Dai 16-shou

2.2K 131 10
                                    

"Kumusta  na ang pakiramdam  mo? "

"Mabuti." Nanatili ang aking atensyon sa ginagawa ko. 

"Orizuru?" tanong niya.  "Papel na tagak?"

Nabaling ang tingin ko kay Seiji na nakatayo sa pintuan.  Taimtim niyang pinagmamasdan ang bawat pagtupi ko ng papel.  Tumango ako sa kanya bilang pagsagot. 

"Napapansin kong nahuhumaling na rin ang mga bata sa pag-gawa niyan, " puna niya.  Tumanaw ako sa bintana at nakita ang mga batang nakapaligid kay Yusuke. Masaya silang gumagawa ng mga papel na tagak.  "Gusto daw nilang makagawa ng isang libong orizuru."

Nagkunot-noo ako sa sinabi niya.  "Bakit naman? "

Nagkibit balikat siya.  "Naniniwala sila sa sinabi ni Yusuke."

"Na ano? "

"Matutupad ang kahilingan nila kapag nakagawa sila ng isang libong papel na tagak. "

  Lumapit siya at pumulot ng isa sa mga tagak na tapos ko nang  gawin. "Kalokohan," bulong niya. 

Napuno ng pagtataka ang isip ko sa mga sinabi niya.  "Anong ibig mong  sabihin?"

Huminga siya ng malalim at binigyan ako ng mapanghusgang tingin.  Bahagya siyang umiling.  "Pinaniniwalaang tutuparin ng mga diyos ang hiling ng isang tao kapag nakagawa ito ng isang libong orizuru. "  Isa-isa niyang sinasalansan ang mga tagak na natupi ko.  "Uupo sila at aasang magiging isang tunay na tagak ang mga papel na tagak para dahil ang kanilang mga hiling sa langit."

"Hindi masamang maniwala, " sagot ko. 

"Masamang maniwala kung alam mo sa sarili mong hindi ito magkakatotoo."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.  Minsan hindi ko talaga matantiya ang ugali niya.  May mga panahon na puno ng pag-asa ang kanyang mga salita at kasali ang oras na ito doon.   Naputol ang aking sasabihin nang tumayo ang isang bata mula sa pangkat nila Yusuke. 

"Kapag matatapos natin ito,  hihilingin ko na sana matapos na ang digmaan para makauwi sina tatay, " deklara niya.  "At para makita na rin ni Kuya Yusuke ang pamilya niya at magiging masaya na tayong lahat. "  Puno ng pag-asa at pananabik ang bawat salitang binibitawan niya. 

Kumirot ang puso ko sa pag-asang nasa loob ng bata.  Linapag ko ang papel na tinutupi ko.  "Sa paniniwala umuusbong ang mithiin.  At kapag ito ay umaalab,  dito nagsisimula ang maliliit na hakbang.  Lahat ng malalaking tagumpay ay nagsimula sa malilit  na hakbang, ginoo. "

"Katulad ba nito ng pagtatangka mong sumapi sa mga rebelde?" May bahid ng panghuhusga ang tono niya.  "Nauna sa paniniwala hanggang sa maliliit na hakbang."

Kung alam lang niya  na  may kakilala akong rebelde at sundalong Amerikano at kung paano  ko tinanggihan ang alok nilang sumapi sa kanila. Anong ibig sabihin  ng mga sinabi niya? Hindi ba siya nagtitiwala sa akin?

"Wala akong sinabing sumapi ako sa kanila, " usal ko.  Tumayo ako para kunin ang isang bunton ng unipormet sa gilid.  "Hindi na importante kung maniniwala ka sa mga sinabi ko pero... " Tumingin ako sa mga mata niya na agad naman niyang iniwasan. "Ang isang tuta man ay alam na  hindi pwedeng kagatin ang kamay na nagpapakain sa kanya. "





Walang masyadong tao sa sapa nang dumating ako.  May limang mga batang masayang nagtatampisaw habang naglalaba naman ang kasama nilang matandang babae.  Pumuwesto ako sa may kakinisang bato at dumapot ng damit  at sinimulang kusutin. 

Mayamaya, nagsimulang kumanta ang mga bata ng isang kantang nagyon ko lang narinig. Inalala ko kung saan ko narinig ang tunog na iyon. Ito ang himig na tinutugtog ni Seiji sa kanyang plawta noong nakaraang araw.

Watashi no Ai (My Love)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن