Kabanata 58

2.5K 123 58
                                    

Mabilis akong pumiglas sa pagkakayakap ko kay Joaquin. Namumula ang mukha ng tito niya sa matinding galit. Nang makita ko ang tito niya parang gusto ko nang umalis. Pero dahil hawak pa rin ako ni Joaquin, na nagulat rin sa pag-singhal ng tito niya, kaya bigo akong makaalis doon. Dumikit na lang ako sa kaniya at nagtago sa likuran nang makitang papalapit na si Tito Johan samin.

"Tito." Bati ni Joaquin.

Huminto ang mabibigat na hakbang nang makalapit samin pero imbis na boses ng tito niya ang narinig ko, isang malutong na sampal ang bumulabog sa dome. I gasped.

Tumingala ako at nakita ko ang pag-baling ng ulo ni Joaquin sa kanan nang sampalin nga siya ni Tito Johan. The sight of it made me froze. Oh, my.

"Such a disgrace that you are, Joaquin! Anong katarantaduhan iyon, ha? Tell me!" Tito Johan roared.

"Tito –" Joaquin tried to reason but his uncle immediately stopped him. Dumagundong ulit ang galit na boses ni Tito Johan sa paligid.

"Gumastos ng malaki ang mga Garcia para rito tapos ganoon ang gagawin mo! Mag-aanunsyo ka sa harap ng mga kakilala nila na hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Lana? What has gotten into your senses, huh? YOU EMBARASSED THE WOMAN AND HER FAMILY!"

Hindi man ako ang binubulyawan ni Tito Johan pero napapapitlag ako sa lakas ng boses nito. Hindi masukat ang kalabog ng puso ko sa matinding takot. Luminga ako sa likuran namin at napansin ko sa hindi kalayuan ang ilang mga staff nitong country club na nakamasid samin. Nagbubulungan sila at kahit hindi ko man marinig kung ano iyon, nababatid kong kami ang pinag-uusapan nila.

Tito Johan is creating a scene! The mayor of this city is getting reprimanded and I don't even know if that isn't shameful enough. Hindi ko alam kung paano ko patitigilin ang tito niya dahil natatakot ako. Sa lahat ba naman ng pupuwedeng lugar!

Nahagip ko sa sulok ng paningin ang pagkislap ng isang bagay. Gumawi ako roon at nakita ko ang isa sa mga press na kinuhaan kaming tatlo ng litrato. Nakayuko nitong ni-inspect ang kuha niya sa camera. Napangiti ito pagkatapos. I bit my lip. Sh¡t, Chandria.

"Please respect my decision, Tito Johan. Lalo lang mapapahiya ang pamilya ni Lana pag pumalya ang kasal namin katagalan. Hindi ko siya mahal at hindi siya ang nakikita kong mapapangasawa." Sagot ni Joaquin.

Sumilip ako at nakita kong namaang ang tito niya sa sagot ni Joaquin. Panandalian siyang natahimik bago pagak na napatawa. The echoes of his laughter implied as if Joaquin is out of his mind for choosing not to marry that woman.

"Hindi mo naman kailangang mahalin agad siya, hijo. Nalimutan mo na ba ang payo ko sayo noon? Natututunan ang pagmamahal, Joaquin. Natuturuan ang puso. Panahon ang magiging investment mo. Take me and your tita for example."

Paulit-ulit na umiling-iling si Tito Johan. Pumameywang siya pagkatapos at lalong pinukol ang atensyon kay Joaquin.

"Your tita & I got married for the sake of their businesses. One can tell it was a marriage of convenience. Her father wanted her to marry someone influential and I happened to be the suited bachelor. Hindi man ako mahal ng tita mo nung una pero tingnan mo kami ngayon, masaya naman kami. Maayos naman kaming nagsasama. Mahal namin ang isa't isa maski hindi ganoon iyon nung umpisa."

I listened carefully and tried digesting that one part but it only made my feelings turn sour. Siya pala. Si Tito Johan pala. Siya pala ang pasimuno at nag-udyok kay Joaquin na pumasok sa ganoong sitwasyon. I should've known.

Hindi naman si Papa ang magkukumbinsi kay Joaquin sa ganitong kahibangan. He is no businessman. His older brother is. Si Tito Johan lang ang nagkaroon ng hilig sa mga negosyo pagkatapos maging mayor, at normal lang sa mga kagaya niyang negosyante ang mga arranged marriage.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now