Kabanata 46

1.6K 145 78
                                    

Tumindig ang mga balahibo ko. Ang lamig na naglalaro sa kuwarto ay pumapangalawa lamang sa malamig na tuon ng mga mala-uling na mata ni Papa sa akin. Gone was the gentleness in his eyes. From the way he looked at me, I sensed something wasn't right. I bit my lip to stop the pain that was coming from my chest. Tumuon na uli ako sa kay Gino. Ngunit maski sa ganoon, nararamdaman ko pa rin ang mabigat na titig ni Papa sa akin.

"I had a talk with the doctor," aniya sa seryosong tono.

There was something in the mayor's voice. And it was very familiar to me. Ganiyan ang tono ng pananalita niya noong sutil pa ako at makasarili pa.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala akong kasalanan, pero bakit pakiramdam ko iba?

Huminga siya ng malalim. Nagtitimpi ng inis. Nagpipigil ng galit. Huminto ako sa paghinga na tila ba mapapagalitan ako pag nasabayan ko ang pagbuga ni Papa.

"Anong nangyari?" tanong niya.

Hindi iyon tono ng nang-uusisa at kung papakinggan, tila wala na siyang pakialam sa nangyari at inaalam na lang ang salarin. At ang malala, hinihintay niya iyon magmula sa akin.

Napalunok ako. Nanglalamig na ang mga kamay na parang yelo. "U-umalis po kami."

Ang mabigat na presensiya sa gilid ay mas tumindi. Ayokong lumingon kung maaari. Ngunit alam ko rin na kung hindi, mas lalong magiging tama ang nararamdaman kong paghihinala sa akin ni Papa. Natatakot akong napatingala sa kaniya. Nakayuko ng kaunti na parang tutang napagalitan. The darkness in his face was too much that I almost didn't recognize if it was still my Papa.

"Umalis kayo? Hindi ba't sinabihan ko na kayo nito lang na pag aalis kayo ipapaalam niyo sa akin? Paano nangyari 'yon, Rhiannon?"

"S-sumandali lang po kami, P-papa."

"Saan?" timpi pa rin niya.

Hindi ako nakasagot. The fear in me doubled upon thinking Romualdo Calderon. Pag nalaman ni Papa na pumunta ako roon at nakipag-usap sa kaniya, lalo siyang maghihinala. He will ask me more, for sure; and then he'll know, that I am.. of who I am.

Naramdaman ko ang pagtipon ng mga maiinit na luha sa gilid ng mga mata. Naaawa ako sa sarili na hindi ko man lang ngayon mapagtanggol ang sarili. Maski ano ang piliin ko, ang tumahimik o ang umamin, ako at ako pa rin ang pababagsakan ng galit niya.

"Ang sabi sa akin ng doktor, ang sinapit ni Gino ay maihahalintulad sa mga na-hazing. He had a broken rib. Ganu'n kalala, Rhiannon."

I bit my lip. I remember the first time I've seen his bruises earlier. Namilipit na naman ang puso ko sa naalala.

"Hindi ba't magkasama kayo? Anong ginagawa mo habang nangyayari sa kaniya iyon? Umiiyak? Rhiannon, the least thing you could've done is to call me! Papupuntahin ko sa inyo ang mga pulis!" Tumaas na ang boses ni Papa.

Napagitla ako. "P-pa –"

"What! Tell me! What the hell are you doing while Gino is out there! Fighting for his life!" bulyaw ni Papa at tinuro ng ilang ulit ang pintuan na parang doon nangyari ang lahat.

Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Humikbi akong umiiling. I don't know. I don't know they'll do this. I didn't do anything. And it hurts me right now because I know something between Papa & I is shattering and I can't even do anything to save it.

"Sumagot ka, Rhiannon Engres!!"

Napagitla uli ako. "H-hindi ko po alam."

Nangunot ang noo ni Papa. "Pardon?"

"H-hindi ko po alam, Pa." Umiling-iling ako. Hindi na pinapansin pa ang pag-agos ng mga luha.

"Paanong hindi mo alam?" There's an obvious anger seething in the mayor's voice like my answer was some joke.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon