Kabanata 41

1.8K 130 68
                                    

Hapon nang tumulak kaming tatlo sa sementeryo para dalawin sila tito. Nakasakay na ako sa kotse nang mapansin kong parang mas marami kaming convoy ngayon na nasa tapat ng entrada.

"Pa, nagpadagdag ka po ng mga escorts?" Tanong ko. Madalas kasi isa o dalawa lang ang bumubuntot sa amin pero ngayon, mayroon pang pangatlo.

Papa seated himself at the shotgun. Umurong ako nang sumakay na rin si Gino. Sinarado muna ni Papa ang pintuan sa gilid niya bago sumagot.

"Yes, Rhiannon. I had it requested because of.. certain matters.. that suddenly occurred. Hayaan mo. Pansamantala lang naman 'yan kaya 'wag mo nang masyadong isipin," sagot ni Papa.

"Did something happen?"

Hindi umimik si Papa. I was supposed to repeat myself but Gino stopped me. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at nang balingan ko siya, umismid ito at umiling.

Hindi na ako nagtanong uli lalo na nang umandar na ang kotse namin. Unsatisfied to my father's answer, I looked back and saw the escort securities move in an organized manner. Nauna ang dalawa sa harapan para maging leader at preceder samantalang ang isa naman sa likuran para maging rear sa amin. Hindi ko na lang inintidi iyon at ngumiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Gino.

Payapa ang buong sementeryo nang makarating kami nina Papa at Gino. Pagkababa pa lang namin sa kotse kaagad na kaming sinalubong ng mga nag-aabang na securities mula roon sa mga kotse ng convoys. It's always like this whenever Papa is with us. Politicians will always have heightened securities compared to the vast majority. Hindi naman sa umaangal ako kasi sanay na kong pinapaligiran ng mga seguridad tuwing sinasama ako ni Papa. Hindi lang talaga ako mapakali kasi nga mas marami ang nakapaligid sa amin ngayon kumpara sa karaniwan.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip! Hindi kaya may nangyari nga?

The afternoon wind on that one Saturday of October blew on my cheeks. Ilang linggo pa bago sumapit ang araw ng mga patay pero may nakikita na kong mga kandila at bulaklak na iniwan sa ibang mga nadadaanan naming puntod.

Una naming pinuntahan ang puntod ni Mama. Tahimik ang buong paligid at tila lalong tumahimik nang matapos kaming magsindi ng kandila. Papa also bought funeral flowers along the way and placed it near the tombstone of my late mother. Huminga ako ng malalim nang kumirot ng kaunti ang puso ko.

"Hi, 'ma." I let the wind guide my whisper.

"Hon." rinig ko namang banggit ni Papa at lumuhod sa isang tuhod.

Papa & I rarely visit her resting place. Maski nandito lang din sa San Bartolome ang himlayan niya, tatlong beses lang sa isang taon namin siya pinupuntahan. Hindi nga lang kami nakapunta nitong nakaraan kasi pinatawag ng presidente ang mga mayors para sa isang conference.

Nakakabingi ang katahimikan nang mga sandaling iyon. Narinig ko ang ihip ng hangin nang pasayawin nito ang isang tuyong dahon sa malapit.

Tumingala sa akin si Papa. Umismid ang labi niya at sa saglitang iyon para bang nakita ko itsura ni Gino.

"Oh, hon. Dalaga na," biro ng mayor sa akin.

Napatawa ako ng mahina. Maganda ang mood ngayon ni Papa kaya biniro ko na rin sa harap ng puntod ng asawa niya.

"Ma, minulto mo ba 'yan? Bumait kasi bigla sakin, eh." I sounded like my former self.

Mabuti na lang at nasa distansya ang mga escorts namin kasi kung hindi, maglalakihan ang mga mata nila sa maririnig na sagot ko sa mayor. No one could dare to kid the mayor like that and that is one of my perks. Rhiannon Engres lang sakalam.

"Hindi ba siya ang minulto mo, hon? Bumait na kasi sakin si Rhian," ganti uli ni Papa.

"Pa, it's called maturity. Kung dalawin man ako ni mama for sure mag-t-tsikahan lang kami." irap ko at tinawanan naman ako ni Papa.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon