Kabanata 29

2.1K 144 90
                                    

I find myself touching my lips this morning. What happened last night was surreal, it almost felt like a dream. Nakaligo na ako at nakapagbihis na rin pero hindi ko pa rin talaga makuhang paniwalaan ang kagabi, maski nang haplusin ko nga ang ibabang labi sa harap ng salamin para pa rin akong nagdududa sa nangyari. But seeing my lips today after putting on some lip tint, I suddenly remember how swollen it was last night. Napagtanto ko agad na hindi nga iyon panaginip. Naghalikan nga kami ni Gino kagabi.

He even bit my lower lip in between of our kisses! Nahiya pa ako nu'ng sandaling iyon lalo na nang ngumisi siya kasi napaungol ako bigla! I must've sounded like a slut!

I blushed. Bakit may tumakas sa bibig kong ganu'n? Hindi na bago sa akin ang pakikipaghalikan, pero kagabi talaga pakiramdam ko para akong unexperienced.

Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili, kinuha ko na ang sling bag at isinabit sa balikat. It seemed my attempt at composure was only for a short while. Pagkabukas ko kasi ng pinto, bumungad sa tapat si Gino.

"Oh," ang gulat ko.

Nakasandal siya sa kabilang pader ng pasilyo. Nakatingin paibaba habang nakatiklop naman ang mga matitikas na kamay sa harapan ng dibdib.

Hindi ko alam kung gaano siya katagal sa ganiyang puwesto, pero nang marinig nga ang boses ko nang paangatin niya ang ulo.

"Magandang umaga," bati niya sa baritono at ngumiti naman pagkatapos, kung kaya nagwala na naman ang mga paru-paro ko sa tiyan.

"Ba't ka nandyan?" tanong ko.

"Naghihintay sa 'yo."

"Ha?" kurap-mata ko.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya nang umayos sa pagkakasandal. Lumapit siya at nang huminto sa harapan ko nang mapansin ang parang pagod niyang mga mata. Nangunot agad ang noo ko.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko agad.

"Mga ilang oras lang." sagot niya.

Naawang ang bibig ko. "Ba't ka nagpuyat? Monday ngayon! Nawala sa isip mong may pasok tayo?"

Gino just continued smiling. Nagpamulsa pa siya ng magkabilang kamay sa pantalon. Reprimanding him this early wasn't right but I just cannot help it. Paano siya makakakinig ng mabuti sa klase?

Hindi ko rin alam kung paano niya nakukuhang ngumiti maski sinermonan ko siya!

"Ningingiti-ngiti mo?" tanong kong nakasimangot.

Sumaglit ang mga mata niya sa labi ko, tapos umangat rin para bumalik ng titig. Panandaliang nanginang ang mga mala-uling niyang mata.

"Naalala ko kasi uli 'yung kagabi natin. Ewan ko kung maniniwala ka, pero pinuyat ako ng halik mo. Ikaw at ikaw lang ang nasa isip ko kagabi habang nakahiga ako. Siguro kaya nawala rin sa isip ko na may pasok tayo ngayon. Dahil sa 'yo."

Nagawa pa kong idahilan ng damuhong ito? Nakatirik man ang isang kilay ko pero mas nangibabaw sa loob ko ang kagustuhang kiligin!

"Mahal kita," sabi niyang maaligasgas at tumingin sa pasilyo, bago ako patakan ng isang mabilisang halik sa labi.

Napapikit ako kasi akala ko uulitin niya na naman iyong kagabi; kaso hindi pala. Napadilat na uli ako sa mabilisang tagpo namin. Nakakahiya man pero parang naghangad pa ang bibig ko. Napakurap ang mga mata ko habang nakatuon sa kaniya. My mouth slightly open.

"Don't look at me like that, princess. Sh¡t," murang timpi niya bago tuluyang bumigay at gawin uli sa pangalawang beses ang kanina.

Mula sa tuktok ng ulo ko, marahan niyang pinadulas ang isang kamay sa buhok ko, papunta sa likuran ng leeg ko. Nang maramdaman ko ang magaspang niyang palad sa batok ko 'tsaka naman niya isinara ang kakarampot na espasyo sa pagitan namin.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon