Kabanata 59

821 59 16
                                    

It's been a week and a day now since Joaquin had me in his mansion. And as my stay here continues to grow longer, the more I am finding myself getting familiar with this big old house again.

I can feel my heart gladly accepting this familiarity. Nasasanay na ito ulit sa pamilyaridad ng kung ano bang buhay ang mayroon ako dati noong nasa puder pa ako ng mga Fuego. Bilang isa ring Fuego. Bilang si Rhiannon Engres Fuego. Ang malditang anak ng ngayo'y yumaong mayor. Ang nag-iisang anak. Ang ampon.

Natutuwa ang puso ko dahil ito naman talaga ang buhay na mayroon ako bago pa mangyari ang lahat. Dahil dito talaga ako. Kasama ni Gino. Kasama ni Joaquin.

Gustuhin ko mang paniwalaan ng buo ang dinidikta ng puso ko ngunit mayroon namang katotohanan na nagsusumiksik sa aking isip. That the life I had here ended five years ago. That I must face and accept the new life I have that has been given to me by my father. Rhiannon is long gone and dead. But Chandria is here and thriving. That is one of the many truths that I need to accept.

Hindi na ako isang Fuego. Mali, hindi ako isang Fuego. Isa akong Salvador. At iyon ang nararapat. At iyon ang dapat. At iyon ang isa pa sa mga katotohanan na kailangan kong lunukin. I have a life back there in Batangas. I have a father who is waiting for me. I have friends who will be looking for me. And I need to go back.

Huminto ang pag-ulan ng tubig mula sa shower nang pihitin ko na pabalik ang trim. Tahimik lang ako kanina pa habang naliligo at ngayong tumigil na ang pagbuhos sa shower, rinig na rinig ko ang bawat pagtulo ng tubig sa mga dulo ng buhok ko. Nag-iisip ako ng mabuti. Hindi ko alam kung puso ko ba o isip ang dapat kong pakinggan at kung sakali man na piliin ko ang huli, hindi ko alam kung paano o ano ang sasabihin ko kay Joaquin.

Uuwi na ako, Joaquin. Babalik na ko sa amin.

I groaned. Alam kong iyon na ang pinakamadaling rason na puwede kong sabihin sa kaniya. At iyon din naman kasi ang totoo. Uuwi na ako samin dahil hinihintay nila ako. Si Sandro. Si Tito Romualdo. Sina Sage, Orianne, Tristan. At higit sa kanilang lahat, si daddy.

Nangilabutan ako. Hindi ko alam kung dahil natutuyuan na siguro ang katawan ko o talagang nilamig lang ako nang sumagi sa isip ko si daddy. Hindi ko man alam ang ginagawa niya ngayon pero batid kong galit siya. Walong araw na akong nandito sa San Bartolome. Walong araw na kong hindi man lang sila cinocontact. At walong araw na rin akong namamalagi sa mansyon ng mga Fuego.

Gaya pa naman ni Tito Johan pagdating sa aming mga Salvador, galit na galit din ang daddy pag tungkol sa mga Fuego. Alam kong nakarating na sa kaniya ang sitwasyon ko. Ang tagal na ng pamamalagi ko rito para hindi pa niya malaman iyon. Bernardo, or even Ronnie, might have gone back to Batangas to report it and sought his help.

I blinked.

Bakit nga parang wala pang ginagawang aksyon si daddy? O kung kaya'y si Bernard? Disiplinado ang lalaking iyon at hindi mabigat sa kaniya ang magmatyag. Sundalo siya noon at sanay siya sa mga ganoong bagay. Oportunidad na niya sanang kunin ako nung pumunta ako kanila Ava nang payagan ako ni Joaquin. Dalawa lang sa mga tauhan ni Joaquin ang nagbabantay sa akin at higit sa lahat, wala si Joaquin sa paligid ko dahil okupado siya noon sa meeting. Pero maski anino ni Bernard noong araw na iyon, wala.

Hindi kaya patay na nga si Bernard?

Napatakip ako ng bibig ko. Naisip kong malaki ang tsansang tama ako at kung sakali ngang totoo, nagsinungaling din si Joaquin sa akin. Si Bernardo ang isa sa mga pinakamaaasahan ni daddy sa mga tauhan niya. Sanay iyon sa mga karahasan at hindi iyon mag-aalinlangang gumamit ng dahas kung kinakailangan. Isang malaking problema si Bernardo para kay Joaquin kung hindi niya iyon tinugis. Bernardo will literally do anything to get me back because my safety is one of my father's most absolute orders for him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now