Kabanata 52

2K 152 83
                                    

Gaya ng sinabi ko sa kay Sandro kagabi, nag-update ako sa kaniya nang nakakuha na ako ng room. Nag-book ako ng isa para sa akin pagkatapos ng isa pa para naman roon sa dalawa. Bago iyon, nag-request ako sa staff na kung puwedeng magkasunod ang room na ibigay sa amin. Hindi ko na sinabi kung anong dahilan pero less hassle kasi para sa amin iyon at kung may mangyari man nandoon lang sila Bernardo at Ronnie sa kasunod na cuarto. The staff listened to my demand that made her earn my thanks. I mentally noted myself to e-mail them a good review afterwards.

Eight pa naman magsisimula ang event kaya nagbabad muna ako sa tub. I think I needed this. Hindi na kasi kumalma ang puso ko mula nang makita ko kanina ang pagdaan ng kotse ni Joaquin.

Formal event ang mangyayari kaya puro mga naka-suit at naka-dress ang suot ng mga guests roon. I have plenty of dresses for that kind of functions but I only opted bringing two of my most favorites. Iyong isa ay iniregalo sa akin ng renowned fashion designer nung nanalo ako sa Thailand, habang ang isa naman nabili ko sa isang luxury boutique sa NY nung nag-celebrate ng twenty-fourth birthday si Orianne.

I chose to wear the latter. Pang-kontesera kasi ang dating nung sa fashion designer at baka isipin naman ng mga guests nagpunta ako para humakot ng korona. I giggled at that.

Nag-blower muna ako bago nagsimula sa makeup. I lathered some red lipstick, mascara, and a few application of foundation that matched well with my fair skintone. Nagsuot ako ng mga alahas pagkatapos: isang pares ng golden earrings at necklace. I skipped wearing bracelets because those are traumatic. 

Pumunta ako sa bathroom at kumuha ng litrato sa salamin nang tanungin ako nina Orianne kung ano ang isinuot ko. High heels are a must on every beauty pageants. Sanay na sanay na akong magsuot ng mga pamatay na takong kaya na-emphasize sa slit ng navy-blue dress ko ang mahaba kong binti. I took a mirror shot first before bending over to have a seductive selfie.

Sage: *several clapping emojis*

Orianne: OMG! Our BBG so fine!

Tristan: Tangina! @sandro tumutuwad si @ria ba't naman ganu'n? Deleted na po sa akin baka magalit si senator

Nag-haha kaming tatlo nina Orianne at Sage sa message ni Tristan pero nang-seen lang si Sandro. Nagtatampo pa rin siguro.

Sage: Snubber mo naman @sandro

Tristan: Nagj*j*k*l

Namilog ang mga mata ko! Napaka-gago talaga nito ni Tristan! Nabasa ko iyon bago niya pa i-remove!

Me: Gtg na, guys!

Orianne: Go slay, ok?

Me: Ofc, sis!

The three of them continued exchanging usual messages on our group chat. Nagsuklay na lamang ako ng buhok at ipinuwesto ko iyon sa kanan kong balikat. Na-lantad sa ayos ng buhok ko ang kaliwa kong balikat, tainga, at earring. Orianne need not to remind me because that is what I will be doing for tonight. 

I smirked.

Paluluwain ko mga mata mo ngayong gabi, Joaquin!

Tito Romualdo arrived at the country club a couple of minutes before me. Bumaba agad ako sa kotse nang pagbuksan ako ni Bernardo at kaagad kong ginawa ay hanapin ang pamilyar na bulto ni tito.

Base sa mga naka-parke na kotse, marami nang nasa loob ng event space. I spotted some journalists and a few photographers adjacent to the entrance. Umikot agad ng paitaas ang mga mata ko.

"Hija." tawag ng isang pamilyar na boses sa hindi kalayuan.

I craned my neck towards that direction and there, I saw Tito Romualdo in a classic black suit & tie, approaching me. I smiled and hugged him as soon as he neared.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang