Kabanata 24

1.5K 132 52
                                    

The pageant was a blast. Students kept talking about the event despite being wrapped up, and like every outstanding show what happened to that bitch was the cherry on top.

Nakabuntot kami sa likuran ng adviser nang puntahan ang pagkukumpulan ng mga kaklase. Nandoon silang lahat sa gilid ng stage. Nakikipag-usap sa isa't isa habang nasa gitna nila na si Stephanie. Hindi na nito suot ang pulang gown. Nakabihis na uli siya ng maikling asul na jersey na suot noong nagpakilala sila sa mga judge, pero bakas pa rin sa pagmumukha niya ang inis na nangyari sa kaniya sa stage.

"Sino sa inyong may gawa nu'n sa gown ko?!" rinig kong asik niya sa mga kaklase namin.

"H-hindi namin alam, Steph. Hindi kami."

"Bumaba kaming lahat para manood, Steph."

"Oo nga."

"Bakit kasi kayo bumaba? Sinabihan ko na kayong tingnan 'yung damit ko!" inis pa rin niya.

"Benidez, ba't ka naninigaw ng mga kaklase mo?" Tanong nga ni miss nang makalapit na kaming tatlo. Bumaling agad siya sa adviser namin at nagsumbong.

"Ma'am, isa sa kanila nanabotahe sakin!" turo niya sa ilang mga kaklase naming babae.

Nagkatinginan kami ni Ava. Nagkaintindihan agad sa narinig na paratang ng bruha. Naisip kaya niyang mukha siyang desperada ngayon kabibintang sa kanila?

"Paano mo naman nasabi? Benidez, 'di magandang nagtuturo ka ng mga inosenteng tao." sabi ni miss.

"Ma'am! Sure ako! Maayos pa 'yung gown ko kahapon! Sila lang naman naiwan sa room kanina!"

"We didn't do anything po, ma'am." diretso na ng isang inaakusa sa adviser namin.

"Totoo po, ma'am. Bumaba na po kaming lahat nu'ng start na ng parade." pangalawa naman ng isa.

Narinig ko mula sa likuran ang paglakad dito ng isang grupo. Napalingon ako at nakita ko nga ang paglapit nina Gino. Tumigil sila sa likuran namin at sa tapat mismo ng likod ko pumirmi si kalbo. Napabalik agad ako ng tingin sa harapan.

Gino's presence behind me was making me feel uncomfortable. Napakalapit niya sa akin. Pag umurong ako maski isang beses babangga agad ang likod ko sa katawan niya.

Hindi ako maka-concentrate! Bakit pakiramdam ko rin nakabaon ang titig niya sa batok ko?

"You're accusing for nothing. Tingin mo ba may nananabotahe talaga rito?" Tanong uli ni miss. Tumahimik naman si Stephanie. Gumala na lang ang paningin niya at madali akong natagpuan sa gilid. Bumagsak lalo ang mga plakado niyang kilay.

"Ikaw!!" turo niya bago ako sugurin at biglang sabunutan.

Nagsinghapan ang mga kaklase ko habang pinapaalon ng bruha ang ulo ko. Ngunit agad rin namang natapos nang umawat si Gino.

"Steph!" The baritone voice crashed like thunder. Gino then looked at me worried. Marahan niyang hinaplos ang ulo ko habang ginawang harang ang katawan niya sa gitna namin ni Stephanie. Humarap uli siya rito.

The other guys distanced her. Natahimik naman ang mga classmate namin. Hindi ko alam kung sa nasaksihang pananabunot ni Stephanie, o sa narinig na pagdagundong ng boses ni Gino.

"Padampiin mo pa uli daliri mo kay Rhiannon," he cut of his warning but it doesn't mean his threat was less menacing.

Nautal nga bigla si Stephanie. "S-siya kasi nanabotahe s-sakin!"

"Hindi siya ang gumawa nu'n!" bagsak-noong sagot ni Gino.

Napatigil ang paghinga ko! Oh, no. Nadulas si Gino!

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin