Kabanata 51

1.7K 135 38
                                    

"Puwede ka namang mag-stay sa bahay namin, Ria. Ba't mo pa kailangang mag-book ng hotel pagdating do'n?"

"Sandro, I told you; ayoko nga sabi."

"Bakit?" tanong niya.

Sandro sounded pissed on the other line. Pabagsak akong umupo sa gilid ng kutson ko habang nakapuwesto pa rin sa kaliwang tainga ko ang cellphone. I then stared at my own pink suitcase that was on the right side of my vanity dresser. Busy ako kanina sa pag-aayos ko ng mga gamit para bukas at huminto nga lang ako nang tawagan ni Sandro.

"Uhm, nahihiya kasi ako sa tatay mo." mahinang dahilan ko.

"Iyon lang, Ria? Iyon lang?" tanong niya na parang mas napikon.

Bumuntung-hininga ako. Hindi lang iyon dahil sa hiya ko sa kay Tito Romualdo. Pag naiisip ko kasi ang bahay nila roon bumabalik ang sandaling mangiyak-ngiyak ako kung paano ko isusugod si.. Gino.. sa hospital. Their house reminded me of a painful memory. Sandro didn't know that.

"Sana pala hindi na ko nag-suggest sa inyong kayo na lang ni Dad ang pumunta. If I had only known of this decision of yours beforehand, Chandria. Sana pala hindi ko na lang sinabihan si Lawrence nang sa gayon hindi na sila magbilang ng upuan para sa inyo."

I pursed my lips and let him speak out of frustration. Pag naiinis talaga itong si Sandro nakakalimutan nang filter-an ang bibig. Hindi ito ang unang beses naming pagtatalo pero parang ito ang magiging pinakamalala namin kung magpapatuloy siya sa pagtatampo.

One of Sandro's childhood friend invited him for his twenty-eighth birthday. Gaganapin iyon sa San Bartolome dahil ironically kababata niya pala ang anak ng dating vice-mayor doon. Si Lawrence Cuan, na ang rinig ko ay ang kasalukuyang vice-mayor na roon, at kasama ni.. ng mayor.. mamahala sa munisipalidad ng San Bartolome.

It is a small world, but what can I expect. Lumaki rin si Sandro sa San Bartolome bago sila lumipat rito sa Batangas.

Hindi nga lang siya makakapunta kasi mayroon silang hearing sa mismong araw na iyon. Imbis na ako at siya ay ni-suggest niya na kami na lang ni Tito Romualdo ang dumalo; kaso nang malaman nga kaninang tutuloy ako sa hotel nag-iba agad ihip ng hangin ni Sandro.

"It's only for two days, Sandro. Please don't make a big fuss out of this. If you worry of my safety then I am glad to inform you that Bernard is with me." Umirap ako maski hindi naman ako nakikita ni Sandro.

"I am not making this a big deal, Chandria. Totoo nga n'yan puwede kong sabihan ngayon si Lawrence na 'di na lang kayo makakapunta," aniya.

I gasped. "Oh, please! Gagawin mo 'yon eh kilalang-kilala mo naman tatay mo; pinaghandaan niya 'to ng ilang araw, Sandro. You know how tito loves social parties!"

"Si Dad ba talaga ang inaalala mo, Ria? O baka naman kasi may iba kang tao na iniisip sa party na 'yan?" tanong niya.

Huminto ako at natahimik ng panandalian. Si Lawrence ang birthday celebrant. Siya ang incumbent vice-mayor. Siempre, obvious nang dadalo roon ang mga kakilala niya at maging mga ka-partido, lalong-lalo na si.. ang mayor.. roon.

Pupunta siya. Pupunta siya at ang maisip na naman iyon ay sapat na para mangarera na naman ang puso ko. Pumikit ako ng mariin at masidhi na diniktahan ang sariling kumalma. Hindi dapat ako kinakabahan! Ano naman kung nandoon rin siya? Pakialam ko!

Hindi ko rin dapat iniisip ang lalaking iyon pero heto, natataranta na naman ako dahil binanggit kasi ni Sandro!

I groaned. Damn it, Chandria! Tumitiklop ka na agad ni hindi ka pa nga nagsisimula!

"Sigurado ka na ba talaga rito, Ria?" hugot sa akin ng boses ni Sandro.

"Sandro, I am sure. I can do this. I will run as mayoress and I will make sure people there will know it. The Fuegos will know it. Panahon na para bumalik kami roon."

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now