Kabanata 12

1.5K 109 12
                                    

Hindi ko mapigilang tumawa ng tumawa rito sa likuran habang lulan ako ng SUV. Ben doesn't seem to mind me snickering like a bitch. Tahimik lang siya sa pagmamaneho pero minsan napapansin kong sumisilip siya sa rearview mirror.

I know. I shouldn't be laughing at someone capable of being dangerous like that of Gino. Hindi ko lang talaga kasi mapigilan. Humahagalpak talaga ako sa tawa pag sumasagi sa isip ko ang itsura niya kanina. Ganoon pala mamula ang mga moreno.. nangingitim lalo.

I laughed a little more.

"Text niyo lang po ako pag aalis na tayo papuntang airport, ma'am." Si Ben nang makarating kami sa isang high-end mall ng Pasig.

Napakunot ako ng noo. Paano niya nalamang doon dapat ang punta namin kahit hindi ko naman nabanggit sa byahe?

"Hindi tayo pupuntang airport," sagot kong nakahawak pa rin sa tatanggalin na sanang seatbelt.

"Ma'am?"

Napa-arko naman ang kaliwang kilay ko. "Nautal ba ko para 'di mo maintindihan?"

"Ma'am, pero heto po kasi text ni Sir Gino," sagot niya tsaka nagdudutdot sa sariling cellphone na sinauna pa;

"Magandang gabi po.. text niyo po ako pag nakarating na kayo ng airport.. paki-ingatan po si.. Rhiannon.. pakibantayan na rin po maraming salamat.. Gino po ito.. Manong Ben."

Napaikot ang mga mata ko. Nagawa pa rin akong pestehin ni Gino kahit nasa ibang ciudad na ako!

"Ben, sino ba amo mo, ha?" tanong ko sa nasa harapan.

Bumaling uli siya sa rearview mirror at nagkamot sa napapanot niya nang ulo. I sighed frustrated.

"Siempre, ako. Wag niyo ngang masunod 'yang si Gino. Wag niyo rin siyang matawag na sir. Nakakairitang pakinggan," pangunguna ko na at mamaya ano pa masabi ko sa kaniya pag narinig kong dalawa kami ni kalbo ang amo niya, nila.

"Ma'am, alam po ba ito ni mayor?" tanong nitong nagpakaba naman ng kaunti sa akin.

"Hindi at hindi niyo na rin kailangang mag-alala kasi may maghahatid sa akin mamaya bago pa man makauwi si Papa. Gusto mo abangan mo pa ako sa gate mamaya?"

"Saglit ho tatawag po muna ako kay mayor para magpasunod ng bodyguar –"

I groaned. Securities will just get in our way!

Ben is serving our family long enough like Manang Flor. Sigurado akong mas matimbang ang takot niya sa tatay ko kaysa sa takot niya sa akin at walang alinlangan niya talagang pahaharurutin pabalik ang kotse pag nalaman ng tatay ko ang lahat. I unbuckled my seatbelt and hopped swiftly out of our car.

"Ma'am Rhiannon!" tawag nitong taranta nang bumaba ang tinted na bintana sa shotgun.

"Wag mong ipapaalam kay Papa 'to ha!" banta ko sa nanglalaki ang mga mata.

"Ma'am –" I strutted my way towards the entrance totally not minding the consecutive calls of our family driver. Nakatitig sa akin ang ibang kasabay na mamimili maging ang ladyguard kaso nanatili lang itong tahimik nang inspeksyunin niya ang LV slingbag ko.

Hindi rin katagalan nang marinig ko ang andar ng kotse namin papalayo. I took that as my cue to step inside.

Walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko nang maglakad sa kalakihan ng mall. Various fashion boutiques remind me of days where I am still free to burn money. Naluluha ang mga mata ko habang isa-isa ko itong dinadaanan at kung hindi lang naka-block ang credit card ko baka nakapamili na ako agad.

I miss this life! Gaano na ba katagal ang huli kong shopping?

Dumiretso ako sa isang dining restaurant kung saan naghihintay si Renzo. He already got us a table reserved for us both, and that was all it took for the female receptionist to assist me. Bumuntot ako sa babae nang igiya niya ako sa nasabing lamesa nang banggitin ko ang apilyido ni Renzo.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now