Kabanata 49

2.2K 152 91
                                    

"Sa'n ka nagpunta, hm? Pinaghanap mo ko." ismid ni Gino.

His branded black polo t-shirt reeked of masculine perfume and strong liquor. Hindi pa man din ako nakakasagot sa kaniya nang ipulupot niya na uli ang mga bisig niya sa baywang ko. Gino pulled me in closer.

"Ha? Saan?" tanong niya habang nakatuon pa rin ang mga namumulang mata sa akin.

Mabigat ang katawan niya at dahil nakayakap siya sa akin minsan gumegewang kaming dalawa. I bit my lip hard enough that I can almost taste metallic copper in it. Gusto ko siyang pagalitan pero pinigilan ko ang sarili ko.

Bakit nandito si Gino? Sino ang kasama niya rito?

"B-babe."

Bumaling kami ni Gino sa kakalapit lang na si Sage. Nakaakap pa rin si Gino sa akin at para tuloy kaming naglalandian. Normal ang mga ganito sa ganitong uri ng lugar. Hindi kayo papakialam ng ibang tao maski halos magkiskisan na ang mga katawan niyo. There will be occasional glances but people won't still give a damn.

But like Gino & me, Sage & I weren't strangers. Hinawakan niya ako sa siko at hinila palayo sa mga bisig ni Gino. Hindi ko naramdaman o narinig na umimik si Gino ngunit nang balingan ko siya tila nabigla siya sa nangyari.

"Ok ka lang ba, babe?" tanong agad ni Sage.

She's sober now. She was even on the act and for some reason, I feel pissed. Nagpapasalamat dapat ako sa kaniya pero pakiramdam ko rin parang hindi dapat. Nagmumulto pa rin ang yakap ni Gino sa katawan ko maski tapos na iyon.

"Hm." Tumango na lang ako. Umismid naman si Sage at bumaling siya sa gilid para tumango ng maangas.

"The fuck are you doing? This is my girlfriend." sabi niya.

"Sage." tawag kong nakabagsak ang mga kilay.

Parati namang ginagawa ito ni Sage tuwing may sa amin, pero ngayon parang na-ilang ako sa kaniya nang narinig ko iyon. Sinita ko uli siya pero nagpatuloy pa rin ang bruha. Tinutukan niya pa ng daliri si Gino maski mas matangkad ang binata sa aming dalawa. Oh, god.

"Go find someone else! She's my girlfriend," dugtong ni Sage na halos ipagdukdukan na ang isang salitang iyon.

Napairap ako at dumapo ang tingin ko sa kay Gino. Sumalubong agad sa akin ang madilim na titig niya at sa kada banggit pa ni Sage ng girlfriend lalo pang dumidilim iyon. Nagtindigan agad ang mga balahibo ko! Fuck!

"Joaquin!"

Lumipat ang tingin ko sa kararating lang na lalaki. Nakaismid itong huminto sa gilid ni Gino. The stranger gave a somewhat casanova vibes judging from his appearance. Nakaipit ng man bun ang mahaba nitong buhok at nakasuot ng itim na muscle tee. Matangkad rin at tila ka-edaran lang ni Gino.

"Sa'n ka ba nagpupunta ha? Gago ka hinahanap ka na ni Zyra!" banggit niya.

Sino?

Namilipit ang puso ko roon. Napatingin agad ako sa kinatatayuan ni Gino. Nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Tara na! Malapit na silang malasing. Mamaya ka na umeskapo pag natikman na natin sila ng bestfriend niya!" Tumatawang ani ng lalaki atsaka siya inakbayan.

Nakaramdaman ako ng kakaibang lamig sa tyan ko. Nanatili sa kinatatayuan ni si Gino. Nakatitig pa rin sa akin maski ilang ulit na siyang tinatawag at yinuyugyog ng kasama niya.

"Tinitingin-tingin mo pa rito ha? Gusto mo ba talaga ng gulo? Umalis ka na!" ani naman ni Sage.

Naputol ang titig ni Gino sa akin. Nalipat ang tingin niya sa kay Sage at nakita ko ang mabilis na pagdapo ng inis sa mga mala-uling niyang mata. Sumugod bigla si Gino! Tumili roon si Sage!

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now