Kabanata 57

1.6K 97 25
                                    

Spending my time here in this penthouse, and listening to the stories of my bestfriend, I figured a lot can really happen in a span of five years. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang sumagi sa isip ko ito pero talagang napangalagaan ng mabuti ng mga Fuego ang ciudad na ito. Lalo na ni Joaquin. Ang sabi ni Ava nagsimula talagang maging progresibo ang San Bartolome mula nang maupo nang mayor si Joaquin. Dahil doon madami rin ang nagsasabi na isa siya sa pinakamagaling na mayor na naupo sa bayan nila. At gustuhin ko mang ipagdamot sa sarili ko ang bagay na iyon pero kitang-kita ko sa balkonahe ng penthouse kung gaano na nga kalayo ang narating ng San Bartolome. From a simple, plain and quiet town to a progressive place booming with businesses and residential houses.

Isa pa sa mga napag-kuwentuhan naming magkaibigan ang mga unang linggo ng pag-alis ko. Naging topic pala ako ng mga tsismosa sa school. Natapos na raw kasi ang immersion ng batch namin pero ako na lang daw ang hindi pa pumapasok. Lumala pa raw ang issue matapos mapansin ng mga classmates namin na tahimik ang faculty tungkol doon. Hindi raw kilala ni Ava kung sinong nagpakalat ng tsismis pero nagkaroon din daw ng usap-usapan na lumayas raw ako kasi hindi matanggap ni Papa si Renzo. Pansin daw kasi ng ibang batchmate namin na mula nung mag-immersion naging mailap na kami sa isa't isa.

Napangiwi ako sa narinig ko. Really now. Nagpabaril na lang pala sana talaga ako kung ganoon pala magiging tsismis sa school. I rolled my eyes.

Pumunta na ng Hong Kong si Ava pagka-graduate kaya raw nawalan na siya ng balita. Doon na siya nag-college at paminsan-minsan lang daw siyang bumabalik sa Pilipinas—isa na raw roon noong naibalita sa kanila ang nangyari sakin.

"Hindi mo alam kung anong iyak ko nung nalaman ko! Nasa eroplano pa lang ako pero humahagulhol na ko. Bakla ka muntikan na kong ireklamo ng katabi ko nu'n. Economy class ang sinakyan ko kasi nga biglaan ang book ko!" Hampas niya sa hita ko. Her face pictured shame and relief. Siguro kasi naalala niya ang eksena niya sa sinasabing eroplano tapos ngayon naman nakita niya na ulit ako.

"Don't blame me! Hindi ko alam na ganu'n pala ipapalabas nilang mag-ama." Bitterness dripping in my tone. Sumagi kasi sa isip ko na imbis na hanapin ako ng dalawa mas pinili nilang ipagsabi na... patay na... ako. Because they have planned it all along just what my daddy told me. The Fuegos are murderers. Sila ang totoong mga mamamatay-tao at hindi kami.

But... what if they did make the effort of locating me? Hirap lang sila talagang makita ako kasi nasa timog ako at nagtatago. Hiding myself after that incident became so easy because my father had someone in the government to fabricate my documents and my name be changed. Si Rhiannon Fuego na kilala rito sa San Bartolome ay patay na pero ang Chandria Salvador na kilala sa Rosario ay buhay na buhay.

I smiled bitterly. Tama iyan, Chandria. Gaslight-in mo na naman ang sarili mo tapos ipapahamak ka na naman ng mga Fuego.

"Siguro nga kaya ako kinadena ni Joaquin kasi natatakot siyang ibunyag ko sa publiko ang ginawa niya. Five years ago the now respected mayor failed to dispose me and is now afraid of his own ghost." Sabi ko kay Ava. Pumilig pa-kanan ang ulo niya na tila ba hindi niya iyon naintindihan.

"Sana hindi ka magalit sakin for telling my side, ha? Pero tingin ko wala namang kinalaman si Gino, Rhian. Hindi niya magagawa 'yon lalo na sayo. Hindi naman ganu'n pagkakakilala natin sa kaniya, right?" Sagot ni Ava tsaka nagsalin ng champagne sa sarili niyang kopito. Sumimsim siya pagkatapos.

"Pati ba naman ikaw napaniwala niyang mabait siya." I commented. I cannot digest how Joaquin would really go that low and fool my bestfriend, too. Pati ba naman si Ava. Para lang manatiling malinis ang pangalan nila.

"Girl, have you been brainwashed or something? Gagá ka kung nakita mo 'yung tao. It's like a big part of his life has been snatched after you've gone missing. Maniwala ka. I saw it firsthand." Ani Ava. Dahan-dahan niyang binaba ang ininumang stem glass sa tabi ng sakin. Hindi ko pa nauubos ang champagne ko at nasa kalahati pa din. I just don't feel like drinking while having this talk.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now