Kabanata 47

1.6K 129 61
                                    

Uninterrupted flashes of cameras overwhelmed me as Sandro & I walked our way out of the Senate building. Numerous media journalists can be seen from left to right, giving our securities a hard job to provide space as we exit. Microphones, voice recorders, and everything similar were all aimed towards our direction; waiting to capture comments of my boyfriend regarding the just happened house hearing.

"Senator! Senator," habol ng isang babaeng journalist sa kay Sandro.

Huminto kami nang humarang ito sa daan. Securities were quick to call out the female journalist from coming any closer. Hindi nga lang nu'n natigil ang pagdumog ng iba pang journalists papunta sa amin.

"Senator Calderon, ano po ang kumento niyo sa hindi pagsipot ni chairman sa kaniyang probe ukol sa alegasyon ng tinatago niyang yaman sa isang maliit na banko?"

Tumikas ng tindig si Sandro. Bumaling ang mga mata niya sa akin bago niya sila sinagot.

"The house already expected his no show. Maski nakuha niya ang imbitasyon namin na pinadala sa mga bahay niya, hindi na kami nakatanggap ng tugon o abiso galing sa kaniya. Ayon sa isang relative niya, may malaking pera itong si chairman na galing sa kataka-takang gawain. Hindi niya iyon dineklara sa kaniyang SALN. For now, we will be studying if the issuance of a subpoena will be required."

Tumango ang ilang journalists sa sagot niya habang ang iba naman nagsulat sa mga dala nilang notepad. It was a long but direct answer. Typical of the famed young senator. But the journalists crave for more. Humarap naman sa iba si Sandro nang pasundan siya ng mga katanungan nila.

The journalists bombarded him questions of political issues. I sighed. This is one of the many reasons I hate spectating his sessions. Parati na lang siyang kinukuyog ng mga journalists pagkatapos.

"I believe that is all I can say for now. I will no longer entertain questions. Now, if you will excuse us," paalam ni Sandro sa kanila bago idinapo ang isang kamay sa mababang parte ng likod ko.

Si Sandro ang nauna sa paglalakad. Hindi pa man kami nakakalayo nang habulin na naman kami ng mga journalists, pero ngayon ako naman ang gusto nilang pagtanungan nang may magtutok sa akin ng microphone. Bumuntot ang kasama nitong cameraman at iba pang mga journalists ng iba't ibang local news station.

"Chandria, there's a video scandal that you kissed a businessman in Boracay. Naging viral ito bago nabura agad sa internet. Can you confirm this?" tanong ng babaeng journalist na may hawak ng mic. 

I cocked an eyebrow. So, it's entertainment journalism now, huh?

Tama nga si Tito Romualdo. Bagong scoop na naman para sa mga journalists ang kinasangkutan ko nito lang sa Boracay. Damn that middle-aged businessman. Kung sa ibang pagkakataon, nagulat na ako sa narinig na eskandalo; pero dahil nasabihan na ako at napigilan na nila daddy ang pagkalat nung video, nagpanggap na lang ako. Gaya ng karaniwan.

Namilog ang mga mata ko at nagkunwaring nagulantang. Nagtakip pa ng bibig. Like a good girl those men expected a rebel like me should be.

"Oh, my god. Scandal? Hindi ko alam 'yan," iling ko sa mga journalists.

"There's video scandal that circulated recently on social media. You kissed a businessman who happened to be the son of a magnate in Ilocos. Nakuhanan kayo sa isang sikat na club sa Boracay. Hindi namin alam kung totoo 'to dahil mabilis ring nawala ang video," sabi ng babaeng journalist.

Inulit pa talaga ng gagang ito! Umarte lang akong nagulat pero hindi ako umarte na nabingi. Iirapan ko sana kaso napansin ko ang nakatutok na camera sa amin ni Sandro!

"I believe it's fabricated. I don't kiss other men. God, nandito si Sandro, oh." Tumawa ang ilang journalists sa biro ko.

"But can you confirm it?" tanong pa rin nung babaeng journalist.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon