Kabanata 10

1.7K 117 58
                                    

Nakaupo ako sa harapan ng vanity dresser ko nang tumunog ang aking cellphone.

Renz:
Can we talk?

Tumigil ako sa pagsusuklay nang mabasa ang message ni Renzo. I swiped and pressed delete without hesitation. Bumalik uli ako sa pag-aayos matapos ilapag ang cellphone.

Hindi rin katagalan nang umilaw na naman ang screen.

Renz:
Rhian.

I sighed. Hindi ko na pinindot ang pangalan niya. Dumiretso na ko agad sa delete at binasura ang buong history ng conversation namin. Tumunog na naman uli ang cellphone ko bago ko pa man ito mailapag.

Renz:
Baby.

Tumitig ako sa mensahe niya at lumamlam ang mga mata. He's still calling me that..

Isang linggo na ang lumipas mula nang di na kami mag-usap pero nandito pa rin ang kilig tuwing tinatawag niya ko ng ganiyan—at kundi lang ako galit sa kasinungalingan niya baka talo ko pa bulateng binudburan ng asin sa kinauupuan.

Renzo was my crush. We've been dating for almost a year kaya di ko rin siya basta-basta kayang kalimutan. Marupok, siguro. But who can blame me? He was my almost. Siya na talaga ang naiisip ko noong magiging nobyo ko. Well, ako rin naman ang almost niya.

The almost side chick.

Me:
🖕🏻

Bumungisngis ako. Ba't siya nagpaparamdam ngayon samantalang sa campus ni di ko makita ang anino niya? Jérk.

Hindi ko na inabala pa ang sarili kung magpapadala na naman siya ng message. Binulsa ko na sa pouch ang cellphone nang matapos akong mag-ayos ng buhok. I let my wavy medium hair loose. Hindi pa naman kahabaan ang buhok ko kaya humahalik pa ito sa aking balikat.

I then deserted my room to go downstairs where Gino and Papa are waiting for me.

Pupunta kami ngayong Linggo sa orphanage. Wala man sa kagustuhan kong sumama kaso baka madagdagan pa ang parusa sa akin ni Papa. Hindi ko nanaising magalit siya ngayon pagkatapos niyang matuwa sa akin kagabi dahil nalaman niyang naglaba ako ng mga damit ko.. kahit si Gino naman ang gumawa ng mga iyon.

"Sinong naglaba ng mga damit mo?" tanong sa akin ni Papa kagabi habang kumakain kami ng hapunan.

Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Gino.

"Siya."

I looked at him with bewilderment. Tumingin rin sa akin si Gino at kumindat sanhi upang dumagundong bigla ang dibdib ko.

What the—

"I see." Tumango si Papa. Bumaling siya sa akin panandalian bago itinuon uli ang atensyon sa pagkain na may ngiti sa labi.

The beating of my heart was insane. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakita kong pangiti ni Papa o dahil sa nakita kong pagkindat sa akin ni Gino?

Madalas akong mainis sa presensya niya pero nang mga sandaling iyon—iba; nabagabag ako. He looked so..

I sighed. I've got to erase that thought of him in my mind. I feel like that will give me trouble in the long run.

Bumaba ako ng grand staircase at dumiretso sa silid tanggapan. Doon, naabutan ko ang dalawang lalaki na abala sa kani-kanilang ginagawa.

Si Papa na nakasuot ng Barong Tagalog ay nakatayo sa sliding glass door, nakaharap sa tanawin ng aming luntiang hardin, at tila may kinakausap sa cellphone.

Si Gino naman nakaupo sa sofa.

He wore a black v-neck tee that gave a glimpse of his fit upper chest; a faded jeans that emphasizes how he's long legged; and a neat white sneakers.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now