Kabanata 4

1.6K 126 19
                                    

Nandoon kami ni Papa sa hapag nang marinig ang balita. Nakapirmi sa kani-kaniya naming puwesto. Naghihintay sa harap ng malapad naming lamesa dahil wala pa rin ang kalbong iyon para sa hapunan.

Napahalukipkip ako. Saan bang lupalop nagtungo ang buwisit na iyon?

Pumasok ang isa sa mga matatanda naming katulong. The worriness was all over her wrinkled little face that it made one my eyebrows quirked. Yumuko siya upang bumulong sa kaliwang tainga ni Papa. Bumilog ang mga mata ng tatay ko at 'di ko man narinig ngunit alam kong tungkol na naman ito sa magaling niyang ampon.

"Pakisabihan si Ben na ihanda ang kotse, Manang Flor. Pupunta ako ngayon sa presinto," utos ni Papa sa nagkukumahog na katulong.

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang nakita ng mga tao rito sa mansyon na hindi ko makita sa kaniya. Lahat nag-aalala sa damuhong iyon. Their faces were pictures of worry and it irritated the hell out of me. I cannot help but to roll my eyes at them, one by one if I can.

Ba't ano bang inaasahan nila sa isang iyon? Santo?

"Why do we even bother getting him out of there? I'm so sure it's his own fault he got himself into trouble. Hayaan na natin siya, Papa." sabi kong nakahalukipkip habang nakaupo ng mag-isa sa likuran.

Lulan kami ng itim naming sasakyan. The mayor's car. Parati itong gamit ni Papa tuwing pumapasok siya sa trabaho, sa city hall. Behind us were two convoys tailing our direction, guarding us from any danger. Sa unahan, isa naman ang nagsisilbing gabay sa aming daan. 

Hindi umimik si Papa na nakaupo sa harapan, sa shotgun pati na rin ang driver naming nagmamanibela sa kaliwa. Umalingawngaw lamang ang mahinang musika sa radyo. Hindi ko alam kung narinig ba ako ng tatay ko kaya sinubukan ko ulit.

"Pasasakitin niya lang ang ulo mo. Let's go home."

Naalala ko na naman ang itsura ni Papa nang malaman ang balita. The fear in his charcoal-black eyes was distinct, was obvious like a something terrible happened to someone dear. I felt the poison of jealousy in my chest. Seeing him react like that hurt me. Hindi niya nga ako tinanong kung sasama ba ako ngunit sumunod pa rin ako dahil may gusto akong patunayan sa kaniya;

Walang mabuting dulot ang binatang iyon sa kaniya at sa aming mag-ama.

"I cannot believe we even postponed dinner. So unbelievable. Gosh, kanina pa kaya ako nagugutom," pagsinungaling ko.

Siempre, hindi iyon totoo. Marami kaming nakain ni Ava kanina bago umuwi. Wala nga talaga akong balak kumain ng hapunan, eh. Gayunpaman, gusto ko pa ring maagaw ang atensiyon ni Papa.

Wala pa ring ibang namamayaning ingay bukod sa musika. Umayos ako ng upo.

Ba't ba ayaw akong pansinin ni Papa? "Papa –"

"Rhiannon, pakiusap.. kung puro angal lang naman ang sasabihin mo buong viaje mas mabuti nang umuwi ka. I'll order one of the convoys to escort you back," sabat niya.

Nagulat ako sa narinig pero hindi ko pinahalata. "I came because I care."

"If you care for him, then why those complains? Hindi nakakatulong ang mga sinasabi mo, anak. Nakakalalala kung ako tatanungin. I didn't even ask you to come with me in the first place," sabi niya.

Hindi ako nakasagot.

Me.. caring for that jérk? Papa had it wrong. I meant my vehicle, my Ducati Scrambler. I meant him, my father. Hindi ang buwisit na iyon ang inaalala ko. Wala akong pakialam sa isang iyon at mabulok man iyon sa bilangguan ay wala pa rin akong pakialam!

Bumuga ako ng hangin.

Pabuka na sana ako ng bibig ngunit nauna si Papa. "Wag mo ring masabi sa akin na pasasakitin lang ni Gino ang ulo ko. I experienced more headaches dealing with your behavior than whatever you claim towards Gino. Sa inyong dalawa, ikaw ang totoong sakit ng ulo."

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now