Kabanata 50

1.8K 141 69
                                    

Our actions always stem from our motives. It is that driving force, that push factor that encourages us to do something coming from our own accord. Dahil sa mundong ito, hindi kailanman madidiktahan kung ano ang tama sa mali, kung sino ang mabuti sa masama, kung ano ang dapat sa hindi. Nagkakaroon lamang ito ng tatak kung kanino ka titingin, kung sino ang iyong pakikinggan, kung ano ang gusto mong paniniwalaan.

Inangat ko ang kaliwang kamay sa direksyon ng araw, tinatakpan sa mga daliri ang marahas na sinag nito habang nakatitig sa gintong alahas na nasa palasinsingan.

Nasa ganoon ako nang may marinig akong boses ng dalawang bata. Nang ibaling ko ang paningin sa daanan ng plantasyon, napangiti ako nang nakita ang dalawang batang nagkakarerahan papunta sa akin.

"Senyorita! Nakauwi na po pala kayo?" tanong agad ng naunang makalapit na si Nina.

Huminto sa tabi niya ang kulelat na si Toto. Mga anak sila ng mga mag-asawang magsasaka rito sa amin. Pag nagpupunta ako rito sa plantasyon para pagmasdang mag-saka ang mga trabajador namin at para magpahinga na rin, parati nila akong nilalapitan.

"Oo, Nina. Noong sabado pa." ngiti ko.

"Talaga po? E ba't ngayon lang po namin kayo nakita? Lagi pong sumisilip dito si Toto sa chico-han!"

"H-hindi naman!" iling naman ni Toto.

Nanunuway na hinila nito ang ilang hibla ng buhok ni Nina. Natatawa lamang ang batang babae. Bumaling uli ng isang beses si Toto sa akin at halos mag-linya na ang labi niya sa hiya. 

I giggled.

"Oo, eh. Nagkulong kasi ako ng ilang araw sa cuarto. Nanghina ako sa bakasyon ko. Grabe roon sa Bora." kuwento ko sa dalawa.

Bumilog naman ang mga bibig nila na para bang naiintindihan ako. Umismid na lamang ako. I cannot tell these two of the truth, though. Hell, I cannot even tell them of my scandal. Hindi kasi agad nawala ang issue maski nakapagbigay na kami ni Sandro ng comment tungkol doon. Uminit lang lalo nang nagsalita na naman ng panig niya ang negosyanteng nakasangkot ko.

The medias kept pestering me because that damn man just can't shut himself up. Tito Romualdo then informed me that my father personally went to Ilocos to have a talk with that businessman. Hindi ko alam kung anong napag-usapan nila ni daddy pero nanahimik na ang issue namin pagkatapos nu'n.

"Kayo bang dalawa nag-merienda na, hm? I have sweets here. Tara." tango ko sa dalawa rito sa bangkong kinauupuan ko, nasa kanan ko ay isang plato ng ube halaya na dinala ni manang para i-merienda ko.

Umiling si Nina. "Busog na po kami, senyorita! Pumunta lang po talaga kami rito kasi may gustong iabot raw itong si Toto, eh!"

"Talaga?" Bumaling ako sa kay Toto. Umiling ito ng napakabilis.

"H-hindi po!"

I noticed something in his tiny hands. Bago ko man ito makita ng mabuti, itinago niya na agad sa likuran. Paulit-ulit naman ang pagyugyog sa kaniya ni Nina. 

"Sige na! Dali na!" pamimilit nito.

"Eh!"

"Toto!" pamaywang ni Nina.

Toto sighed in defeat. Seeing it doing by a six year old was somehow funny. Tumingin si Toto sa akin at nahihiyang ipinakita ang nasa kaniyang dalawang palad. Bracelet iyon na gawa sa Santan.

"P-para po sa inyo, senyorita. Ginawa ko po kanina nu'ng namitas ako sa halamanan niyo." nahihiya nitong ani.

"Dumaan ka sa hacienda kanina?" I asked.

Tumango lamang ang batang lalaki. Heto pala ang narinig kong nirereklamo kanina ni manang habang nagdidilig siya; na may namitas na naman raw ng mga santan sa halamanan namin. I was touched, though.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now