Dai 38-shou

1.3K 105 16
                                    


"May sulat ka," bungad sa akin ni Imelda. Nasa tabi niya niya ang batang si Hoshi na mahimbing na natutulog sa mahabang upuan. Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. "Hindi pa talaga sumusuko ang Amerikanong manliligaw mo."

Inilapag ko ang mga pinamili ko sa mesa. "Ilang beses ko namang sinabi sa kanya na hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya." Kinuha ko ang sulat na nakapatong sa maliit na estante.

Mahaba-haba ang nilakbay ng sulat na ito. Maingat ko itong binuksan. Sinalubong ako ng matamis na amoy. Sumama ang maliliit na talulot ng bulaklak nang hugutin ko ang sulat mula sa sobre.

"Aba," puna ni Imelda na tila nasasabik sa nakikita niya. "Basahin mo na."

Mas marami pang nakaipit na maliliit na bulaklak nag buksan ko ang sulat. Kumuha ako ng papel para doon muna ito ilagay.

"The season when apples start to bear flowers already started. I wish I can see it with you."

Dumaloy ang kaba sa aking katawan. Pakiramdam ko ay nasisira ko ang pangako ko kay Seiji na hihintayin ko siya. Hindi tamang makipagsulat pa ako kay George. Mabilis kong itinupi ang sulat at ibinalik sa sobre. Nilukot ko ito at itinapon sa basurahan malapit sa pinto.

"May problema ba?" tanong ni Imelda.

"A-ayoko lang kasi na may isiping iba si Seiji."

Tunahimik ang paligid pero alam namingpareho kung gaano kalakas ang sigaw ng nararamdaman namin ngayon. Kumawala ang isang patak ng luha mula sa aking kanang mata. Unti-unti akong lumingon kay Imelda. Nagbabadya ring maging ilog ang mga mata niya.

"Hu-huwag kang mag-alala." Alam siya rin ay nawawalan ng pag-asa pero ayaw niya itong ipakita.

Naputol ang usapan namin nang pumasok si Eloy. Mabigat ang hanging dala niya. May sugat sa kanyang labi. Nakalaylay ang kwelyo ng kanyang damit. Maayos naman ang lagay niya nang lumabas siya ng bahay.

"Ano bang nangyari?" Malumanay ang tinig ni Imelda sa takot na magising si Hoshi.

Walang imik si Eloy. Sinalinan niya ang baso ng tubig tsaka nilaklak iyon. "Mga makikitid ang utak!" Pinandilatan ko siya. Mukhang naintindihan naman niya kung bakit ko ginawa iyon. "Hanggang dito ba naman ay sinusundan tayo ng kwento?"

Napatahimik kami Ni Imelda. Alam naming kami ang dahilan kung bakit siya napaaway. "Hindi ba nila maintindihan na hindi lahat ng mga Hapon ay masama ang ugali?" May galit sa kanyang boses. "At hindi lahat ng mga babaeng umibig sa isang Hapon ay naging babaeng parausan!"

Huminga ako ng malalim. Maski ako rin ay galit sa naririnig namin. Tinatawag nila na traydor si Imelda dahil nagmahal siya ng sundalong Hapon. Ako naman ay binansagang babaeng ipinagpalit ang puri sa panandaliang sarap ng buhay. May kwento namang pareho naming inakit si Eloy para mabuhay kaming tatlo.

Panandalian kaming nanirahan sa baryo nang sumuko ang mga sundalong Hapon ngunit nais naming kalimutan ang mga mapapait na nangyari. Ilang beses na ring naming pinag-isipan ang desisyon iyon. Sa huli, pinili naming magsimula muli. Hindi namin alam kung paano kami nasusundan ng kwento.

"Si Ate Lilia kaya?" tanong ni Imelda.

Umiling ako. "Huwag na tayong maghanap ng taong paparatangan. Hindi rin mababago ang lahat."

Umupo si Eloy sa bangko. Mukhang kalmado na siya. "Tama si ate. Tsaka nasa kabundukan na iyon." Lumingon siya sa akin. "May balita na ba kayo?" Pareho kaming natahimik ni Imelda.

Lumapit si Eloy kina Imelda. "Kumusta na ang aking inaanak?" Kinuha niya ang sanggol mula kay Imelda.

Natawa na lang ako kay Eloy. Kanina para siyang tigre pero ngayon mistula na siyang anghel habang hawak ang kanyang inaanak.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now