Kabanata 32

1.8K 124 42
                                    

Bumukas ang pintuan ko kinagabihan. Gino came in with his usual fresh white sando and checkered boxers. Nakapatong sa ulo ang isang asul na towel habang pinapatuyo ang kaniyang buhok.

Bumalik ako sa pag-cellphone. Bumaliktad rin ng higa at ngayon nasa direksyon na ng bintana ng cuarto. I just told him to not enter my room. It was his fault this happened. Bumuga ako ng hangin nang marinig ang mabibigat niyang hakbang papunta sa higaan ko. Umalon nga kalaunan ang malambot kong kutson.

I then heard his baritone voice. "Nakausap ko na si manang."

Panandalian akong tumigil sa pag-browse ng newsfeed.

"Hindi niya raw sasabihin kahit kanino 'yung tungkol satin," he continued reassuring me.

I was trying my best to distract myself from earlier. But the more I tend to divert my mind in that situation, the more I am thinking of that careless mistake. Maski ano tuloy ang sabihin ni Gino parang balewala sa akin kasi natatakot ako nab aka bukas ipaalam ito ni manang kay Papa, at ni Papa naman sa amin.

"Rhiannon," sa nangsusuyo niyang tono.

I sighed. Bakit ba ang hirap talaga magalit sa isang ito?

I was still holding to whatever was left on my anger as I faced him. Nakita ko nga siyang nakaupo sa gilid ng kama ko na nagmamakaawa ang mga mala-uling na mata, nakasimangot ang labi; at tuluyan nang nawala ang kakarampot kong inis. Napaangat na lang ako ng isang kilay.

"O?"

"Galit pa rin?" malungkot niyang tanong.

Matipid ang ngiti ko para hindi halatang hindi na ako inis. Hindi ko din naman kayang magalit sa kaniya ng matagal lalo pag naglalambing na siya ng ganiyan. Natutuwa lang ako sa naaabutan kong itsura ngayon ng damuho sa munti naming pagtatalo kanina.

Humarap na uli ako sa kabila kasi hindi ko na talaga kayang itago sa kaniya ang ngiti ko. Gino mistook it as one of my tantrums.

"Mahal, sorry na."

Hindi pa rin ako sumasagot. I heard him groan.

Umalon uli ang kutson bago ko naramdamang dumampi ang palad niya sa braso ko. Gino then shaked my arm gently as he appealed his sorry. Frustrated to my silence, he position himself on top of me.

Nataranta ako. "G-ginagawa mo?"

Nakakunot una ang noo niya hanggang sa nawala ito nang marahil nakita akong nangingiti. Nabura rin katagalan ang inis sa mga tingin.

"Ba't ganiyan itsura mo?" biro ko nang para siyang naguguluhan sa akin.

"Galit ka pa ba?"

"Tingin mo?" I smirked. Gino groaned.

His charcoal-black eyes scanned me. Naghahanap marahil ng mga senyales na galit pa rin ako sa kaniya. Bumuga siyang hangin pagkatapos at dumampi sa pang-amoy ko ang preskong hininga ni Gino.

"Sorry na. Wag ka nang magalit sakin, mahal. Nadala lang talaga ako kanina nu'ng sinagot mo ko. Nakausap ko na rin naman si manang. Hindi niya raw ipagsasabi sa iba," mahabang paliwanag ng damuho maski hindi ko naman inutos.

Natawa tuloy ako. "Hindi naman ako galit, eh. Sino bang nagsabi sayo, ha?"

Napakunot ang noo ni Gino. "Pinagtitripan mo lang ba ko?"

Natawa ako lalo. Nainis naman talaga ako sa kaniya kanina nu'ng nahuli kami ni manang sa kotse pero tulad nga ng isip ko napakahirap magkimkim ng galit kay Gino. Hindi niya rin naman ako masisisi sa pagiging topakin ko kasi nakakaansya kaya ang mga hormones!

"Masaya kang pinagtitripan boyfriend mo, hm?" tanong niyang may banta nang 'di pa rin ako tumitigil sa katatawa.

Naisipan ko ring huminto kalaunan at baka mapikon na si Gino. Naroon pa rin sa labi ko ang multo ng pagtawa.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now