Kabanata 2

2.5K 151 29
                                    

Wala ang guro namin para sa kasalukuyang subject kaya dumiretso kami ng kaibigan kong si Ava sa kalapit na Starbucks. Mabuti na rin iyon lalo na at 'di pa ako kumakain. Inside, I told her everything about what happened earlier during breakfast; everything while eating Gourmet Pasta. I'm dámn hungry for not eating breakfast.. all because of that jérk!

Humigop ako ng matindi sa inumin kong iced tea. Nakakawala ng poise, oo; sa nakakapang-init naman talaga kasi ng ulo! 

"Girl, kausapin mo na lang si Tito Jon," sabi ni Ava.

Bumaling ako sa kaniya habang sumisimsim pa rin ng iced tea.

"You need to chill din. I mean, look at you.. not so you," habol niya.

Naubos ko sa isang higupan ang iced tea at nang matapos tsaka ko iniwan sa mesa. "Girl, I wanted to. Hindi ko lang talaga siya makausap kagabi kasi pagkauwi niya, pagod na raw siya. Gusto na raw niyang matulog. Then, kanina.. gosh, nevermind."

Bumungisngis naman siya. Umirap na lamang ako. Dumapo ang paningin ko sa isang mesa na may grupo ng mga kalalakihan. Sa mga suot nilang laces, napag-isip kong sa kabilang school sila. Wala akong ideya kung anong ningingiti-ngiti nila sa amin pero tinirikan ko na lamang sila ng isang kilay.

Pigs, hindi niyo ka-level si Renzo.

"Subukan mo na lang uli mamaya. Pag 'di niya pa rin maintindihan, well, I guess it's time for you to accept your fate. You belong to a family of politicians, Rhian. Hindi puwedeng wala kang makakahalubilong tulad ng sinasabi mong si Gino."

I looked at her with disbelief. Me.. with him. The thought of mingling with the likes of that jérk sends shivers to my skin. No, ew!

The Fuegos govern this town for decades. Lahat nagsimula nang lumipat ang lolo ko at tumakbo sa pagiging alkalde. He won, obviously. At sa pagkapanalo niya, naging daan naman ito para sa mga anak niya sa mga susunod na eleksyon.

Ang yumao kong si Tito Jovan, si Tito Johan, hanggang sa ama ko nga na kasalukuyang namumuno, na kilala ng karamihan sa pangalang Jon.

Noon pa man, pinapangaralan na ako ng tatay ko sa pamamaraan ng pamilya namin. We would always visit hospitals, foster homes, even jails to meet some of our citizens. Papa loves them regardless of their profile. People love him back. Napakataas ng respeto ng taumbayan sa kaniya at may ilan rin na nangakong angkan lang namin ang iboboto nilang tagapamuno nitong bayan.

Siempre, dahil nananalaytay sa dugo ko ang isang Fuego, hindi malayo na inaasahan rin ako ng karamihan pagdating ng panahon, na tatakbo rin akong mayor/a tulad ng mga nauna.

"I really hate this life," I said, defeated.

"Girl, alam mo i-embrace mo 'yang legacy ng pamilya niyo. Hello, sooner or later ikaw na ang susunod na mayor. I mean, mayora," ani Ava;

"Mayora Rhiannon Engres Fuego. Oh, so perfect!" pag-imagine ng bruha sa kawalan tsaka pumalakpak.

Nakapangingilabot pakinggan!

Hindi ko talaga gustong maging katulad ni Lolo, ng dalawa kong tito, o maging ni Papa. I just can't imagine myself becoming and doing that; servicing the public, ruling the masses. Hindi nila iyon maintindihan..

"No, never." sabi ko, pumangalumbaba.

Bumaling ako sa kakalsadahan. Sa aking pagmasid sa abalang lansangan, dumapo ang paningin ko sa isang tarpaulin na nakapaskil sa isang pader hindi kalayuan. Naroon ang mensahe ng pagsabi sa mga estudyanteng nagtapos nitong taon.

The message wasn't much of a big deal to me, but the person imprinted in it. I fixated my eyes on the familiar face of my father, wearing Barong Tagalog that made him so respectful, worthy of being called mayor.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now