Kabanata 27

1.9K 149 84
                                    

Maaliwalas na lumipas ang mga sumunod na araw. Stephanie was transferred to another class. Hindi ko alam kung siya nag-request ng transfer niya pero nabalitaan na nga lang namin pagkatapos ng intramurals. Renzo on the other hand was dumped by Claire. Si Claire pa ang mismong nag-confirm sa amin du'n sa ginawa naming group chat, at du'n din niya sh-in-are sa amin iyong picture niya kasama ng bagong ka-fling niya. Isang Filipino-Canadian na nag-aaral maging piloto. Guwapo, mas guwapo pa sa dati niyang nobyo; pero hindi mas guwapo kay Gino.

I smirked. Nangpupuri ka na talaga ha, Rhiannon?

Nakahiga ako ngayon rito sa kama. Naka-angat at nakatutok ang cellphone sa mukha ko habang occupied sa pagtingin ng mga s-in-ave kong pictures niya.

Bakit ang guwapo niya talaga? Nakiliti ang puson ko nang makipagtitigan sa picture niya. Malalago ang nakabagsak na mga kilay na parang galit sa mundo – na kung hindi lang maaamo ang mga mala-uling na mata iisipin mo ngang ganu'n si Gino. Matangos ang ilong. Maitim kaunti ang labi na lalong nakadagdag sa pagiging masculine. Maganda ang hulma ng panga na parang naiisip ko na magiging itsura niya pag nag-mature at nagpatubo ng balbas. Matikas. Moreno. Napatili ako ng impit sa kilig. Bakit kaya hindi ko ito napansin dati?

Because I hate him, I guess. Instead of noticing his features I now find attractive, I took my time then loathing every single one of his details. Nagtaka pa ako nu'n kung ba't halos lahat ng mga kaklase namin nagpapapansin sa kaniya. Si Stephanie nga gumawa pa ng paraan para lang makasama siya ng isang buong gabi.

I sighed.

I swiped left and right to compare his old and recent photos. Nakakita kasi ako ng picture ni Gino noong mahaba pa ang buhok, tapos ito ngang semi-kalbo na siya nu'ng may nag-tag sa kaniya ng candid shot noong intramurals. Napakalayo talaga ng itsura niya sa noon. Then, Gino looked like a typical boy-next-door one might want to be a lover, but now he looked like a rebellious guy your parents warned you about, and will even do you hard on a Friday night.

I blushed. The hell am I thinking?

Bumalik na lang ako sa mga lumang pictures ni Gino. Nagiging makasalanan lang ang utak ko pag nakikita ko kasi ang ngayong itsura niya. Tumitig ako sa seryoso niyang kuha habang nakasuot ng uniform niya sa lumang school, at bukod sa luma at tila naninilaw na niyang uniporme may isa pa akong napansin.

Gino looked familiar, like I've seen him before. Hindi ko matukoy kung saan pero parang pamilyar talaga ang itsura niya; pero parang imposible kasi hindi ko pa siya nakikilala noon. Gino was a total stranger to me the very first time he was brought here.

Pamilyar talaga siya! Hindi ko nga lang talaga matandaan kung saan o kailan. O siguro may kamukha?

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sumagi kasi sa isip ko ang isang tao. Umiling ako para alisin sa isip iyon bago pa man magmarka ng tuluyan. Ngunit kahit anong gawin ko, tila pursigo at gustong bumulabog ng ideyang iyon, kaya napagdesisyunan ko nang tumigil na sa ginagawang pagtingin ng mga litrato ni Gino.

It was a fine Sunday. School just ended it's first semester and now we're officially having our mini vacation. Pumunta si Gino sa village court kasama ng mga kaibigan niya. Gusto ko ngang sumama para panoorin siyang maglaro ng bola kaso sabi niya 'wag na at puro lalaki raw sila roon.

Napapairap na lang talaga ang mga mata ko pag naiisip ko iyon. Problema niya kung puro nga sila lalaki roon? It's boring here, I just wanted to watch!

Pumunta na lang ako sa home office kung nasaan si Papa. Siguro sa ngayon nagbabasa iyon ng mga dokumento niya sa city hall o marahil nagpapahinga. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa opisina niya.

"Hi, Pa." bati ko.

Papa got surprised. Naabutan ko siyang may binabasang papel at nang makita nga ako itinago niya iyon sa drawer ng kaniyang desk.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now