Kabanata 53

2.5K 164 63
                                    

"Excuse me, miss. What are you doing?" tanong agad ng babaeng boses sa kanan namin ni Joaquin.

Instead of answering her question, nor giving her the satisfaction of an attention, I kept my eyes focused on this handsome bastard people call the mayor.

How breathtaking his features are up close and personal compared from the distance. His eyes became much darker unlike the last time I remember it; giving me that dangerous impression that pierced my soul. His pointed nose still arrogant as ever. His jaws were strong and that five o'clock shadow gave a big amount of masculinity. Natutukso akong idampi ang palad ko sa bagong-ahit na tubo ng balbas niya. Napigilan lamang ako nang naisip kong baka ganu'n ang ginagawa ng babae niya sa kaniya pag sila lang dalawa. Namilipit ang nagliliyab kong puso.

Fuck you, Joaquin.

"Miss, tinatanong kita kung anong ginagawa mo sa boyfriend ko." tanong uli ng babae bago mahigpit na humawak sa kanan kong siko.

Tumingin ako dahil roon. Nahinto siya sa ginagawang paghila sa siko ko nang napansin ang talim ng titig ko sa kaniya. She held her breath and her eyes effortlessly gave me the impression of shock and fear.

Bitch, huwag kang masali-sali sa away namin; sa aming dalawa lang ito!

Nanatili ang mga mata ko sa babae ni Joaquin kung kaya napayuko ito ng kaunti na parang napagalitang aso. Naiinis ako sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niya o dahil sa ginawa niyang paghila sana sa akin. I hate her. That's for sure.

Nagmamaldita pa rin sa babae niya, nakaramdam ako kalaunan ng magaspang na palad. Dumapo iyon sa tuktok isang kamay ko at humawak ng malambing roon. Natigilan ako. Mainit ang pakiramdam ng magaspang niyang palad ngunit salungat namang nag-yelo ang mga kamay ko lalo na nang pisilin niya iyon.

"Rhian." bulong niya sa baritono.

I froze.

"There you are, hija! Ah, I was searching all over the place for you!" rinig ko sa pamilyar na boses ni Tito Romualdo.

Umayos agad ako ng tindig at natauhan. Inalis ko ang pagkakapulupot ng mga kamay sa kay Joaquin pero bago iyon, hinigpitan niya ang hawak sa akin na para bang pinipigilan ako. Sinundan niya ako ng tingin. Pinigtas ko agad ang tinginan namin at binalingan na ngayon ang papalapit na sa aming si Tito Romualdo. The table's spotlight of attention was all on tito now.

"Goodness, you had me worried. Pumunta ako sa mesa ng mga kakilala natin tapos pagkabalik ko bigla kang nawala," bungad ni tito na parang alang ibang nakakarinig sa amin.

"Tito Romualdo," tawag ko naman.

Everything here was part of our plan. Pupunta nga ako rito sa kanila Joaquin at maya-maya lalapit din si tito sa akin kunwaring naghahanap. Pangit nga naman kasi kung lalapit lang kami sa mesa nila at magpapakilala. Tito Romualdo wanted something extra and right now, I can say that this is an effective introduction.

"I am supposed to be introducing you to a few acquaintances." sabi ni tito sa akin at bumaling sa mesa kung saan nakaupo ang grupo nina Joaquin. "But it seems you already found yourself in the presence of our dearest friends." dugtong ni tito habang nakatingin pa rin sa kanila.

"Romualdo." The former vice-mayor was the first to break the silence and speak. Tito Romualdo smiled.

"Laurencio. Oh, it's so nice to see you for god-knows-how-many-years long." 

"What are you doing here?" tanong nito ng seryoso sa kay tito.

"Hindi ba sinabi sayo ni Lawrence? Your son invited our presence here in this celebration." Tumirik ang parehong kilay ni Tito Romualdo at bumaling sa kinauupuan ng binanggit. Bumuntot naman ang mga mata nila sa vice-mayor. Joaquin was an exception. He kept his eyes staring at me as if he had his own world.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon