Kabanata 38

1.7K 129 37
                                    

Namumugto ang mga mata ko habang nakatuon sa sariling vanity mirror. Namumula ang maliit na ilong. Nanginginig ang labi habang inaalala ang itsura ng damuho kanina. I still can't believe he left me hanging here. Siya itong nag-initiate ta's siya rin itong umurong bigla.

Dahil saan? Dahil sa binigay ko consent ko! Naglalaro lang ba siya kanina? Nanunubok? Nang malamang game ako para tuloy siyang napasubo sa isang bagay na hindi niya naman talaga gusto! He even looked sorry as if I was that petty!

Ugh!

Nag-ring ang cellphone kong nasa nightstand. Napatayo ako upang kunin iyon at nakita kong nakarehistro ang pangalan ng babaeng mentor ko.

"Hi, Rhiannon! Nakabihis ka na?" tanong niya.

Bumalik uli ako sa vanity ko at naupo sa stool. I peeked at the mirror and saw how disastrous I looked like. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok na nakadikit sa pisngi at inipit ito sa likod ng tainga.

"Hindi pa, ma'am." I told.

"O e anong hinihintay mo pagsikat ng umaga? Uwian na 'yon!" Bumaling ako sa orasan. It was eleven-eighteen. Pag hindi traffic, makakarating kami sa meeting place bago mag-twelve. But then, I remember. Hindi pa nga pala uli ako nakakapagpaalam kay Gino.

Napairap ako. Hindi na nga ako minamandohan ng mayor pero nalipat naman sa anak niya. Like father, like son. Gosh.

Bumaling ako sa mga polished kong kuko. "Papunta ka na po ba, ma'am?"

"Oo, hinihintay ko na lang 'yung b-in-ook ko. G na!"

"Mapapakisuyuan mo po bang dumaan rito sa village, ma'am? Dagdagan ko na lang po 'yung singil satin." I tapped my fingers at the top of my vanity.

Tumili si ma'am sa kabilang linya. Hindi rin katagalan nang ibaba na namin ang linya kasi nasa pick-up location na 'yung sasakyan. Bumaling uli ako sa salaminan at isang malditang ismid ang umusbong sa aking labi.

I'm going flashback friday tonight, bitch.

Minutes of choosing a good outfit for tonight, I finally ended wearing a black thin strap dress that was above my knee. I did a few make-ups and after that, I finally decided to go. Para kong bumalik sa panahon. Mula sa marahan kong pagbukas ng pinto, sa pagiging maingat ng bawat lakad sa madilim na pasilyo, hanggang sa masikap kong pag-akyat sa puno namin para makatalon sa kabila, sa labas. Hindi ko pinahinto si ma'am sa tapat ng gate kasi maaalarma ang mga nightguards. Mas mabilis pa namang magsumbong ang mga guwardya rito kumpara sa mga katulong.

Marami nang mga tao nang makarating kami sa club. Magulo na agad at maingay. Brennon was popular in here because every now and then, someone would stop to call and greet him. Ganu'n din ang mga staffs at mga bouncers kanina. Sumagi tuloy sa isip ko kung nakita ko na ba si Brennon noon pag nagpupunta kami rito o talagang iba ang circle namin nina Ava.

"Guys," aya sa amin ni Brennon.

Pumunta kami du'n sa hagdanan na malapit sa bar section para makapunta sa upper floor, pagkatapos may nilikuan kaming pasilyo at sa pinakadulo naroon ang sinasabing silid. The noise from the dance floor got weak up here.

"Sorry na, guys, ha? This is the only room I could borrow from my friend. Sana magustuhan niyo," humble niyang sabi nang makapasok kami sa room at isa-isang suminghap ang mga ka-department namin.

It was a VIP. Maespasyo ang silid at maganda ang puwesto kasi kitang-kita namin ang mga tao sa ibaba, at kung titingnan naman du'n hindi kami makikita kasi nahaharangan ng salamin na ang sabi ni Brennon, tinted ang mga iyon sa labas. There's even a flatscreen television and a karaoke system.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now