Kabanata 7

1.4K 106 29
                                    

I decided to sneak out of our house on that very late night despite me being grounded by my father.

Maingat kong sinarado ang pintuan ng aking kuwarto para maiwasang gumawa ng anumang ingay. Tumingin naman ako sa pasilyo para tingnan kung may tao ngunit ang sumalubong lamang sa akin ay ang tahimik na daan.

Perfect.

Tumingkayad ako papunta sa kabilang kuwarto at pinuwesto ang isang tainga sa pinto. Wala akong marinig sa loob ng kuwarto ni Gino kundi ang mahinang ugong ng kaniyang aircon.

Hindi naman mahilig magpuyat si Papa kaya isang tao lang sa bahay ang kailangan kong suriin. Walang iba kundi si Gino. Hindi ko nga lang makumpirma kung tulog na ba ang damutong to pero wala naman akong marinig na ibang ingay. Whatever. Umalis na ko sa tapat ng silid niya kalaunan.

Ang mga wall lamps lang ang nagbibigay liwanag sa daan. Sumusunod ang anino ko sa aking paglakad. Pumanaog ako sa grand staircase at gaya rin ng pasilyo ay wala nang gaanong ilaw sa unang palapag. Wala nang ibang makikitang maliwanag kundi ang babasaging chandelier na nakasabit sa pinakaitaas.

Papunta na sana ako sa back door nang maisipan kong dumaan sa kitchen. Nakaisip ako bigla ng ireregalo kay Renzo. Wala man akong dalang motor pero may dala naman akong alak!

Tumungo ako roong nakangisi.

Papa collects expensive beverages. Marami siya rito sa tuktok ng bar counter at tingin ko naman kung pupuslit ako ng isa ay di niya mahahalata. I snatched the smallest bottle na kakasya sa aking sling bag.

Pumunta muna ako sa fridge at kumuha ng maiinom. Nauhaw ako bigla sa kagagáhan ko. Papunta na sana ako sa sink para ilagay ang napag-inumang baso kaso napatili ako nang makita ang bulto ng isang lalake. Nabitawan ko tuloy!

"Ano ba!" tili ko sa kung sinumang nakatayo sa may entrada.

"Ba't gising ka pa?" sagot ng pamilyar na boses. Tumitig ako ng maigi at naaninagan ko sa liwanag ng bintana ang mukha ni Gino. Oh, no!

Umupo agad ako para kunin ang mga bubog. "Ouch!"

The kitchen room suddenly illuminated. I made a loud gasp after seeing my bleeding finger. Gino's shadow enveloped my view.

"Putá."

Tumingala ako ng marahas nang marinig kong murahin niya ko, ngunit napagtanto kong mali ako nang makitang nakatingin siya sa hintuturo ko. Pumapalibot sa kaniyang maiitim na mga mata ang pag-aalala. Umupo siya malapit sa akin at namalayan ko na lang hawak niya na ang nasugatan kong daliri.

"Ouch! Stop!" protesta ko nang diinan niya to. Walang hiya!

"Wag kang makulit, pinapasirit ko yung dugo."

"For?" tanong kong iritable. Hindi niya ba alam na masakit ng ginagawa niya!

"Hinihintay kong lumabas yung pari." ani Gino.

Tumingin ako ng masama.

Tumawa siya ng mahina. "Tinitingnan ko baka may sumalubsob na bubog."

Gino examined my index finger patiently. Panaka-naka niyang pinipisil to at sa tuwing dumadaing ako ay niluluwagan niya. Hindi na ko umangal dahil una, hawak niya ang daliri ko at siguradong paiiyakin ako ng kalbong to pag naging matabas ang aking dila; pangalawa, mukha namang alam niya ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa dugo pero nahuli ko na lang ang sariling pinagmamasdan siya.

Gino had thick eyebrows and eyelashes girls would envy. Napakatangos ng kaniyang ilong. Wala siyang balbas pero mayroong bigote. Hindi lang to pansin dahil bagong ahit. His lips were thin, natural, and somewhat dry.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now