Kabanata 14

1.5K 119 47
                                    

Dinner was surprisingly quiet today. Walang ibang maririnig sa malapad naming lamesa kundi ang paminsan-minsang pagsagi ng mga kutsara at tinidor sa babasaging pinggan. Napakatahimik namin kumain at hindi na ako nagtaka kung paano napansin ni Papa.

"Hindi na yata kayo nagtatalo ngayon? Nakakapanibago," sabi niya at uminom.

Huminto ako sa pagkutsara ng kanin at pumuslit ng tingin sa harap, sa puwesto niya at nang makita kong tila wala siyang pakialam sa sinabi ni Papa, napatingin na lang uli ako sa sariling hapunan.

Hindi pa rin ako nakakahingi ng paumanhin sa kaniya mula nang nangyari kanina. Pumunta kasi siya sa village court para mag-basketball at nito lang din nakauwi nang makauwi na si Papa. Nabiro pa nga siya na maligo muna at magbihis kasi basa ang damit sa pawis. Natawa naman siya, kaso nang makita niya ako na kasamang naghihintay ni Papa, nabura rin ang ismid niya.

"The two of you must have been finally done playing cat and dog. I think it's a good sign."

Napangiti ako ng palihim nang tila kiniliti ang puso ko sa mga alaala ng pagtatalo naming dalawa sa hapag. I still cannot believe it's almost two months now ever since he step foot in our house. Nabura naman kaagad ang ngiti ko.

Bakit ako natutuwa? No!

"Tama ba, Rhiannon?"

Natauhan ako. Hindi ko alam kung ano nang tinutukoy ni Papa dahil napalipad ang isip ko pero tumango pa rin ako. "H-hm, of course!"

Papa beamed. Natuwa na sana ako kasi napangiti ko siya pero nang marinig ko kung ano ang sinang-ayunan ko parang gusto kong bawiin na lang.

"Ganiyan ang gusto kong makita sayo, anak. Sana nga dumating ang araw na ituturing mong kuya si Gino. Wala na akong mahihiling pang iba."

Hindi ko alam kung ngingiti ako o ngingiwi pero pinanindigan ko na lang.

"S-sana," I faked a laugh.

Tumuon uli ako sa harap. Tumigil ang paghinga ko nang makitang nakatingin si Gino. Nakabagsak ang mga kilay at tila napatigil sa pagnguya ng hapunan.

I will never accept him as my brother and that, I am sure. Hindi ko alam kung ano ang nag-uudyok sa akin na tumutol sa nais ng tatay ko pero alam kong nirerebelde ito ng aking puso. I can sense his mutual feelings about us but I really have no idea of his reasons about it.

Siguro ayaw niya sa mga maarte? Siguro ayaw niya sa akin?

I gave him a little smile, but his answer was a rude frown. Bumalik siya sa kinakain at hindi na talaga ako tinapunan ng pansin sa kabuuan ng hapunan.

Nasaktan ako sa nasaksihan, at ang naramdaman kong iyon ay nanatili sa akin sa mga sumunod pang araw, kaya napagpasiyahan ko na talaga nitong linggo na makipagbati sa kaniya, nang walang halong dahilan o kalokohan.

Bumangon ako ng maaga nitong linggo para simulan ang plano kong ipagluto si Gino ng agahan. I haven't learned from my mistake and that this might be another bad idea of mine, I know. Hindi naging maganda ang huling beses na ginawa ko ito kaya nanghingi talaga ako ng tulong kay Manang Flor. She's the only person in our mansion that I've grown liking into, the other being Ben, even though he tends to annoy me of his loyalty to my father most of the time.

"Naku, matutuwa ireng si mayor pagkagising nu'n," masayang sambit ni Manang Flor nang maihanda namin ang lahat ng kailangan.

We've decided to cook Bistek Tagalog and Fried Rice. Longganisa na lang sana iyon kasi wala nang sibuyas para sa ulam pero nag-suggest si Ben na bibili sa tindahan. He did and now I changed my impression of him. Hindi na pala ako naiinis sa kaniya.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now