Dai 26-shou

1.9K 137 34
                                    

Ilang araw  ang lumipas nang nagpunta kami ni Seiji sa bukal. Tahimik siya ngayon, tahimik naman siya lagi pero kakaiba ngayon. Tila may bumabagabag sa kanya na nag-ugat siguro sa mga pangyayari.  Patuloy  pa rin ang pagbawi ng pwersang Pilipino at Amerikano sa ibang probinsya ng bansa.  Samantalang ang mga sundalong Hapon naman ay nakikita ang pag-aalala sa kanilang mga mata na ibinaon nila sa katapangan.

Kasalukuyan siya ngayong nakaupo sa ilalim ng puno, hawak ang kanyang plawta habang nakatingin sa langit. Napapatigil ang mga batang naglalaro para pagmasdan siya ngunit hindi sila lumalapit. Alam siguro nilang malalim ang iniisip ngayon ng kanilang iniidolong kapitan.  Magsisimula sana siyang tumugtog nang lumapit ang isang batang lalaki.

"Taicho!" sigaw niya. Sinusubukan niyang pigilan ang pagpatak ng kanyang luha.

"Nani ga okuro? (What happened?)" tanong ni Seiji sa bata. Saglit siyang tumingin sa galos nito at huminga ng malalim. Sa lagay ng bata ay mukhang napaaway ito ng husto. "Nakanai de."

Umiling ang bata at suminghot. Pinahid niya ang kanyang luha.  "Otoko wa naka nai. (A man doesn't cry.)"

"Sonotouri desu (That's right)."

"Shikashi watashi wa mada watashi no haha ga koishī desu. (But I still miss my mom)." Yumuko ang bata para itago ang pumapatak niyang luha.

Tinapik naman ni Seiji ang ulo ng bata. "Anata no okāsan wa koko ni i nai ga (Eventhough your mom is not here)," wika niya. "Anata no okāsan wa anata o aishi te i masu. (Your mom loves you.)"

"Honto ni? Totoo po ba?" May ningning sa mga mata ng bata na nagpangiti kay Seiji.

"Hai, honto." Lumingon  muna siya sa palagid bago tumingin sa bata. "Umuwi ka na at hinahanap ka na ng tatay mo." Namilog ang mga mata ng bata. "Sh, kore wa watashi tachi no himitsu." Linahad niya ang kanyang hinliliit at ikinawing naman ng bata ang hinliliit niya kay Seiji. May maikling kanta  muna silang inawit bago nagpaalam ang bata.  Nanatili siyang nakangiti hanggang sa nakalayo ang bata. At gaya ng dati, nagbalik na naman siya sa pagiging istatwa.

"Seiji."  Saglit siyang lumingon sa akin ngunit binalik  din  niya sa langit ang kanyang pansin. "Pwede bang umupo?" Tumingin siya  sa tabi niya bago tumango. "Sino ang batang iyon?"

Sinalubong  ako ng mga singkit na mata, tinatanya ang bawat kilos ko. "Si Souichi."

"Souichi? Hapon ang batang iyon? "

"Hapon ang kanyang ina at Pilipino naman ang kanyang ama," sambit niya.  Mukhang nahulaan niya ang tanong  ko.

"Mukhang hindi ko siya matandaan nang una akong nandito?" Sinubukan kong alalahanin kung nakita ko ba siya noon.

"Dumating sila dito noong umalis ka." Parang gusto kong sabihin na hindi ako umalis. "Pinagkamalang espiya at pinatay ng mga gerilya ang kanyang ina. Hindi nila alam na ang pamilyang iyon rin ang nagtatago sa mga tumatakas na Pilipino. Muntik nang patayin si Souichi ngunit nakita sila ni Yusuke."

Kung nasa gitna ng hirap, galit, at sama ng loob ang isang tao, naghahalo na ang balat sa  tinalupan. Nagiging malabo ang ating  paningin at sumisikip ang ating isip sa ibang mga bagay. Nakakain ng galit ang ating puso. Ngunit sa  nangyayari ngayon, hindi maiiwasan   na makain ng galit kapag mahal na sa buhay ang pinag-uusapan.  Naalala ko kung paano ako nagalit sa mga sundalong Hapon noon, nais ko rin singilin ang buhay na kinuha nila sa akin ngunit wala rin akong pinagkaiba sa taong  gumawa n'yon.

"H-hindi naman lahat ng Pilipino masama." Wala sa isip kong nasambit ang mga salitang iyon.

"At ganoon din ang mga Hapon," sagot niya. "Sa isang puno man ay may matamis at maasim na bunga. Depende kung saan laging tumatama  ang araw."

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now