Kabanata 22

1.8K 136 38
                                    

Nagising ako sa mahinang yugyog sa aking balikat.

"Ma'am," tawag ng isang boses.

Napaungol ako at nabubugnot na nagkamot ng ulo. Hindi pa rin ako dumilat. Mas pinili kong matulog. Humarap ako sa kabila na para bang matitigil na nito ang paggising sa akin ng kung sino. Ngunit hindi.

"Ma'am, bangon na po. Nakaalis na kanina pa sina mayor," sabi nito at naalimpungatan ako bigla sa pagbanggit kay Papa.

Nagkusot ako ng mga mata nang makabangon at ang unang bumungad sa paningin ko ang wall mount naming television. Napakurap tuloy ako ng mga mata.

Paano? I asked but then I remembered last night. Nakatulog na pala ako sa sofa kakaiyak.

"Naparami ho yata kayo ng inom ni Sir Gino," sabi ni manang kaya napabaling naman ako sa kaniya, isa-isa niyang nililikom ang mga lata ng beer na nasa ibabaw ng coffee table.

Saan nanggaling ang mga iyan? I didn't drink last night. I know I didn't. I can't even remember anything aside from crying myself to sleep, but as if something wanted to prove that what I've heard was right. Dumulas sa balikat ko ang kumot na nakaakap sa akin. Sumunod ako ng tingin roon at mabilis na kumalabog ang dibdib nang mapamilyaran kung kanino iyon.

Was this..

"Girlfriend niya po ba 'yung bumisita kahapon?" Tanong ni Manang. Bumalik ako ng tingin sa kaniya at umiling nang alinlangan.

"H-hindi." Sagot ko pero agad na nanumbalik sa pandinig ko ang ungol ng isang babae. Napunit yata ang puso ko. Ulit. "Hindi ko alam, manang."

Stephanie had a boyfriend—iyong marine student na bumugbog sa akin. Our class knew that pathetic meathead. Lagi niya kasing hinahatid ang girlfriend niya sa klase. Kaya nga hindi ko maisip na magagawa nilang dalawa iyon kagabi. Or maybe manang was right?

Gino and Stephanie probably had something going on with each other. Secretly perhaps. Nalungkot ako nang maisip iyon. Nagduda na rin sa ginawang pagtanggol sa akin ni Gino noon. Siguro hindi naman talaga ako ang rason niya noong nakaraan at baka kaya siya nakipagsuntukan kasi nga karibal niya 'yun sa sikretong relasyon nila ni Stephanie.

"Ba't mo naman natanong manang?" I asked. Bumaling ito ng isang beses sa akin bago ibinalik ang atensiyon sa mga kalat.

"Hindi po ba nabanggit sa iyo ni sir? Nag-away silang dalawa kagabi. Nagising kami nu'ng hating gabi kasi nagsisisigaw 'yung classmate niyo. Namumula ang mukha sa galit at kulang na lang umusok ang mga tainga. Naku, kala nga po namin magigising pa si mayor!"

Napakurap ang mga mata ko. Stephanie got mad at Gino?

"Bakit raw?"

"Hindi ko po alam. Bumalik na kasi ako sa cuarto namin pagkatapos lumayas ng classmate niyo, tapos nang maalimpungatan naman ako para umihi naabutan ko na kayong umiinom ni sir."

"Huh?"

"Siguro alas-dos na po iyon. Nandyan po siya sa gilid n'yo. Nakaupo sa carpet. Nakatulog ka na po nu'n, ma'am."

"Hindi ako uminom, manang." iling ko.

Uminom kami ni Gino? Uminom kaming dalawa kagabi? Wala naman akong matandaan!

"Nauna na po kasi kayong tamaan ng alak kaya baka 'di niyo na maalala, pero magkasama po talaga kayo kaninang madaling araw." Pamimilit pa rin niya. I groaned. Hindi nga ako sinabing uminom!

Bumaba ang tingin ni manang papunta sa kumot na nakatalukbong sa mga hita ko. Tumulis ang nguso niya rito.

"Si sir nga po nakisuyong kunin 'yang reserbang kumot sa cuarto niya, eh. Gigisingin na lang po dapat kita kaso sabi n'ya 'wag na. Mas gusto raw n'yang kasama ka."

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now