Kabanata 15

1.7K 117 35
                                    

Napahagikhik kaming lumabas ni Ava sa pinamilihan naming boutique. Nakasukbit sa aming mga kamay ang mga paperbag na mula sa iba't ibang brands na nauna naming pinuntahan kanina.

"I still can't believe we're actually shopping na ulit, like talaga. Oh, my gosh. Na-miss ko 'to!" sabi ng kaibigan ko na 'di magkandaugaga sa pagbitbit ng mga pinamili niya.

Natawa ako, "I told you pupunta tayo ng mall. Ayaw mo pa maniwala kanina, huh?"

"Girl, kasi naman I thought you're tripping me lang. It's been long since we've gone malling 'no na akala ko nahibang ka na."

"Gaga," 'tsaka ko siya pabirong inirapan.

Tumawa naman ang bruha, "Seryoso, Rhian. Gosh, kung naramdaman mo lang kaba ko kanina nung isa-swipe na nung cashier 'yung card mo. I prayed for real na sana gumana. I mean, ok lang naman kung hindi kasi I can shoulder your purchases naman, kaso those staffs will look at us na, like nakakahiya!"

Tumawa rin ako. Ganu'n din kasi ang naramdaman ko kanina kaso 'di ko lang pinahalata sa kaniya.

"Buti we're back to normal na uli," masiglang sabi niya. Tumatalbog sa bawat lakad ang sariling buhok na bagong treatment sa pinuntahan naming salon.

Hindi na ako sumagot dahil hanggang ngayon kasi 'di pa rin ako makapaniwalang inalis na nga ni Papa ang parusa niya. I've been prohibited from spending for weeks that I barely forgot the feeling of having this lifestyle. Hindi ko nga alam kung nananaginip lang ako pero nang tingnan ko rin ang mga hawak kong paperbags pati ang bagong manicure na mga kuko tila umapaw ang galak sa aking puso.

Ava's right, we're back.

"I heard may bagong bukas na boutique rito. Tara, check natin!" aya ng bruha na para bang 'di pa kami hirap sa mga dala naming dalawa.

"Aren't these enough na?" I asked, but the crazy girl just laughed at me.

"Let's go na!"

Napabuntong hininga na lamang ako. Napasalamat ng wala sa oras kasi kung 'di ako nagpakababae baka napagkamalan na akong nobyo ng bruhang ito!

Pumunta nga kami roon sa bagong boutique na nasa annex at sumalubong sa mga mata namin ang mga international brands na madalas naming tinitingnan sa fashion magazines at internet. Napanganga kaming dalawa nang tila langit ang bagong pamilihan ng damit. Nagkurutan pa nga kami ng mga braso na sana 'di mapansin sa CCTV.

Gustuhin ko mang magpatangay sa isa na namang layaw pero agad rin akong natauhan. Maaari ngang bumalik na ako sa dati kong nakasanayan pero 'di ko rin maitatanggi 'yung mga napagtanto ko nung mga panahong grounded pa ako, 'yung mga panahong nagdadala pa ako ng packed lunch sa escuela, 'yung mga panahong nagtitiis ako na walang perang pangwaldas.

Wala namang mali sa pagbili ng mga kung anu-ano paminsan-minsan. Lahat naman tayo kailangan ng luho kaso nagiging masama pag sobra na, pag hindi mo naman talaga kailangan pero nagpapaanod ka sa sariling kagustuhan.

Maaring tama ako, maaring mali rin lalo na sa mga tulad ni Ava. Hindi ko naman siya puwedeng pagsabihan kasi ganito ang buhay na ibinigay sa kaniya nina tito at tita bilang unica hija nila. Lahat binubuhos sa kaniya ng mga magulang niya. Wala rin naman ako sa lugar na makialam dahil sarili nila iyong pera na galing mismo sa negosyong mayroon sila.

I am different. Papa is a mayor. I am a politician's child. Hindi man totoo pero ayokong isipin ng mga nasasakupan namin na galing sa kaban ng bayan ang mga perang nilulustay ko. Hindi corrupt ang angkan namin pero ayokong magilang dahilan ang pagiging maluho ko para magkaroon ng ganoong ideya ang mga tao. Hindi ko ito naiisip noon at masakit mang aminin pero tama nga ang kalbong iyon na insensitibo ako.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now