Kabanata 54

3.2K 179 75
                                    

Kung nakatulog man ako, marahil dahil iyon sa pagod. Sinalubong ko ang umaga na mayroong mga bakas ng mga tuyong luha sa pisngi ko at mahapding lalamunan. Tinatamad kong ipinanghinarang ang isang kamay upang protektahan ang mga mata sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. For a brief moment, these rose colored walls almost convinced me I was brought back in time. That I was that seventeen years old spoiled brat who sleeps and wakes up in this familiar bedroom. Ngunit nang sandaling narinig ko ang mahinang kalansing ng asero pagkatapos kong i-angat ang isang kamay ko, at nang pumukaw naman sa mga mata ko ang mahabang kadenang naka-kabit sa palapulsuhan ko ay kaagad akong naalimpungatan. Bumangon agad ako sa pagkakahiga at maski alam kong imposible, hinila ko ng hinila iyong kadena sa pagbabakasakaling mapigtas.

The ends were attached on the bedpost. I tried pulling another but the metal just rattled a stubborn, metallic noise. Damn it.

Huminto ako nang makarinig ng mga boses na papalapit sa aking pintuan. Binaling ko ang paningin roon at nang bumukas iyon agad kong pinagtaliman ng tingin ang dalawang lalaking pumasok. Mga tauhan ni Joaquin.

One of them is holding a wooden tray containing my breakfast, probably. Nag-uusap sila pero nanahimik rin nang napansin akong nakatingin ng masama sa kanila. Nag-iingat, naglakad iyong may hawak ng tray papunta sa nightstand na nasa gilid ng kama.

"Sige! Lumapit ka babayagan uli kita!" banta ko habang nanglilisik ang mga mata.

Tumigil ito sa paglapit at sa halip, pumunta ito sa vanity dresser na naroon sa bandang dulo. Inilapag roon ng tukmol ang tray maski pareho naming batid na malayo iyon at hindi ko maaabot. It's not like I want to eat, though. The other man laughed at his partner after getting back.

"Paano makakakain 'yan kung du'n mo nilapag? Gago ka mapapagalitan ka pa ni Gino pag nakita 'yan." Tawa ng kasama. Suminghal iyong isa.

"Narinig mo naman sabi, 'di ba? Tangina, susugal pa ba ako e hanggang ngayon masakit pa rin itlog ko." Tumawa ng mas malakas ang kasama niya sa sagot nito.

Pissed, the other man looked at me. He's obviously still mad about last night. Siya iyong nagkabit nitong mga kadena sa palapulsuhan ko at nasipa ko nga sa kaselanan habang nasa gitna ng proseso. Hindi ko namukhaan ng maigi ang itsura niya kagabi at tanging iyong malaking tattoo niya sa braso ang nagpaalala lamang sa akin.

Bumaling na ito sa kasama niya. "Sigurado ba kayong nobya 'to ni Gino? Puta, ang tapang-tapang. Layo ng ugali nito du'n kay Bianca."

"Dehins ko alam, pare. Basta inutos niya sakin kagabing dakpin natin, eh. Pero tanda ko nga siya 'yung pinuntahan natin dati sa Timog noong may pinakumpirma satin si yorme. Siguro." Umangat ang magkabilang balikat nung isa. Umiling naman iyong ulo ng mayroong tattoo sa braso.

"Tangina talaga nu'n gagong 'yon. Pag may natitipuhang babae ipapahamak tayo." banggit nito.

Their conversation puzzled me. I find myself staring at them both, wondering on how they talk about the mayor in such an unlike manner. Pareho silang tila may alam sa nakaraan niya lalo pa at kilala nila ang dating girlfriend ni Gino. Gino rin ang tawag nila sa kaniya.

I blinked.

Tama nga rin ba iyong isa pang narinig ko? Pumunta sila sa Timog dahil inutos ni Gino? Dahil may gusto siyang kumpirmahin roon? Where specifically in the South? Was it Batangas?

Dozens of questions dominated my thoughts but I failed to come up with an answer. Bumalik ang katinuan ko nang makarinig ng mabibigat na yapak roon sa labas at hindi nga katagalan, bumungad sa may pintuan si Joaquin na nakasuot ng puting long sleeves at itim na slacks. Speaking of the devil himself.

"Problema? Hindi n'yo na ko binalikan sa baba." There was a big amount of authority empowering his baritone voice. I noticed two other men stood behind him outside.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now