Chapter 42 *Construction*

547 14 0
                                    

~Third Person's POV~

Nasa malaking construction site ang grupo nila Martyra at ang grupo ng mga tauhan niya sa kompanya, ang magkakaibigang Kris.



Tinitignan nila ang site kung saan isasagawa ang 10.7 at 7 million na buildings na nooy pinag awayan nila ng may ari ng kompanya.


"How they convinced you by giving unnecessary reasons like... Kidnapped or get hurt by someone?" Maarte na sabi ni Nesa sa akin habang sinisilip ang nagsisimula palang na pag gawa sa palatada ng unang floor nito.

Nakatayo sila sa labas isa isa walang payong o panabig sa sikat ng araw habang ang grupo ng kalalakihan doon ay takot na takot maarawan. Bampira ba kayo?

Lumapit sa sakanila ang foreman ng construction at pinakita sa kaniya ang plano na inaapprovehan niya din naman, magaganda ang mga materials na gagamitin kaya wala na siyang dapat iangal.




Pero kapansin pansin talaga na sila lang ang tagaktak na ang mga pawis at naliligo sa mainit na sinag ng kaumagahan ng araw habang ung grupo sa kabila siksikan sa mga payong nila. Grabe mga kalalaking tao daig pa kayo ng may lahi na mga kasama ko.





Nang magsawa si Martyra sa kakatingin ng mga trabahador sa construction, dun naman siya dumako sa mga lalaking kanina pang di gumagalaw. Wala atang balak mag asikaso ng operation.





"Kung mag-s-stay kayo dyan sa pwesto niyo, much better if you'll go home. " dahil kanina pa siya naaaasar kaya nabara na naman niya ang mga ito. Kulang nalang sabunan niya pa.

"Mainit kaya." Bulong ni Raiji.

"Then, sino ba nagsabi na mag long sleeves kayo at black slacks? " nilingon niya ang mga lalaking nag sisimula nang pawisan. Lalong lalo na ang EX niya na narinig niyang bumulong.

"This is a construction site, alam niyo naman siguro ang gagawin natin dito diba? So your clothes is unnecessary and not suitable,isnt it? " namewang siya sa mga ito habang hinahayaan na tumagaktak ang pawis niya sa katawan.


Nakawhite tshirt lang siya at black ripped jeans na fit na fit sa makipot na legs niya. Habang nakajapanese bun ang buhok niya and no make up.

"Gaya ng sabi mo this is a construction site so we should wear professional suits like long sleeves to be respectful one. Unlike yours is the one who is unncessary here." Monotone man na ang pagkakasabi pero may laman ang paratang na iyon ni Raiji.

Kaya lalong napataas ang kilay ng nasabing dalaga at nagcross arms. Wala naman maiimik ang ibang kasama ni Raiji dahil di naman din nila alam ang gagawin at sasabihin. Baka mabara lang din sila.



"Then if you are seeking for respectful thingy you have said. You must do it, not wear it." Biglang nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ni Raiji at parang napapangisi na nasabon na agad siya ni Martyra, bareta pa. Sampal na sampal.


Kitang kita sa reaction ni Raiji na nainsulto ito sa sinabi ng dalaga kaya naman napakuyom ang kamao nito.



"Maybe you look professional at your suit but if maniniwala ka sa palaisipang yan, mamamatay ka." Di niya alintana ang init sa katirikan ng araw. Wala na din siyang pake kung basa na ang damit niya dahil sanay naman siya. Natutuwa din siya dahil nasisira niya ang araw ng Ex niya.





"My point siya Raiji. Ma-heheat stroke tayo. Naisip ko din yan kanina pero dahil may meeting tayo mamaya kaya di na ako nag dala ng extrang damit. Pero look, basa na din tayo ng pawis at kapag di pa tayo nagpalit baka mahimatay na tayo dito." Umeksena si Jino na company doctor, kanina pa inaabangan ni Martyra ang pag sabat ng nasbing lalaki at medyo nahuli huli na ito dahil nasabon na niya ang kaibigan nito.






The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now