Prologue

14.5K 202 21
                                    


"Ladies and Gentlemen, let's welcome our guest for tonight. Tosca Escovilla!" Sigaw ng DJ.

Nag cheer at nag 'wooh' ang nga tao sa club at ako naman ay umakyat sa stage at sumayaw ng saglit. The DJ gave me a shot of vodka and I drank it immediately. Lalo pang nag cheer ang mga tao habang ako naman ay ineenjoy lang ang tugtog.

Bumaba ako ng stage at binaha ako ng mga tao para magpa picture. I gladly entertained some of them kahit na hindi naman nila ako dapag pinapagkaguluhan dahil hindi naman ako artista.

Masyado na akong maraming nainom ngayong gabi. I'm feeling a little bit tipsy but that's exactly what I want! Napaka sarap sumayaw na parang wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha ko at tumuloy sa pag giling. I missed Manila!

"Tos, balik na muna tayo sa couch. Pinapag pawisan na ako." Tinapik ng kaibigan ko ang balikat ko.

"Susunod ako, Laine. I'll just get some drinks on tha bar." Kahit tumatagilid na ang paningin ko ay pinilit ko pa ding maglakad patungo sa bar. I want more shots!

"A shot of Tequilla please!" Medyo bulol na ako. Medyo natumba pa ako nang paupo na ako sa high stool.

Yumuko lamang ako at tinitigan ang marble na bar counter. Hilong hilo na ako pero pinipilit kong 'wag masuka. Mataganggal ang tama ko no'n.

Pinatong ng bartender ang inumin ko sa counter. Matamis ko siyang nginitian at inabutan ng itim na credit card. Maya maya ko na muna isha shot ito.

Napabaling ako sa kanan ko at may nakita akong isang gwapo pero mukhang problemadong Adonis. Mukha namang seryosong seryoso siya.

"Hi!" Bati ko.

Na-snob ang lola niyo. Walang pag imik ang gwapong stranger. Sa hitsura niya ay isa siyang mayaman at kagalang kagalang na lalaki. Naka maroon na polo shirt siya at naka ragged pants.

"Can I offer you a drink?" Pungay ang matang tanong ko.

He looked at me sideways and what the heck? Did he just rolled his eyes at me? Ngayon lang ako nairapan ng lalaki ah!

"Don't you know me?" Pumangalumbaba ako at tinitigan siya.

Wala pa rin talaga siyang imik. Naka pating sa bat counter ang kanyang mga siko at nilalaro ang yelo sa iniinom niyang whiskey.

"My name is Tosca. You are?.." Naglahad ako ng kamay pero hindi niya tinanggap. Saglit niya lang na nilingon ang kamay ko at sumimsim siya sa iniinom niya.

Wow, hindi talaga ako pinapansin!

"Ang sungit mo naman." Binawi ko ang kamay ko at uminom ng cocktail.

Bago 'yun ah. Mayroon pa palang lalaki sa Pilipinas na hindi ako kilala? Nakuha tuloy ng Adonis na ito ang atensyon ko. First time ko maka experience ng lalaki na hindi naman lang tinanggap ang pakikipag shake hands ko. 'Yung iba nga nagkakandarapa makapag picture lang sa akin eh. Tapos siya, dedma!

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Ngumuso ako at nagpaawa.

Ano ba iyan! Pipe ata ang lalaking ito eh. Mukha na akong tanga kaka salita ng mag-isa dito ah!

"Hey, is this some kind of a technique or something? Kunyari hindi mo ako kilala para mapansin kita? Well, it's working!" Medyo malakas ang boses ko dahil napaka lakas rin ng tugtog sa Zenith.

Doon kumunot ang noo niya at nilingon ako. Tang-shit! Ang gwapo naman!

"Hindi kita kilala, and I don't talk to strangers. Especially to girls like you." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now