Kabanata 18

1.7K 120 31
                                    

Papa and I made our way out of the school premises. I wanted to create an alibi but I knew an excuse would make matters worse. Nakasakay na ako sa back seat ng kotse nang marinig kong utusan niya ang driver na tumulak pauwi ng mansyon. Nakaramdam ako ng panlalamig at alam kong hindi iyon dahil sa aircon. It was just four o'clock in the afternoon. He still got an hour of work as a city mayor yet decided to go home. Hindi na nga niya ako pinabalik sa classroom namin kanina para kunin man lang ang bag ko. Si Gino na lang ang inutusan niyang mag-uwi nito nang tawagan niya sa cellphone habang nasa byahe kami.

The ride back home was silent. Nakapasok na kami sa village at sa unang beses namutla ang labi ko nang makita ang mansyon namin. Naiparke na ang kotse pero pinili ko pa ring pumirmi sa loob. Papa was already waiting for me outside with his arms crossed.

"Bumaba ka, Rhiannon. Wag mong hintaying hilahin kita," utos niya habang nakabukas ang likurang pintuan.

Bumaling ako sa kaniya at nakita ang 'di-natitigatig niyang itsura. Hindi pakitaan ng anumang emosyon ang mukha at para bang masamang tao ako kung tingnan ng mga mata.

Nawalan yata ako ng dugo. "P-pa.."

Papa pursed his lips. Huminga muna siya ng malalim bago ko mahuli ang sariling nagpatianod sa hawak niyang mahigpit. Hindi niya binitawan ang braso ko hangga't hindi kami nakakapasok sa loob, at sa sandaling nakalagpas na ang mga paa namin sa pinto nang pakawalan niya ako ng padabog. Napa-aray pa ako pero natabunan iyon ng singhal ni Papa. Dumagundong ang boses niya sa bulwagan na parang malakas na bagsak ng kidlat.

"SINO ANG NAGSABI SAYO NA PUWEDE MONG GAWIN IYON, RHIANNON!?"

Napapikit ako saglit sa takot. Nakita ko ang mga katulong na sasalubungin sana kami pero natigilan. Nanatili silang nakatayo sa distansya at tila na-alarma.

"YOU'VE BEATEN YOUR OWN CLASSMATE! HINDI KA NA NAAWA! NAKITA MO BA ANG MGA PASA NIYA KANINA? I DON'T EVEN KNOW WHAT TO TELL YOU RIGHT NOW!"

I bit my lip as Papa started pacing back and forth. Nakapisil ang isang kamay sa sarili niyang sentido habang nakapikit naman ng mariin ang mga mata. Tila sinasaulo uli ang pinakita sa kaniya ng bruha kong kaklase kanina.

"I didn't do it." mahina kong tugon.

Papa stopped. Dumilat siya 'tsaka ibinaling sa akin ang mga mala-uling niyang mata, "I did not order you to mumble. Umayos ka ng sagot!"

"I-I didn't do it." Napagitla ako.

Bumagsak ang dalawang kilay niya. "What are those bruises then? Hindi naman puwedeng naroon lang 'yun nang walang dahilan. Sinong sa tingin mo ang mananagot ng ginagawa mo?"

"Hindi ko alam. Hindi nga ako ang may gawa nu'n, Pa."

He was doubtful. Nakita ko iyon sa tingin niya. Nakakatampo man sa puso na makita siyang nagdududa pero pilit ko pa ring ipinaintindi sa kaniya ang katotohanan.

"I've been into a fight with her yesterday but I didn't even go that far to what they claim. Nasampal ko siya at nasabunutan pero higit doon wala na. I swear, Pa."

He again pursed his lips. "So that video circulating online wasn't fabricated? Hindi mo ba alam 'yan ang usapan ng mga tao sa city hall. The vice-mayor even gave a remark about it. Bumalik ka na naman raw sa kamalditahan mo!"

I was supposed to answer but he immediately interrupted me. Papa pointed his finger at my direction. "Pasalamat kang bata ka napakiusapan ko na agad ang ninong mong kausapin 'yung classmate mo. You're not only dragging the name of this family to dirt but also the reputation of your institution!"

Bakit ako ang masama? Bakit ako ang sinisisi niya sa lahat? Hindi ko naman papatulan ang impaktitang iyon kung 'di dahil sa sinabi niya. The b¡tch started it!

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now