Chapter 6 *London's Royal Enemies*

2.5K 41 16
                                    


~Martyra's POV~

"Kakakita ko lang sayo, ayan ka na naman!" inis na sabi ni L habang naglalakad kami sa labas ng boutique na kinaroroonan ni Shigi.

Sinusuot ko na yung guwantes pero siya dada ng dada. Napapailing nalang ako, bahala ka dyan.

"Mali naman talaga yung cashier" sarcastic kong sabi at tinignan ko sa ere ang kamay ko na suot suot ang guwantes. Pinag titinginan na nga kami e kasi ang ingay ni L.

Serious type yan si L kaya nagkakasundo kami kaso ewan ko nasaniban ata ng masamang espirito yan kaya madaming dada ngayong araw..

"Tapos gumawa ka pa eskandalo dun." Namulsa na lang si L at tumitingin tingin sa paligid namin, bahala siya dyan basta ako kailangan presentable sa itsura ko.

Nasa tapat kami ngayon ng isang sikat na kainan dito sa mall, actually dito na namin kikitain yung sinasabi niyang appointment at ang sinasabi kong pinaghandaan ko.

Lumakad na lang ako papasok ng kainan at pumunta sa receptionist.

"Ms. Nomanada and Mr. Kyotonashi?" emotionless na sabi ko dun sa receptionist na babaeng titig na titig kay L.

"Mam, for Ms. Nomanada lang po ang reservation with the Middleton's po." Mahinhin na buklat nung receptionist dun sa sinabi niya, and wow kailangan talaga nag lilipbite habang nakatingin kay L.

Goshh, sarap lang ihampas ng booklet niya.

"Ok, pakireserve si Mr Kyotonashi nearest to the seat where my reservation is." Emotionless pa din ako at nakacross arms.

"ok mam, may mag aassist na po sainyo sa seat niyo." Tapos umalis na ako, kesa makipagchikkahan pa ako kay ate ano naman mapapala ko?

"Tyra, sana di mo na lang ako pinagpareserve pwede naman ako kahit sa malayo. " bulong sakin ni L habang papasok kami ng resto. Pero dedma lang siya.

The interior design has dim yellow lights with imaginary falling water sa walls. May mga windows naman sa loob but still it occupies the dark aura dahilan ng mga makakapal na maroon curtains. Amoy mayaman ika nga sabi ng kabila kong isip but to think na amoy mayaman napasmirk na lang ako kasi amoy mayaman din naman ako.

Flower sampaguita perfume ang ginamit nila, di siya aurahan ng parang sa patay o sa santo. Classy sampaguita will do. May music pa na my way ang pinatutugtog ng nag pipiano, lumawak ang smirk ko kasi parang nang aasar yung instrumental. May susunod na ba?

May malaki ding chandelier sa pinaka gitna which is malaking malaki talaga na naoocupy niya ang buong resto, it was huge huh.

Less tables and chairs din ang resto, dahil mga mayayaman nga ang kumakain kaya madalang ang itsurahang fast food na pakyawan ng tao. Saka kung di ka talaga Elite na formal magdamit baka naOP kana sa mga makikita mo, carpeted ang floor tas ang isusuot mo lang rubber shoes?

Duuuh, baka pagtawanan ka. Lalo kanang maOOP kung tatabi ka sa mga sosyal na babae at lalaki na nakatuxedo at nakafitted dress or should i say mga babaeng kala mo sasagala sa flores de mayo. Kung di ka talaga immune sa classy stuff baka lumabas kana lang ng resto kasi mapapagkamalan kang gate crasher haha.

Nakita ko ang waiter na tinuturo ang isang VVIP room sa dulo ng resto, huge din yun and very classy pinto at pinto palang, yes talagang di maari ang mga social climber dito kasi kahit sabihin na bihis mayaman ka di pa din maitatago na feeler lang sila dahil sa kilos palang ng mga tao dito lunod na sila haha. Harsh ba? Sorna.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now