Kabanata 35

1.7K 115 31
                                    

Hindi ko alam kung anong eksaktong oras kami umalis doon ni Gino. Napagdesisyunan muna kasi naming manatili roon pagkatapos. Nakaupo pa rin ako sa sink habang siya naman nanatiling nakaakap sa akin, nakapahinga na ang ulo sa kaliwa kong balikat. Paminsan-minsan, nararamdaman kong pinapatakan niya ng halik ang leeg ko, humuhuni ng mga lumang kanta habang nilalaro naman ng isang daliri ang dulo ng maalon kong buhok.

Napangiti ako. I cannot imagine him being the same guy who used to pick fights at our school then. Napakabarumbado pero napakalambing.

"Gino," tawag ko nang biglang may sumagi sa isip.

"Hm?" sabi niya.

"Paano kung makilala ko mga magulang ko?" tanong ko sa kaniya.

He somewhat became tensed. Napansin ko iyon nang mapahinto siya sa ginagawang paglalaro ng buhok ko. Hindi niya naman inalis ang pagkakayakap sa akin at sa halip mas lalo pang humigpit. Para bang ayaw na akong pakawalan dahil lang sa tanong ko.

"E di maganda. Para makilala ko na rin sila," bulong niya sa likod ko.

He sounded not okay with it. Natunugan ko ang totoo maski ang positibo ng sagot ni Gino. Nahirapan rin akong matukoy kung tama nga ako kasi nakatalikod ako sa kaniya, pero mabuti na rin iyon kasi kung magkaharap man kami baka hindi ko na talaga maitanong ito sa kaniya.

"Pero, Gino. Paano kung pagkatapos nu'n isama na nila ako? I mean, of course it's kind of possible –"

"Tch."

He broked from the hug and faced me, this time. Naramdaman na yatang napakaseryoso ng tanong ko. Nagkaharap na nga kami at doon napagtanto ko na talagang hindi niya gusto ang pinupuntahan ng tanong ko. Nakahawak si Gino ng maigi sa magkabilang balikat ko. Nakadistansya ng sapat sa akin para masipat ng mabuti ang mga mata ko.

"Ba't naman ganiyan tanong mo, mahal?" tanong niya.

"Naisip ko lang bigla," sabi ko sabay iwas.

The truth is, it isn't. Noon ko pa naisip na kung ano ang mangyari pag binalikan na ako ng mga totoong magulang ko. Isasama ba nila ako? O sapat na sa kanila ang makilala ako? Kung tutuusin, maayos na ako rito sa mga Fuego. Higit pa nga. If I ever came from a normal household, panigurado mas pipiliin na nila ang kapakanan ko at hahayaan na ako sa kanila, if just being practical.

Bumuntung-hininga ako. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya at nanatili ang paningin doon sa ibaba, sa pulang baldosa.

"Gusto ko silang makilala, Gino. Gusto ko silang makita."

Plano ko pagkatapos ng kolehiyo, magta-trabaho nga ako para makapag-ipon ng pera para sa paghahanap sa kanila. I will save money for my re-assignment but I will also make sure to have enough funds to find my parents. Bumabalik lang talaga sa una kong naisip kung mahanap ko man sila at makilala. Paano kung kumbinsihin na nila akong manirahan kasama nila? To make up with those years we've been apart.

Handa nga ba akong iwan si Gino?

I was lost at my own thoughts that I didn't even think he was also here with me. Natauhan na lang ako nang marahang inangat ni Gino ang baba ko. Nagkatinginan kami agad.

"Mahal, dumaan na din ako sa ganiyan kaya kung iisipin mong hahadlangan kita, mali ka. Normal na hanapin mo ang mga magulang mo. Ganiyan din ako dati. Magkaiba nga lang tayo kung paano natin nalaman ang totoo. Bata pa ko nu'ng ingudngod sa akin ng tatay-tatayan ko na ampon nga ako, na hindi niya ako anak. Napulot lang raw ako ng nanay-nanayan ko sa basurahan noong pauwi siya galing sa paglalaba."

Napaawang ang bibig ko. Napag-alaman ko naman din dati sa mga nakalap na reports ni Papa na hindi nga maganda ang ugnayan niya sa kinikilalang ama. Napa-baranggay nga raw siya nu'n mismo.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon