Kabanata 13

1.5K 123 32
                                    

Pumirmi si Gino sa isa sa mga upuan ng island counter pagkarating namin sa kusina. Dumiretso naman ako sa fridge para maghanap ng mailuluto kong pananghalian naming dalawa.

Sa gitna ng paghahanap, nakaramdam ako ng ilang kasi parang nakatingin si Gino. Una ang isip ko guni-guni lang siguro iyon, pero tila nanunusok talaga ang titig niya. Hindi mapakali, lumingon ako sa kaniya pero nadatnan ko lang siyang abala sa pagkain ng mansanas.

Napakurap ako.

Nakasuot ako ng high-waist denim-shorts kasi nasa bahay lang naman ako at lubos ko ring pinagsisihan ang damit nang dumampi sa magkabilang binti ko ang lamig na sinisingaw ng fridge.

I decided to cook galunggong or something like that. Tumuwid ako ng tayo nang makuha ang tub palabas ng fridge. Hindi ko talaga alam kung anong mayroon sa mga lalagyanan ng ice cream at paborito itong lalagyan ng mga katulong namin. Humarap agad ako kay Gino. I caught the jerk looking away immediately.

Napatirik tuloy ang isang kilay ko. "What?"

Bumaling sa akin si Gino. "Ha?"

"Nakatingin ka kanina."

"Ba't naman kita titingnan?" sabi niyang tila nandidiri bago kumagat uli sa pulang mansanas. There's a hint of blush in his cheeks. Hindi ko masigurado dahil nga maitim siya.

I felt insulted for some reason. Gino can just tell it to me nicely but decided to be a jerk instead. Wala namang mawawala sa kaniya pag naging mabait siya minsan pero mas pinili niya talaga maging tarantado. Hindi ko na lang pinatulan at baka mamaya sa sagutan na naman kami mapunta.

Pumunta ako sa rice container nang mailapag ko itong tub sa sink. Tumakal ako roon ng bigas na maisasaing. Sumunod naman sa kitchen cabinet para maghanap ng bote ng mantika at iba pang gagamitin tulad ng frying pan. Lahat nagawa ko nang hindi man lang nililingon ni isang beses ang damuho.

Nahuli ko talaga siya kaninang nakatingin sa akin! Ganu'n na lang ba siya nangangamba sa lulutuin ko na ayaw niya pang aminin? I can cook and I'm gonna show him!

Una kong sinimulan ang pagsaing sa bigas dahil kailangan ko lang naman i-on iyong rice cooker. Hindi ko alam kung tama ang nailagay kong tubig pero siguro naman sapat na iyong maraming tubig sa limang takal ng bigas. Wala akong naging problema sa una—sa pangalawa mayroon. Sumunod ko ngang ginawa ang pagprito sa isdang ito na kung magpatilamsik ng mantika parang galit sa tao.

The horror on my face after witnessing the cooking oil go mad. Lumayo talaga ako sa stove habang panangga pa ang spatula!

Pag natilamsikan talaga ng mantika ang maputing balat ko... this is the very reason I let our maids do this job!

I heard a laugh. "Natakot ba ang prinsesa?"

Bumaling ako sa kaniya. Paniguradong namumula ang aking magkabilang pisngi sa kung paano ito mag-init.

"Hindi mo ba nakikita kung paano magtalsikan 'yong cooking oil? Ikaw kaya!"

"Oh, akala ko ba marunong kang magluto? Natural lang naman 'yong ganiyan," sabi niya, naka-angat ang isang gilid ng labi na nagiging dahilan sa lalo kong pamumula.

"Y-yeah, but I won't come near it 'til it stops!"

The jerk smirked wider. "Wala ka pala sa girlfriend ko, eh. Siya nga 'di natatakot sa ganiyan kasi alam niyang masusunog 'yong ulam pag napabayaan."

Napakunot ako ng noo. Bakit nabanggit na naman ng buwisit iyong nobya niya?

"Ok," sabi kong napapairap bago rin pumunta sa island.

Pumirmi ako sa isa sa mga upuang katapat ng puwesto niya at padabog na inilapag ang spatula sa counter. Humalukipkip ako. Wala nang balak pang magluto.

Hindi ko alam kung anong dumapo sa akin pero tuluyan na talaga akong napikon. Hindi ko na rin inintindi ang plano kong magpakabait sa kaniya. Wala na akong pakialam kung isumbong niya ako sa ginawa kong pagpuslit noong nakaraan.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now