Kabanata 11

1.8K 119 63
                                    

Nandoon nga siya, nakatayo sa tapat ng classroom namin, nag-aabang.

I remember a quote before that distancing has three reasons: one, either you hate that person; two, you want to move on, or; three, you're afraid to fall in love again.

Hindi ako naniniwala dati sa mga ganiyan pero ngayon, nang makita ko siya, puwede na kong maging testimonya. Hindi ko nga lang alam kung alin sa tatlong iyan ang papatunayan kong tama—at natatakot ako dahil sa sulok ng isip ko alam kong mayroon diyang totoo.

Renzo was really there wearing his usual red varsity jacket and black backpack. We stopped seeing each other and the sight of him stirred my emotions on the spot. He did something foul to me. He lied about being single and almost raped me. I hate him for it but seeing him now after so many days made my mind go irrational all of a sudden.

Gusto ko siyang kausapin, pero gusto ko rin siyang sampalin. Gusto ko siyang yakapin, kaso gusto ko rin siyang tadyakan.

I don't know.. I just.. jusko!

Tumungo siya palapit sa amin ni Gino. "Baby."

Nangarera ang puso ko at para yatang kakapusin ako ng hininga. Hindi ko lang pinapahalata sa dalawang binatang ito pero natataranta ako!

Naiinis man ako sa binatang kasama ko pero sa pagkakataong iyon nagpapasalamat ako sa mahigpit na hawak niya na tila pinipigilan akong kumilos; dahil kung hindi baka nauna pa kong sumalubong sa lalaking nasa harapan naming dalawa.

Tumigil si Renzo sa harap namin; sa harap ko. "Hey. How are you? It's been days."

Pumasada lamang ako ng tingin at sa mga saglit na iyon may sumigaw sa isip kong kumawala sa bisig ni Gino!

Bakit iba naman ang dikta ng puso ko na tila panatag sa presensiya nito?

Gino must have sensed my discomfort. Humigpit lalo ang hawak niya sa akin. Dumikit lalo ang katawan ko sa kaniya at kung maaari lang siguro baka itago niya pa ko sa kili-kili niya. Gino's manly deodorant invaded my sense of smell.

"Bakit anong kailangan mo?" rinig kong tanong niya ng baritono.

Bumaling sa kaniya si Renzo na tila nag-iingat. "I just wanted to talk."

"Talk."

"I meant the two of us," Tumingin sa akin si Renzo, "Dalawa lang kami ni Rhiannon."

Malalim ang naging paghinga ni Gino at naramdaman ko iyon dahil sa pagiging magkadikit namin. Walang pasabi'y tinangay niya ko sa sulok at hinarap sa kaniya. Namalayan ko na lang ang sariling nakatingin sa mga itim niyang mata.

"Gusto mong pagbigyan?" tanong niya.

"H-hindi ko alam, Gino. What will I tell him? Hindi na kami nag-uusap." Walang kasinungalingan sa siwalat kong iyon. Gusto ng utak ko pero sadyang iba ang sigaw ng puso ko!

Pumikit siya ng mariin at hinagod ang semi-kalbo niyang ulo. Tapos, "Makipaghiwalay ka."

"Renzo's not my boyfriend."

Bumagsak ang kilay niya. "Ano?"

"We're just dating. We're not in a relationship kaya paano ko siya hihiwalayan?"

"Hindi totoo ang sinabi mo sa akin noon?" tanong niya na tila naiinis at nagkokondena—ngunit sa mga sandali ring iyon nang masilayan ko ang panandaliang panginginang ng mga mata niya.

"I had my reason last time. Gusto kong malaman kung sinusumbong mo ko kay Papa. I mean, oo na nagsinungaling na ko. I just hate you kasi. Sorry—"

"Siya naman mahal mo?"

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now