Kabanata 42

2K 121 55
                                    

The sun was setting before the four of us decided to go. Papa invited kuya for dinner but the latter declined politely. Manila pa kasi ang uuwian niya at kung sa amin pa maghahapunan, gagabihin na raw siya sa daan. Naintindihan naman ni Papa. Nanigurado muna siya kung busog pa ba talaga si kuya at nang tumango ito, hindi na uli namilit pa.

"Papadala ko na lang 'yung invitations pag na-deliver na sa amin 'yung copies. Pati 'yung magsusukat sa inyo ni Gino papapuntahin ko na lang din sa mansyon para hindi na kayo maabala," banggit ni kuya nang nasa open parking na kami nitong sementeryo.

"Message mo kami kung kailan sila magsusukat, kuya. Papasundo na lang namin kung wala silang sasakyan," mungkahi ko.

"Damn, I feel old. Nagiging mature na mga pinsan ko. Bait na ng brat namin, ah." biro naman ni kuya at naroon sa labi ang malokong ismid.

"Ewan ko sayo, gurang. Sige na, uwi na. Pagalitan ka pa ng girlfriend mo," biro ko rin tsaka irap.

He laughed at that. Bumaling siya sa dalawa para magpaalam at pagkatapos, sa akin. Pumasok na si kuya sa kotse. The two front seats were occupied by his driver and personal security. Hindi rin kalaunan nang tumulak ito at hinayaan muna naming mawala iyon bago rin kami umuwi.

Marami kaming napag-usapang tatlo sa hapunan. Latest update sa paborito nilang local basketball team, upcoming events sa school, at iba pa na karamihan hindi naman ako interesado.

Hinintay ko ng hinintay kung babanggitin ba ni Papa ang napag-usapan nila ni kuya kanina kaso, hindi. Bumaling ako sa kaniya nang magsimula na naman sila ng bagong topic ni Gino. It's about luxury cars this time. Lumipat ang tingin ko sa harap at nakitang magaan rin ang itsura ni Gino habang kinakausap si Papa. Nagbanggit siya ng mga kilalang brands at nang gumawi ang tingin sa akin, napaarko ang mga kilay. I smiled. Hindi ko alam kung alam na rin ba ni Gino iyon at kung oo, hindi ko alam kung tulad ko rin ba siyang mas pinili na lang manahimik tungkol rito.

Nang matapos kami, nagpaalam na kong mauuna na sa silid ko. Nag-shower ako para maalis ko ang kaba mula pa kanina pero hindi naman iyon nakatulong. Nang makapagbihis, naupo ako sa gilid ng kama at in-invite sa facetime ang kaibigan. I figured that if this is bothering me this much then maybe I just need someone to talk it over with.

"Baka naman stalker mo lang!" sagot ng bruha nang matapos ako.

"Stalker! Girl, kung nakita mo 'yung lalaki parang mga nasa forties siya. In short, matanda na!"

"So? Rhiannon, maraming matatandang mahilig sa mga bata." sabi niya habang patuloy sa inaatupag na manicure.

Natahimik akong napatitig sa screen kung saan kitang-kita ang baby pink niyang cuarto habang inaabala niya ang sarili sa mga kuko. I suddenly miss going to the salon and have my nails did.

"Paano mo naman nasabing stalker 'yun? Twice ko na siyang nakikita, 'va. Paano kung masamang tao 'yun?" Bumuga siya ng hangin at pairap na bumaling sa akin.

"Rhian, may stalker bang isang beses lang nang-stalk? Hello! Kung sino man 'yung kukunin na nu'n lahat ng opportunity para makita ka. Tingin ko rin 'di lang 'yan pangalawang beses. It could be more but you happened not to notice him! I mean, kung ako rin naman ba't ako magpapakita na minamatyagan kita, right?"

Napaisip ako roon at nagtindigan ang mga balahibo ko. Oh, my god. She's right. Paano kung matagal niya na pala akong pinagmamasdan sa malayo? Paano kung 'yung unang beses ko siyang nakita isa lang pala sa mga marami nang beses?

"Should.. I tell Gino?" muntik pa kong mautal roon.

"Should you? Rhian, ikaw ang girlfriend." sagot niya.

Binagsak ko ang sarili sa kama. Tumalbog ang kutson ko at nakita ko sa screen na nagkalat sa higaan ang mga hibla ng buhok ko. Namumutla yata labi ko ngayon.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now