Kabanata 55

2K 153 44
                                    

Natutulog na ko ng mahimbing nang maalimpungatan ako dahil may naghawi ng buhok ko patungo sa likuran ng tainga. Naniningkit ang mga mata, iginawi ko ang paningin sa gilid ng kama. I saw a man sitting on the edge of my bed. Wearing a crisp white sando that showcased his proud biceps. Gazing at me gently with those charcoal-black eyes.

Nagising agad ako at napabangon nang mamukhaan ko kung sino. Nataranta.

"J-joaquin."

"Sorry.. nagising ba kita?" tanong niya.

Umurong ako hanggang sa magtama ang likuran ko sa headboard. Sinundan niya ako ng tingin. Nangangalansing ang mga kadenang naka-kabit sa akin habang nanginginig kong kinuha ang pulang comforter.

"Ginagawa mo sa cuarto ko? Gabi na!" Sermon ko pagkatapos takpanan ang sarili gamit iyong kumot. I knew I don't have the rights to question his doings inside this mansion. Bahay niya ito at kung ano man ang gawin niya, siya ang batas. Higit pa, sanay na rin ako sa mga ganiyan niya kasi noong bata pa kami madalas niya rin akong ginagapang tuwing gabi. Pero iba na ngayon. He is committed to another woman.

Hinanap ng mga mata ko ang orasang nasa nightstand. Pasado ala-una na. Gising pa siya ng ganitong oras? Gaano na siya katagal na nandito?

"Nagpunta lang ako para tingnan kung nakakatulog ka ba ng maayos." Sagot ni Joaquin. Gumawi uli ang paningin ko sa kaniya at napasimangot.

"Tatanungin mo ko kung nakakatulog ako ng maayos? Kung ikaw kaya i-kadena ko rito?" Kumalansing ang isang kadena nang iangat ko ang isang kamay ko.

Tumingin siya roon at malungkot na ngumiti. Natigilan ako. Nakaramdam ng kaunting konsensiya nang tila may pumisil ng mariin sa puso ko. Truth is, I can manage to sleep even with these chains cuffed on my wrists. This is nothing compared to those I've experienced back at home; in the hands of my father. I've been into worse.

I've also reminded myself earlier to never let my emotions get the best of me again. Sapat na iyong isang beses akong makalimot sa totoong rason ko kung bakit ako nagbalik rito. Rhiannon is long gone. Pinatay siya ng mag-amang ito at kung kailangan kong iulit ng iulit sa sarili ko iyon, gagawin ko. Just so the scorching hatred I have for this man will never cease from burning.

Bumalik ang tingin sa akin ni Gino. Bumulong kaso hindi ko gaanong narinig.

"Sorry.. mahal.."

Nangunot ang noo ko. Inabot niya ang kaliwang kamay ko. Nag-kibot-an ang mga daliri ko na para bang kinuryente ng magaspang niyang balat. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit hinayaan ko siya.

"I didn't want to do this.. but the both of us made a promise before.. remember?"

I was silent. Binaon ko na lamang ang titig ko sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. His rough thumb caressing that center portion of my wrist.

"Rhian." tawag niyang maaligasgas.

Inangat niya ang kamay ko at idinampi iyon sa kanang pisngi niya. Inihilig niya ang ulo sa palad ko at ipinikit naman ang mga mata. I froze. Ang maliliit na tubo ng balbas niya ay tumutusok sa malambot na palad ko ngunit higit pa roon, ang mainit na pakiramdam ng pisngi niya ang talagang kumakabog sa puso ko.

It pains me to see him doing that. Hindi pa siya nakuntento roon at idinulas-dulas sa palad ko ang pisngi niya na parang naglalambing na bata.

I bit my lip before turning my eyes elsewhere. Damn it, you savage. Stop.

"Hanggang kailan tayong ganito? Hanggang kailan ka magagalit sakin? Rhiannon." rinig ko.

Umamba ang mga maiinit na luha sa magkabilang sulok ng mga mata ko habang nakatitig pa rin roon sa vanity dresser. Dapat inalis ko na ang kamay ko. Dapat itinaboy ko. Dapat hindi ko siya hinayaan. Hindi ko nga lang alam kung bakit ba ang galing-galing ng demonyong itong paikutin ang puso ko para gawin ang mga gusto niya.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now