Kabanata 1

5.3K 180 27
                                    

Nakahalukipkip kong pinagmasdan ang pagpasok nina Papa at ng kasama niyang binata. Nakatayo ako sa pinakaitaas na baitang ng hagdan at tanaw ko kung paano sila salubungin ng mga katulong namin para kunin ang mga bagahe nilang dala.

Bumaling ang mga mata ko sa estranghero. Napabagsak ang noo ko. Bakit naman ganitong klase ng tao ang dinala ni Papa?

Mayabang ang tindig na parang laging makikipag-away; semi-kalbo ang buhok; seryoso ang mukha. Sa unang tingin, naalala ko agad sa binata ang mga presong binibisita naming mag-ama. Maluwag ang suot niyang t-shirt, at maski malinis mang tingnan, mukha pa ring pangit dahil sa kalumaan.

I knew I've been a rebel in his eyes. Sa mga nakalipas na taon at hanggang ngayon, wala akong ginawa kundi pasakitin ang ulo ni Papa. Ditching classes and picking fights with my classmates are one of my many special talents. Noong nakaraang araw, may sinabunutan akong kaklase dahil sinabihan niya akong maarte, kaya napatawag na naman siya sa opisina. It's not like I am proud of myself being a brat, but it's the only way I know to gain his attention. Pumangit man ang paningin niya, napapansin niya naman ako.

But this, I mean, just look at that boy. Bulag na lang ang magsasabing 'di siya rebelde!

Humalukipkip ako lalo. Dumapo ang paningin ng morenong binata sa akin. Nahuli ko ang pananalim ng titig niya nang magkasalubungan kami ng tingin. What is he glaring at, huh? Why this jérk –

"Rhiannon," tawag sa akin ng nakatingalang si Papa.

Parati, pag tinawag ako ni Papa kasunod noon ang panenermon, o paninimangot dahil sa mga ginawa kong kalokohan. Wala alinman ang mga iyon ngayon nang tawagin niya ako. Bagkus, nakangiti pa si Papa.

"You're late, Papa. Gabi na," sabi ko.

"Pasensiya na, anak. Marami kasi akong inasikasong papeles. Matrabaho pala itong adoption," aniya.

Matrabaho pala pero ba't niya pa rin itinulak? Mabuti na lang nasa kalayuan ako kundi mahuhuli niya ang pag-irap ko. Ugh!

"Hali ka, Rhiannon; may ipakikilala ako sa'yo."

Sa kung paano magsalita si Papa, para bang ngayon lang sumulpot sa gilid niya ang binata, na hindi ko ito pansing nakatayo sa tabi niya. Hindi niya lang alam na hindi pa man tumatapak ang maduming sapatos ng lalaking iyan sa pamamahay namin, siya na talaga ang pinagbubuhusan ko ng inis at atensyon!

Labag man, bumaba pa rin ako ng grand staircase. Nakamasid sina Papa at ang binata sa aking pagpanaog na para bang debutante ako sa isang birthday party.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. In fairness, matangkad siya. Napagtanto ko ito dahil halos magkapantay na sila ni Papa. And speaking of my father, he was still smiling ear to ear, oppositely to what this stranger is giving me. Wow, huh? Siya pa ang nakasimangot! 

"Rhiannon," tawag uli ni Papa.

Bumaling naman ako.

"Gusto kong ipakilala sa'yo si Gino, anak. Siya ang batang napili ko para sa aking proyekto bilang alkalde na matagal ko nang balak simulan," aniya.

Oh, that dámned project again, I see. San Bartolome was governed by our family for decades and my father was the current elected ruler. Marami na siyang naisatupad na mga proyekto kahit pangalawang termino niya pa lamang. Scholarships, Tourism projects, Facilities that catered aged citizens and foster kids.

Wala akong hilig sa public service, pero sa dami ng proyekto niya, ito ang pinakaayoko. He's going to adopt someone less fortunate, someone from the slums!

I've been telling him for weeks it's not a good idea. Sino ba namang nasa katinuan ang magpapatuloy ng isang estranghero sa pamamahay nila? Paano kung sunugin niya ang bahay namin? Paano kung nakawan niya kami? Paano.. paano kung patayin niya kami? Siguro nga masama ang manghusga ng kapwa pero wala akong pakialam. We don't even know him! 

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now