss.. ano pa nga ba.

Inilagay ko na sa powerpoint ang mga pinag bibigay na papel ng magaling kong boss at gumawa ng slides.

Nagbeep ang phone ko at nakita kong nag text si Jie.

"Bro, kamusta kayo dyan?" binasa ko na lang muna yun at nag type uli ako.

Wala pang 30 mins nag text uli siya.

"Busy nga kayo. Walang nag rereply" tapos sad face pa sa dulo, tsk buti siya wala dito di pressured.

Magkakasama kami ng mga tropa ko sa iisang company, coincidence lang na same company kami dahil di namin pinag usapan at lalong nagkaalaman nalang ng natanggap na kaming pito at si Jie lang ang di napasama.

Yung iba kasi naming tropa nag ibang bansa na.

Itinago ko na ang phone ko sa bulsa ko ng mang alarma na naman si boss na malapit na ang mga investors, halos ang buong company natataranta na kasi sa amin ang bagsak ng mga magagaling na tao na ito.

World Class ika nga daw.

Sa pagkakatanda ko nanggaling na sila dito pero umalis din dahil nadismaya sila sa huling company na pinuntahan nila dito.

Owning ownership ang ginagawa nila, humihingi sila ng offer na maging isa sa mga may ari ng company tapos isa pa sila sa board of members.

"Ready na ba ang lahat?" pinagpapawisan ang boss ko sa ginagawa niya. Kahit ako nakaramdam ng kaba ng marinig ko sa katrabaho ko na matitinik ang mga taong yun at isang mali mo lang goodbye philippines uli sila.

"Ok na boss." Sabi ko, hawak hawak ko ang laptop ko at mga hard materials na babasahin nila kapag nag present ako.

Pumunta na kami sa meeting hall ng extension ng company, mukhang magkikita kami ni AG sa hall haha.

Ilang minuto din akong naglalakad sa hallway dahil malayo ang extension sa department ko. Pumasok kami ng elevator kaya naman nakita kong sikip, ohhh meeeen. Hell ride na naman to!

Mag aamoy man dirigma na naman ako tsk.

Pinaka mataas na floor pa naman kami kasi dun ang daan papuntang extension.

Pagpatak ng 7th floor bumukas ang pinto ng elevator dahil may sasakay na namang mga tao. Saktong napatingin ako sa labas ng may biglang nakaagaw ng pansin ko.

May dumaang maliit na babae. Akala ko ba bawal mag dala ng bata dito sa office, edi sana dinala ko na si Theia dito.

Nakatalikod ngayon ang babaeng maliit at may kasamang mga malalaking tao, may babae at lalaki. Mostly blonde ang buhok nung dalawa na magkaholding hands at black naman yung kasama niyang tatlo pa. Pasara na ang elevator ng lumingon ang babaeng maliit sa gawi ng elevator namin kaya naaninag ko ang mukha niya..

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now