Kabanata 25

1.7K 136 43
                                    

Napakurap na lang ang mga mata ni Ava nang magpakilala si Claire sa kaniya. Naroon ang gulat sa mga mata niya na kasama at kausap namin ang girlfriend ni Renzo. Hindi naman ganu'n kahirap pakisamahan si Claire. Totoo pa nga puro kami kuwentuhang tatlo habang nag-warmup pa lang sa court ang mga players. Mahilig rin pala siya sa mga fashion brands at make-ups, pero mas nagkasundo sila ni Ava kasi madami rin pala siyang alam na mamahaling hotel. Claire was even surprised upon knowing that that one famous hotel she visited in Cebu was owned by the Chans.

"Hotel heiress ka pala," ani ng dalaga na ikinangiti lamang ni Ava.

Nagdadaldalan pa rin ang dalawa at malapit na ring magsimula ang laban. I need to do my part.

"Miss, puwede bang mag-cr?" Tanong ko sa adviser namin na nakaupo naman sa kaliwa ko. Tumuon ito sa akin. She was busy observing our basketball men.

"Ikaw naman, Fuego. You may go to the comfort room as you please. Wag ka nang magpaalam," ani miss.

"Uh, 'di ba binabantayan niyo ko? Gusto ko lang magpaalam kasi baka.. pinagdududahan niyo rin ako." malungkot akong ngumuso.

"Fuego, wala kang kasalanan sa nangyari kanina. Mali ang ginawang pamimintang at pananabunot sayo ni Benidez. Hayaan mo pag nagreklamo man ang mga magulang niya ako mismo ang kakausap. Mahirap patunayang sinabotahe nga ang damit niya, at kung sakali mang oo alam ko namang hindi ikaw. Gaya ng sabi ni Martinez." Dumapo pa ang isang kamay niya sa balikat ko pagkatapos ng mahabang paliwanag.

"T-thank you, miss." tunog-inosente kong pasasalamat—iyong kulang na lang tubuan ako ng mga puting pakpak at bilog sa ibabaw ng ulo.

"Wag mo nang isipin 'yun, ok? Sige na. Bumalik ka agad kasi i-c-cheer natin sila." Sabi niya. Tumango naman ako at tumayo na. Umalis na agad pagkatapos nu'n dala-dala ang maliit na sling bag.

The smirk on my face was epic! That was really funny! Ganu'n lang pala kadaling makalusot sa adviser namin! Nagpaawa lang ako ng kaunti tapos nakalaya na agad ako! Natawa talaga ako sa daan at baka ipagmayabang ko pa kung nandito si Gino!

There was a slight guilt crawling in my heart though, lalo na pag inisip kong pinagtanggol lang ako ni miss kasi alam niya talagang inosente ako. Na hindi naman totoo. Nag-alinlangan pa tuloy ako sa daan ng ilang segundo, pero naisip ko agad ang dahilan kung bakit ko ginawa ito. I was doing this to get even with those people who did me wrong. Hindi naman nakonsensiya si Renzo nu'ng ginawa niya akong tanga sa paniniwalang mahal niya ako at ako lang. Hindi naman nakonsensiya si Stephanie nu'ng bastusin niya ang mga magulang ko. Hindi naman sila nakonsensiya, so there's no room for me to feel guilty too.

Sa kaliwang dulo ang direksyon ng mga comfort room sa ground floor, pero imbis na doon pumunta lumiko ako sa kanan kung saan ang gymnasium. Matatagpuan sa loob nito ang locker room ng mga varsities. Malaki ang gymnasium pero walang tao marahil sa open court gaganapin lahat ng laro. Dumiretso agad ako sa pintuang nasa sulok. Pumasok ako rito at bago ko isarado ang pinto sinigurado ko munang walang nakasunod sa akin o nakakita.

Tahimik ang locker room tulad ng gymnasium. Nakahawak ako sa strap ng sling bag ko at nagmasid sa mga pulang locker.

This is where that jerk used to tell stories about me huh? I wonder how many times have this room heard about me? Tumatawa kaya sila sa tuwing may sinasabing kasinungalingan si Renzo? O pinupuri nila kasi tangang-tanga sa kaniya ang anak ng isang mayor? Hindi ko lubos maisip na pinagtatanggol ko pa siya noon kay Papa. I was so stupid before, but this brat finally learned.

Madali kong nahanap ang locker ni Renzo kasi may mga pangalang nakadikit sa bawat compartment. Nang makalapit nga nakita kong naka-lock ang kaniya. Humalughog ako sa maliit na bulsa ng aking slingbag at naglabas ng isang paper clip 'tsaka ko sinimulang baluktutin upang ipangkalikot sa munting padlock.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now