Kabanata 8

1.6K 122 47
                                    

Papa did not know of my disappearance last night. Wala akong narinig na kumento habang kumakain kami, kinaumagahan. Hindi ko kasi siya nakita kaninang madaling araw kaya akala ko ngayon niya ko pagagalitan. Ngunit hindi.

Hindi nagsumbong si Gino? Bumaling ako sa harap. Bumagsak ang kilay ko nang makitang nakakamay na kumakain ang ampon. Pakiramdam ko kung wala si Papa rito'y iaangat niya pa ang isang paa sa upuan. Umirap na lang ako. These two are feasting themselves good breakfast of rice, bacon, and eggs. Samantalang ako? Nagpapakasasa sa white bread na isang araw na lang ang expiration!

"Gino, bukas sasama ka samin sa paaralan kaya gumising ka rin ng maaga." sabi ni Papa. "I enrolled you last week. Puwede ka na rin magsimula kaagad bukas."

"San, manong?" tanong ni Gino. Bastos talaga! Sumipa ako sa ilalim ng lamesa. Bumaling agad siya saakin, nagtataka.

"Parehas kayo ng papasukan ni Rhiannon. Dean kasi ang kaibigan ko ro'n." panunuloy naman ni Papa.

Pumintig ang mga tainga ko. "What? Ano ba naman 'yan hanggang sa school makikita ko pa rin—" angal ko sana ngunit natigilan nang may sumipa rin saakin sa ilalim.

Hindi ko na kailangang silipin kung sino. Tumingin ako sa harap. Tumango ang damuho!

"Ano 'yon, Rhiannon?" tanong ni Papa.

Nangangati man ang dila kong magsumbong sa kaniya kaso alam kong di naman ako nito papanigan. Higit pa, baka bumaliktad pa sitwasyon namin pag nagsumbong rin tong kalbong to!

"Nothing. I said, I can't wait for tomorrow." Huminga ako ng malalim at naiinis na humugot ng panibagong slice of bread.

I decided to search for my phone this afternoon kaso ang problema di ko naman makita. Paikot-ikot na ko sa puno ng mangga at panigurado pagtatawanan ako ng mga tauhan namin pag napansin ako. I mean, not that they can laugh infront of my face. Subukan lang nila. Pinag-igihan ko pa ang paghahanap kaso wala talaga. Napapakamot na lang ako ng ulo! Where did that freaking phone go?

Siguro nakita ng isa sa mga katulong namin at ibinigay kay Papa. Sa huli, sumuko na 'ko at nagpahinga sa duyan. Nakahiga kong tiningnan ang mga luntiang dahon ng punong mangga sa itaas. Sumisilip sa siwang ng mga to ang sinag ng araw. Paminsan-minsan, nakakarinig pa ako ng huni ng mga ibon.

Naantala ako sa pamamahinga nang makarinig ng ingay.

Bumangon ako. Tumingin ng diretso sa pinasadyang court ni Papa. Si Gino naglalaro ng basketball. Hindi ko na lang pinansin ang peste. Bumalik ako sa pagkakahiga at mariing pinikit ang mga mata. Naririnig ko pa rin ang dribble niya at tila tinatambol ang dalawang eardrums ko.

Bumangon na naman ako. "Hoy! Ano ba!"

Gino's about to shoot but stopped midway. Tumingin siya ng sideview. Wala yatang pakiramdam ang lalaking to at bumalik sa naudlot niyang pagshoot ng bola. Hindi siya tumigil nang pumasok ang tira. Nag-dribble ulit!

Nakakainis! "Gino!!"

"Ano?" tanong niya mula sa kinatatayuan.

"I'm resting here! Wag kang maingay!"

"Ha? Hindi naman ako nag-iingay. Ikaw 'yung biglang sumisigaw d'yan!" Tumirik ang malalago niyang kilay. Nakita ko iyon kahit nasa distansya siya.

I think I just heard something inside of me snapped. Pasensiya ko siguro!

"Naiistorbo ako sa bola mo! Maglaro ka nga ng di maingay?" sabi ko at pilit nilagyan ng pagtitimpi ang tono.

Tumigil nga siya sa pagdribble at inipit sa kanang parte ng baywang niya ang bola. Pagkatapos, "Saan ka nakakita ng dribble na di tumutunog?" aniya.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now