Kabanata 17

1.6K 110 32
                                    

The fight earlier was probably the worst fight I have ever been into. Hindi lang ako nakipagsampalan at nakipagsabunutan kundi nakatikim rin ng matinding suntok sa sikmura.

The aftermath of our catfight didn't stop there. Someone from our class posted a video of us being barbarics. Umani ito ng samu't saring kumento sa mga ka-escuela namin. Iba kumampi kay Stephanie na nagsabing babae raw ito at dehado sa akin kahit na sabihing kilos babae ako, samantalang may ilan naman sa akin na silang nakakaalam ng totoo. Na hindi ako ang nagpasimula ng away na iyon. The remaining minority stayed either neutral or against us. Hindi na raw dapat p-in-ost kasi eskandalo sa paaralan.

Wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi naman ako nabubuhay para sa ibang tao. The only concern I have in mind was Papa finding out this mess. Hindi niya pa ito alam dahil 'di ako sumipot ngayong hapunan. Nagmungkahi si Gino na hahatiran na lang niya ako ng pagkain sa cuarto at kahit nagulat ako sa suhestyon niyang iyon ay tinanggap ko.

"Pasok." sabi ko nang may kumatok.

The door swung open. Bumungad sa paningin ko ang binatang moreno na may hawak na wooden tray. Hindi ko alam kung dahil ba sa natamo kong suntok kanina pero nakaramdam ako ng pamimilipit ng bituka.

"Pakilagay na lang doon sa vanity stand. Salamat." Tumulis ang nguso ko sa kinalalagyan ng sariling dresser. Tumango naman si Gino. I heard him making footsteps from the distance.

Hindi na uli ako tumingin sa kaniya at nanatili rito sa kama. Nakasandal sa headboard habang nagbabasa ng fashion magazine. Tumigil na ako sa pag-cellphone kasi puro kaganapan lang naman kanina ang nakikita ko. Maganda rin itong may pinagkakaabalahan ako para 'di mahalata ni Gino na nababahala ako sa kaniya.

Narinig ko na uli ang paglakad niya kaso imbis na pagsarado ng pintuan ang narinig ko, narinig ko ang paglangitngit ng sariling higaan.

I held firmly on the pages of the magazine. Bumilang muna ako ng segundo bago maisipang igawi ang paningin sa harap. Gino was sitting at the edge of my bed. Namilipit lalo ang bituka ko nang magtagpo ang paningin naming dalawa.

"Yes?" I asked with an eyebrow arched.

"Masakit pa ba?"

"Mej." I lied. Hindi na naman gaano bukod sa natamo kong suntok sa tiyan. Gino knowing that I am still in pain might give him hint of leaving me.

Hindi nga lang iyon nangyari at imbis na lumayo siya sa akin lalo niyang inusod ang sarili palapit. I was startled by his sudden movement. Nahuli ko na lang ang sariling napa-aray nang idampi niya ang daliri sa mahabang kalmot ko sa leeg.

"Ouch, ano ba!"

He sighed, "Nalagyan mo na ba ng alcohol 'yan?"

"Hindi pa at ayoko," sagot ko naman bago dumistansya ng kaunti.

Tumingin siya sa akin na para bang isa akong batang sutil. Nakataas ang isang kilay habang nakangiwi ang isang gilid ng labi. Umalon ang higaan ko nang umalis siya para pumunta sa aking vanity stand.

"Hoy! Wag kang mangalkal ng gamit ko!" suway ko nang marinig ko ang paghalungkat niya sa drawer ng dresser.

I cursed myself for keeping a bottle of alcohol in cases of emergencies. Nahanap tuloy ng damuho at tangay-tangay niya ito pabalik kasama ng isang supot ng bulak.

"No!" tili ko.

"Isa," wari niya nang iharang ko ang sariling unan sa pagitan namin.

"Umalis ka na nga!"

"Sige, aalis ako pero sisiguraduhin kong si mayor ang susunod na aakyat sa cuarto mo, ano?" hamon niya.

Napasinghap ako. Nahampas ko talaga sa kaniya ang hawak kong unan!

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now